You are on page 1of 3

"Necrophilia /Necromancer"

(Bumubuhay ng mga Bangkay! o Amaranhig)

Medyo bago sa pandinig natin ito maliban na lang sa mga gamer ng diablo noong 90's dahil alam
nila kung ano ang necromancer.

Ang necromancer ito ay katawagan sa mga taong bumubuhay ng patay o bangkay at ang necrophilia
naman ito ang mga umaabuso sa mga bangkay lalo na kung maganda, dalaga pa ang bangkay at
mainit init pa.

Mayroon ganitong kaso sa ibang bansa kung saan nabuhay pa ang kanyang inabusong patay at kung
meron man sa atin ay iilan lang siguro at ung may tama siguro sa utak na dapat magpasuri sa psycho
therapist at sana naman ay wala.

Naalala ko tuloy ung palabas sa tv noon kung saan inamin ng isang lalaki ang ginagawa niyang pang
aabuso sa mga bangkay hahanapin ko at ipopost sa group medyo matagal na itong nangyari bata pa
ako noon.

Ang necromacy ay sinasabing nagsimula sa haiti south africa kung saan ang mga voodoo shaman ang
nagsasagawa ng mga ritual para buhayin ang mga bangkay at gawing alipin.

Kung hindi kayo naniniwala may ipinost ako documentary sa group about dito sa mga zombie o
amaranhig na binuhay ng mga necromancer sa haiti.

May isinasagawang ritual ng mga necromancer para mabuhay ang mga bangkay kung saan
nilalagyan nila ito.ng powder potion na ang sangkap ay dinurog na buto ng tao mga halamang gamot
na may mga sangkap ng droga at kung ano anu pa.

Pagkatapos ay ipapahid ito sa katawan ng bangkay para mabuhay at gawing alipin.

Alam nyo ba na hindi lang sa south africa ang may ganoong kaso ng necromancy kundi sa Pilipinas
din.

Kalat na sa iba't-ibang panig ng Pilipinas ang tungkol sa mga Amaranhig kung saan ang patay ay
muling nabubuhay para kumain ng mga tao at hayop.
Pero paano nga ba ito nabubuhay at sino ang nagbibigay buhay sa mga ito?.

Ang may kakayahan lang na bumuhay sa mga bangkay o patay ay ang mga necromancer.

Totoo ba ito?

Kung pagbabasihan natin ang bibliya noon ang Panginoon Jesus na siyang nagbigay buhay at lumikha
sa atin ay bumubuhay ng patay.

Kung nagbabasa kayo ng bibliya si lazaro ay ilang araw ng patay ay muling binuhay ng Panginoong
Jesus.

Para naman sa mga antingero at mangagamot ang medalyon at debosyon sa haring atardar ay may
kakayahang bunuhay ng patay.

Itama nyo po ako kung mali ako!

Pero alam nyo ba na may mga tao sa kaliwa na kayang bumuhay ng mga bangkay upang gawing
alipin kung saan gumagamit sila ng itim na mahika at ritual.

Ang mga ginagamit nila sa ritual ay ang itim na kandila na may halong dugo at dinurog na buto ng tao
o (tuway 2x) at orasyon.

Sa oras na masindihan ang itim na kandila at maamoy ito ng mga patay ay muling mabubuhay ang
mga ito dahil ang usok at apoy ng kandila na tumatawag ng itim na espiritu na siyang pumapasok sa
mga bangkay para muling mabuhay.

Iilan lamang ito sa gawa ng makakaliwa na nag aral pa sa ibang bansa para sa pag aaral ng
necromancy

May iilan naman dahil sa pagiging obsessed sa mga kababaihan at kanilang mga asawa kaya
naisasagawa ang necrophilia ng isang necromancer kung saan nais pa nilang makasama ang mga
mahal nila sa buhay ng matagal.
Sa ilang panig ng probinsya sa Pilipinas ay may usap usapan ukol sa pagbangon ng amaranhig hindi
kaya kagagawan ito ng mga:

"Necromancer".

Nasa saiyo na kung ito at totoo? o kathang isip lamang!

You might also like