You are on page 1of 2

ANG AKING DASAL

Nawa'y maging gabay


Saan man magtungo
Tuwing nalulumbay
Ilawan ang puso
Ito'ng aming dasal
Kapag naliligaw
Kam'y akayin Mo
Sa landas na wasto
Kung sa'n patungo sa Iyo
Aming panalangin (nawa ay pagibig mo)
O Diyos kami ay dinggin (ilaw sa 'ming puso)
Sa bawat sandali (sa araw at gabi)
Maging tanglaw namin
Ito'ng aming dasal (ito'ng aming dasal)
Kapag naliligaw (kapag naliligaw)

Ang Aking Dasal


Habang nasa mundo
Kami'y akayin Mo
Kung sa'n patungo sa Iyo

Panalangin namin kami ay pagpalain


Na kahit sa dilim nawa'y makita
Liwanag ng pagibig Mong dakila
At di na mawalay sa Iyong gabay
O Diyos aming hiling (nawa ay tanglawan)
Payapang daigdig (at laging bantayan)
Ang buhay na laging (sa Iyo umaasa)
Puspos ng 'Yong pagibig (Ikaw ay Manahan)
Aming panalangin (aming panalangin)
Tulad ng 'sang paslit (tulad ng 'sang paslit)
Kami'y akayin mo
Sa landas na wasto
Kung sa'n patungo sa Iyo
Kami'y akayin mo
Sa landas na wasto
Kung sa'n patungo sa Iyo

You might also like