You are on page 1of 2

Espinoza, Shan Lester S.

11-Integrity

“Bayani”
Sa mundo ng pangangalaga ng kalusugan,
Isang alagad ng karunungan at pagmamalasakit,
Pambihirang kakakayahan at talento,
Sa pag-aaruga sa katawan at kaluluwa.

Sa bayan ng liwanag, may doktor na mahusay


Naglalakbay sa dilim, bituin sa gabi.
May ngiti sa labi, at mga mata'y liwanag,
Kanyang mga kamay, buhay ay hawak.

Buhay na tunay na napakahalaga.


Sa aking prayoridad ito ay una.
Panatilihin ito na masagana.
Sa tulong ng aking pangagalaga.

Sa bawat galaw, may pag-asa't sigla,


Sa kanyang ngiti, lunas ang dala.
Sa mga kamay na may dalang pag-asa.
Bawat pasyente, pag-asa'y nabubuhay.

Ang kanyang mga salita, parang himig sa hangin .


Mga payo'y pumupuno ng pag-asa sa damdamin.
Kanyang mga payo, parang liwanag sa dilim,
Ang kanyang kaalaman, ilaw sa gitna ng kadiliman.

Bawat oras, siya'y tagapagligtas,


Sa sakit at pagdurusa, siya'y kasama,
Sa likod ng bawat tagumpay,
Mga pagsubok ay kailangang harapin.
Sa bawat hakbang ng kanyang sapatos,
Sa bawat pintig ng kanyang puso,
Nakataya ang buhay ng bawat pasyente,
Ang kanyang dedikasyon, tila walang kapantay.

Kahit pagod at puyat, siya'y buong pusong naglilingkod.


Sa bawat serbisyo, kanyang iginugol.
Bawat oras, isa siyang anghel na tagapag-alaga.
Bawat oras, walang pinagsisihan.

Hindi lamang propesiyunal ang dasal.


Gagawin ko ito dahil sa aking pagmamahal.
Buhay ng marami sana'y madugtungan.
Walang makatutumbas sa kasiyahan.

Bawat isa, ang kanyang aral ay isabuhay.


Pagmamahal at malasakit, ang tunay na lunas.
Sa bawat pangyayari, may iniwan na alaala.
Di lang isang doktor, kundi tunay na bayani.

You might also like