You are on page 1of 3

Pangarap ko para sa Kina bukasan ko

Ni: Mark Anthony L. Delavin

Sa mundong puno ng mga pangarap at pag-asa,

Sa bawat hakbang, isang kwento may pangarap ang na tutupad,

Sa puso ko'y buhay ko ay may isang pangarap

Ang pangarap kong maging nurse,

Sa pamilyang puno ng pagmamahal at halakhak.

Sa bawat gabi at araw na lumilipas, na para

landasin ko ang aking pangarap na tila'y walang pagod.

Sa bawat pintig ng puso, taglay ang malasakit at pagmamahal, sa serbisyong aking ibibigay.

Sa kama ng pasyente sila y aking iingatan,

na may dalang damdaming nag-uugma, Ang bawat patak ng pawis,

na parang gintong walang ka tumbas sa mundong ito.

Nakikita ko ang aking sarili sa puting uniporme,

Taglay ang ngiti ng pagmamahal at pag-aalaga.

Kamay na handang magbigay ng kalinga,

Sa bawat sugat ng buhay, ako'y tagapagpagaling nila.


Ang pamilya ko'y nagsisilbing inspirasyon,

Ang bawat tibok ng puso, alay sa aking pangarap.

At akoy mag papatulo y para lumiwanag ang aking pangarap,

Ako'y magsisilbing ilaw para landasin ko ang aking pangarap.

Hindi biro ang pag-aaral, ang mga leksyon at sakripisyo,

Ngunit sa bawat pagod, ako'y lalaban ng buong tapang.

Ang pangarap ko'y hindi lamang para sa sarili,

Kundi para sa pamilyang nagbigay sa akin ng lakas at tuwa.

Ang boses ng pag-asa, sa aking bawat galaw,

Sa bawat pag-aaral, pangarap ay nagtatagumpay.

Naglilingkod ng buong puso.

Sa bawat ngiti ng tagumpay, sa bawat gunita ng araw,

Ang pangarap na maging nurse, buhay na may saysay.

Sa bawat paglakad, sa landas ng tagumpay,Studyante na may pangarap,

sa mundong puno ng pag-asa'y akoy mag sisilbing liwanag.

Sa harap ng hamon at unos ng buhay,

Ako'y tatayong matibay, tulad ng matibay na bato.

Ang pangarap ko'y hindi lang isang pangarap,

Ito'y isang misyon, isang pagtawid tungo sa tagumpay.


Sa dulo ng landas ng pangarap na ito,

Ang pamilya ko'y aking saksi at gabay.

Magiging nurse ako, sa puso't damdamin,

Upang maging ilaw sa madilim na kaharian ng kahinaan ko.

You might also like