You are on page 1of 3

"Gabay"

Ano nga ba ang Gabay?

Sabi nga sa isa sa mga lyriko ng kanta ni Rey Valera "Huwag kang mangamba.. Gabay mo ako
sasamahan kita sa tuwina".

Ang Gabay ito ung mga nilalang na palaging nakasubaybay sa atin guardian ba ito, espiya, body
guard, anino, stalker, manliligaw, avid fan, p.a. (personal alalay) o kakambal natin

pero posible ang mga iyan.

Saan-saan ba nakukuha ang mga gabay?

Nakukuha ang mga gabay sa kapaligiran natin. Pwedeng sa gubat, bundok, burol kakahuyan, ilang na
lugar, haunted haus, sementeryo, simbahan, hospital, sa puno, likod bahay o maging sa langit at
impyerno.

Marami bang klase at iba't-ibang uri ang mga gabay?

Opo, marami klase at iba't-ibang uri po sila tulad ng mga engkanto, lamang lupa, duwende, kapre,
tikbalang, mga espiritu, diwata, demonyo, anghel, arkhangeles st higit sa lahat ang

Ama natin sa langit na palaging nakagabay sa atin. May iba naman na sinasabi gabay nila mga santo
tulad ng mahal na birhen, sto.nino, san rafael at marami pang iba.

Pero alam nyo ba na ang Diyos ay binigyan niya tayo ng gabay ang bawa't isa na panghabangbuhay
at ito ay ang ating mga guardian angel.

Bago pa nilalang ang mga tao ay narito na sila. Kaya ng likhain ang tao palaging na silang
nakasubaybay sa atin maging ang mga anghel sa langit ay bumaba para makipag ibigan sa mga tao
kaya nga nagkaroon ng lahing nephilis o mga taong higante tulad ni Goliath.

Paano ko ba malalaman kung may gabay ako?


Sanggol palang tayo ay may mga anghel na tayong gabay naalala ko tuloy sinabi ng nanay ko ng
mahulog ako sa bintana namin kasi bulok na ang kahoy mga 2 o 3 taon lang yata ako nun umakyat
daw ako sa bintana namin kasama ang unan para matulog at mga ilang minuto bumigay ito at
nahulog ako mula second floor mga 20 talampakan ata ang taas nagmamadali silang bumaba tapos
nang datnan ako sa baba ay nakayakap pa rin ako sa unan at natutulog. Sabi sa hospital wala
namang masamang nangyari sa akin walang bali sa katawan. Iniligtas yata ako ng guardian angel ko.

Tanging mga bukas lamang ang ikatlong mata o third eye ang nakakakita kung may gabay ka o wala
at iyung iba nararamdaman nila ito dahil palagi silang inililigtas sa panganib at kapahamakan.

Paano ko po malalaman kung mabuti o masama ang gabay ko?

Alam mo naman sa sarili mo kung mabuti o masama ang ginagawa mo kapag masama ginagawa o eh
di masama gabay mo kapag mabuti ginagawa mo eh di mabuti ang gabay mo!.

May mga gabay na sulsol sa ating mga tao. Alam nyo kung bakit?

Kasi naghahanap sila ng mga kadamay! Halimbawa ang gabay mo ay espiritu ng nagpakamatay o
demonyo at alam nyo ba na naatract sila sa mga taong malulungkot depress. Isa ang mga ito na
nagsusulsol na magpakamatay ung tao sa madaling salita mga demonyo o masamang espiritu. Kaya
ingat kayo sa mga gabay nyo.

May mga Gabay na tumutulong sa tao sa iba't-ibang pamamaraan sa abot ng kanilang makakaya.
Tulad ng pagbibigay babala, taguliwas, nagtuturo ng halamang pangagamot, nagtuturo sa mga
nawawala, tagabantay, nagagamot, tagapangalaga at higit sa lahat body guard natin.

Mga mga Gabay naman na umaalipin sa tao pero may mga tao na kayang alipinin ang mga gabay at
ito ung mga taong may kaalaman sa karunungang lihim kung saan ginagamit nila ito bilang
pamarusa, pangsangkalan, pangwasak at kung anu-ano pa.

May mga gabay naman namamana natin sa ating mga magulang at patuloy tayong ginagabayan.

Alam nyo ba na tayo rin ang pumili ng ating mga magiging gabay.

Kung mabuti ang puso mo ay mabuti rin ang magiging gabay mo pero kapag masama ang puso mo
masama rin ang magiging gabay mo.
May mga manggamot, mambabarang at mangkukulam na kayang tumawag ng maraming mga gabay
upang matulungan sila magkaroon ng mas malakas na kapangyarihan at para magamit nila sa
kanilang mga layunin.

Lagi po tayong magdasal sa Ama para lumayo ang mga masasamang espiritu sa atin at para maging
mabuti ang mga gabay natin.

Ang Panginoon na makapangyarihan sa lahat ay laging nakagabay sa atin sa lahat ng oras hinihintay
lang niya tayo tumawag sa kanya upang pagpalain tayo at para patawarin sa mga masama nating
gawi at ang mga anghel na siyang tunay na gabay natin ay naghihintay lang na maging mabuti tayo
para bantayan at gabayan tayo!.

Ikaw sino ang "Gabay mo?".

Pls. share and join ikatlong mata page and group and thank you ver much!

God is good all the time! Pls. Pray for the world! Thank you!

You might also like