You are on page 1of 1

Elehiya Kay Ram ni Pat Villafuerte

Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay


Di mo na kailangang humakbang pa Ay, ang uniporme pala'y napapuputi ng mga dahon
Sapagkat simula't simula pa'y pinatay ka na At napauunat ng mga halaman;
Ng matitigas na batong naraanan mo Ay, ang kalam ng sikmura pala'y napabubusog
Habang nakamasid lamang Ng pagtakam at pag-idlip;
Ang mga batang lansangang nakasama mo Ay, ang pagbabasa pala'y may hatid-tulong mula sa poste ng Meralco
Nang maraming taon. Habang nakatayo ka't tangan ang libro;
Silang nangakalahad ang mga kamay Ay, ang sakit pala'y napagagaling
Silang may tangang kahon ng kendi't sigarilyo Ng magdamag na paglimot;
Silang may inaamoy na rugby sa madilim na Ay, ang paliligo pala't paggamit ng banyo
pasilyo. Ay may katumbas na piso;
Ay, ang pangungulila pala'y nahahawi
Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo Ng pag-awit at pagsulat.
Bunga ng maraming huwag at bawal dito Umaawit ka't sumusulat
Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos Sumusulat ka't umaawit.
Ang maraming bakit at paano
Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ikaw'y tao Habang ang titik na nalilikha'y
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo. Walang himig ng harana
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili. Walang tinig ng kundiman
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga palad mo Walang indayog ng oyayi.
Ang pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid. At ang mundo mo'y nabago ng pag-ikot
Ikot pakaliwa, ikot pakanan
Ay, kaylamig ng sementadong mga baytang Ikot paitaas, ikot paibaba
Ng gusali ng finance at turismo Ikot papaloob, ikot papalabas
Habang pinatnubayan ka ng bilog na buwan Pangalan mo'y parang bulaklak na humahalimuyak
At nagkikislapang mga bituin sa pagtulog mo. Simbango ng pabango mong iwiniwisik
At bukas, at susunod na mga bukas, tulad ng maraming bukas Sa katawan mong walang pilat
Iyon at iyon din ang araw na sasalubong sa iyo. Binabanggit-banggit saan mang
Nakangiti ngunit may pait lugar
Mainit ngunit may hapdi Sinasambit-sambit ng mga guro't mag-aaral.
May kulay ngunit mapusyaw Ilang bituin s alangit ang hinangad mong sungkutin
Paulit-ulit, pabalik-balik Ilang saranggola sa ulap ang ninais mong maangkin
Pabalik-bai, paulit-ulit Kung ang mga bituin sana'y di nagkulang ng kinang at ningning
Ang siklo ng buhay na kinasadlakan mo. Sana, kahit kometa'y ilalatag ko't sa mga palad mo'y aking ihahain
Kung ang saranggola sana'y di dinagit ng hangin
At isang imbensyon ang iyong nalikha Sana guryon itong sabay nating bubuuin.
Kayraming sa iyo ay lubusang humanga.
Mula sa teoryang laba-kusot-banlaw-kula-banat, Ay, wala na.
Napapaputi mo ang nag-iisang polong puti Tuluyan nang naglaho ang kinang at ningning ng mga bituin.
Sa tulong ng mga dahon. Tuluyan nang humalik sa lupa ang saranggolang dinagit ng hangin.
Napapaunat mo ang nag-isiang polong puti Sa paglalakbay mo,
Sa ibabaw ng mga halaman. Ang naiwan sa amin ay isang blangkong papel
Napapabango mo ang nag-iisang polong puti Di naming matuldukan upang mapasimulan ang isang pagguhit.
Sa patak ng alcohol. Di naming maguhitan upang maitala ang maraming
Laba-kusot-banlaw-kula-banat. katanungan. Di namain matanong upang hingan nang
Laba-kusot-banlaw-kula-banat. kalinawan.
Laba-kusot-banlaw-kula-banat. Sana, sa paglalakbay mo'y makahuli ka ng mga sisiw
Sana, sa paglalakbay mo'y may matanggal na piring
At habang hinahanap mo ang nawawala mong ama Sana, sa paglalakbay mo ay may timbangan kang maaangkin.
Upang may mahingan ka ng pambili ng libro
O magsabit ng mga medalya sa dibdib mo At kapag natupad ito
Kayrami naming naging ama-amahan mo. Kaming mga nakasama mo
Habang ang iyong ina'y nag-aalok ng kendi't sigarilyo Kaming mga nagmahal sa iyo
Upang may maiapabaon sa iyo Ay lilikha ng bagong himno ng paglalakbay
Kayrami naming naging ina-inahan mo. Isang himnong ang mga titik ay kalinisan ng
Habang namimighati ka sa harap ng kapatid mong puso Isang himnong may himig ng
Pinaslang sa Aristocrat, pananagumpay Dahil para sa amin,
Kayrami naming naging kuya-kuyahan mo. Ikaw ang himno
Habang naghahanap ka ng mga taong May puso kang malinis
kakaibiganin Upang magbahagi ng iyong Kaya't dito sa lupa'y ganap kang nagtagumpay.
karanasan Sa kabilang buhay, ikaw pa rin ang magtatagumpay.
Kayrami naming naging kaibigan mo.
Sa PNU sumibol ang mga bagong ate mo.
Sa PNU nalikha ang mga bagong kuya mo.
Sa PNU nabuo ang bagong pamilya mo.

You might also like