You are on page 1of 1

“ISANG GABI”

By: Stephanie Crave

Isang gabing napaka lamig at ang dilim na ng daan

Tanging ang mga bituin at buwan ang nasisilayan.

Tila ako’y tinatawag,

sa kanyang pagsunod ako’y nabihag.

Ang liwanag ng buwan ay aking tinitignan

Habang lumalakad sa daan, tila hindi ko na namalayan

Ako’y nasa lugar na hindi ko na alam kung saan

Tila ako’y napatingin sa mga bituin

Ako’y napaluha at napadalangin

Akala ko’y kinabukasan ko ang iyong dala?

Bakit tila malungkot, malumbay at wala akong makita?

Napaka lamig, tahimik, at puno ng takot.

Ako’y nag-iisa, walang kasama. Ako’y lumambot.

Sa aking pagluhod, nasilayan ang liwanag na nanggaling sa itaas

Pinagpag ang aking mga tuhod; sa pag tayo’y biglang lumakas

Bigla kong naalala ang buwan ang dahilan kung ba’t naparito

Napagtantong tumanong ngunit ang mga ulap ay humarang sa aming pagtagpo

Napatakbo, napasigaw ngunit huli na.

Ang pagbalot ng mga ulap sa buwan

Ay ang pagpatak ng ulan sa aking kinaroroonan.

You might also like