You are on page 1of 2

"Modernong Aswang"

Sa Pagbabago ng panahon ang lahat ay nagbabago dahil kapag hindi ka nagbago mapag iiwan ka.

Marami nagbabago sa mundo sa larangan ng Fashion, Agham, Teknolohiya, Medisina at marami


pang iba. Kung ang mga insekto, bubuyog, paniki maging ang mga virus ay nag eevolve ang aswang
din kaya?

Huwag po nating kalimutan na ang mga aswang ay tao rin na nagiiba nga lamang ng anyo sa gabi
upang mambiktima ng mga hayop at tao.

Ang Tipikal na mga Aswang sa probinsya Matanda, Hukluban, Mukhang taong grasa, mabaho di
naliligo, dugyot, malansa ang amoy, pinababayaan ang sarili, nakatira sa ilang, gubat, kakahuyan, ilag
sa tao, nakakatakot na nilalang, maitim at marami pang iba.

Ang tipikal na mga aswang na hanggang ngayon ay mayroon pa rin ang umaakyat sa bubong at
gumagala sa ilang para makapambiktima.

Pero alam nyo ba sa makabagong panahon ngayon naging moderno na rin ang mga aswang kung
saan

ay di na nasisilaw sa araw, nagagawa na ring magsimba, makisalamuha sa iba, naliligo,


nagpapabango at sumasabay sa makabagong panahon.

namamalengke sila, bumibili ng karne mga atay, dugo laman loob, nagagawa nilang mamasyal sa
mall, sa siyudad, sa bayan at kung saan saan.

Ang ilan sa kanila ay mayayaman, maimpluwensya at nasa alta de siudad.

Alam nyo ba ang iba ilan sa kanila ay ginagamit sa kasamaan tulad ng iilang mga rebelde, killer,
hitman o assasin ng maiimpluwensyang tao at mayayaman.

Paano ko nasabi yan? Sa palagay ninyo ba ang aswang pag nangyayanggaw may pinipili ba?

Kahit sino mayaman man o mahirap, professional o hindi pag nayanggaw ka sigurado aswang ka na.
Dito sa mundo kapag maimpluwensya, mayaman ka at maraming salapi kaya mong bilhin ang lahat
maging ang buhay ng tao at kaya mo rin manipulahin ang lahat ng bagay.

Sa pagkakawala ng mga ilang tao ilan na ba ang naitala? at ilan na ba ang nakitang buhay na hindi
nabibigyang pansin lalo na sa mga probinsya na sinasabing kagagawan ng mga rebelde ang
pagkawala ng mga ito o maging ng mga engkanto.

Sa makabagong sibilisasyon at panahon naging moderno na rin ba sila at nagsisimula ng


makisalamuha sa iilan na hindi nalalaman na sila pala ay mga aswang ang hindi natin alam baka
mahal natin sa buhay, kaibigan, kapitbahay o mga katabi natin na nasa paligid mo lang ay isa sa
sinasabing

"MODERNONG ASWANG"

You might also like