You are on page 1of 1

"Kulam"

Saan nga nagsimula ang kulam, pamarusa at tinatawag ding sumpa?

Kung Bibliya ang pagbabasehan natin may nasusulat sa bibliya na ganito sa lumang tipan sa panahon
ni Moises na:

Exodus 22:18

“Patayin ninyo ang mga mangkukulam.

1 Samuel 28

"At pinalayas ni Saul sa lupain, yaong mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at ang mga
manghuhula."

Ezekiel 13:19-20

19: At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada, at dahil sa
mga putol ng tinapay, upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay, at upang
iligtas na buhay ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa pamamagitan ng inyong
pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan.

20: Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako laban sa inyong mga unan, na inyong
ipinanghahanap ng mga kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay; at
aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap
upang paliparin.

Mga Taga Roma 12:17-19

"Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat,
“Akin ang paghihiganti."

Ibig sabihin sa panahon pa lang nila moises ay may mga mangkukulam na at mga manghuhula.

You might also like