Professional Documents
Culture Documents
Napakagaling at napaka talino talaga ng mga Filipino maging sa mabuting pamamaraan, diskarte o
maging sa kalokohan man o paggawa ng kasamaan.
Pero alam nyo ba na ang ilang bahagi ng kabisayaan at mindanao ang di nasakop ng mga kastila dahil
na rin sa pakikipag laban ng mga ninuno nating muslim tulad nila Lapu-lapu mga Raha at mga Datu.
May iba pa palang kadahilanan kung bakit takot ang mga kastila na sakupin ang ilang lugar sa visayas
at mindanao.
Ang Pambabarang ay nagpasalin salin mula pa sa ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyan.
Maraming lugar sa kabisayaan at mindanao kung saan bantog ang mga mambabarang.
Ang Mambabarang ay isa mataas na uri ng mangkukulam kung saan gumagamit at nag-uutos ng mga
insekto sa ilalim ng kanilang kapangyarihan, nagsasagawa rin sila ng ritual kung saan gumagamit sila
ng dugo ng hayop, sanga ng kahoy at puno, buhangin at bato pero ang pina eksperto nila ay ang pag
uutos sa mga imsekto at hayop tulad ng niknik, palaka, alakdan, alupihan, langaw, gagamba,
bangaw, kulisap, ipis at marami pang iba kung saan inilalagay nila ito malalaking garapon o bote.
Bukod sa may mga orasyon at mahika ang mga mambabarang ay may kakayahan na mautusan ang
mga insekto at hayop.
May kakayahan din sila tumawag at mang alipin ng mga espiritu, engkanto at demonyo kapalit ng
kanilang kaluluwa.
Ang mga mambabarang ay kayang kaya pumatay ng binarang niya ng ilang araw lamang depende sa
uri at lakas ng mga kapangyarihan nito.
Nababarang ang isang tao kung nakuhanan ito ng buhok, damit na hinubad o pinagpawisan, bakas
ng paa, litrato, bakas ng pinaghawakan at marami pang iba.
May mga binabarang na binabaon ang litrato, damit o buhok sa buhangin kung saan lagi ka
nangangati hanggang sa magsugat sugat ang katawan mo.
Sa kahoy na mag mimistulang kahoy ang katawan mo at pagbaon ng mga insekto at hayop sa
katawan kung saan lalaki ang tiyan magkakasugat sugat ang katawan at maglalabasan ang mga
hayop o insekto sa butas ng katawan.
May kakayahan ang mga mambabatang na magamit at mautusan ang mga insekto sa pamamagitan
ng itim na mahika o black magic. Kung saan lilipad ang mga ito ng daglian at matatanim na sa iyong
katawan.
Alam nyo ba na mas masahol pa ang barang kaysa sa kulam dahil pag kumalat at dumami o lumaki
ang mga insekto o hayop sa katawan ng binarang ay wala na itong lunas.
Balisa
Matamlay o Stress
Laging binabangongot
Di mapakali