You are on page 1of 5

"Kulam"

Saan nga nagsimula ang kulam, pamarusa at tinatawag ding sumpa?

Kung Bibliya ang pagbabasehan natin may nasusulat sa bibliya na ganito sa lumang tipan sa panahon
ni Moises na:

Exodus 22:18

“Patayin ninyo ang mga mangkukulam.

1 Samuel 28

"At pinalayas ni Saul sa lupain, yaong mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at ang mga
manghuhula."

Ezekiel 13:19-20

19: At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada, at dahil sa
mga putol ng tinapay, upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay, at upang
iligtas na buhay ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa pamamagitan ng inyong
pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan.

20: Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako laban sa inyong mga unan, na inyong
ipinanghahanap ng mga kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay; at
aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap
upang paliparin.

Mga Taga Roma 12:17-19

"Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat,
“Akin ang paghihiganti."

Ibig sabihin sa panahon pa lang nila moises ay may mga mangkukulam na at mga manghuhula.
Ang karaniwang nagsasagawa ng sumpa o kulam ay tinatawag na mangkukulam kung saan
gumagamit ang mga ito ng itim na mahika o black magic at nagsasagawa ng mga ritual kung saan
sumasangguni o tumatawag ang mga ito ng demonyo o masasamang espiritu.

Naisasagawa ng mangkukulam ang kulam kapag mayroon siyang personal na gamit ng kukulamni
tulad ng mga ss:

Damit

Litrato

Hibla ng buhok

Buong Pangalan

At Birthday

Paano naisasagawa ang kulam?

Sa pamamagitan ng ritual, manikang basahan, karayom, kandila at ang pagpa palipad hangin.

Naisasagawa ang kulam sa pamamagitan ng force chords connection by negative natural force mula
sa kinukulam papunta sa manika.

Sinisira nito ang positive force of energy ng katawan ng isang tao para magkaroon ng sakit na natural
sa katawan o ispiritual.

Ano ang mararamdaman ng isang taong kinukulam?

• Panginginig at Kilabot sa buong katawan.

• Lutang ang pag-iisip at biglang naging malilimutin, humihina ang memorya.

• Laging walang gana at ayaw magtrabaho.

• Laging may nakakaaway.

• Minamalas
• Nanaginip ka ng patay

• Hindi makahinga at binabangungot.

• Nananaginip na bumabagsak mula sa isang napakataas na pinanggalingan.

• Nakakakita ng maiitim na usok sa kapaligiran lalo na pag matutulog o pag kagising.

• Lumalaki ang iyong tiyan

• Paninikip at mabigat na pakiramdam lalo na sa may balikat at dibdib.

• Nasasaniban

• Palaging sumasakit ang ulo.

• Minsan ay nangingitim ang kulay ng iyung balat.

• May tumutusok sa iba't-ibang bahagi ng katawan.

• Kanser sa ibat –ibang parte ng katawan

• Pagkasira ng ng laman sa loob ng katawan

• Sobrang hindi maipaliwanag na panghihina.

• Inaatake na sa puso.

• Mga gamot na nirereseta ay hindi na gumagana at lalo pang nalala


• Nagtatangka ng magpakamatay o laging nag iisip ng kanyang ikakamamatay.

• Gasgas marka sa paligid ng hita o maselang bahagi ng katawan.

• Pangangati sa maseselang bahagi ng katawan.

• Paghinto ng buwanang menstruation, nagiging irregular ang menstruation minsan ay napakasakit


at minsan may napakaitim na dugong lumalabas.

• Hindi nabubuntis

• Hindi matagalan ang pagbubuntis na nagreresulta sa pagkamatay niya o ng sanggol.

• Nakakarinig ng mga bulong

• Karamdamang hindi nakikita ng mga doctor

• Di mapakali

• May sapi o sanib

• Magagalitin at mainitin lagi ang ulo

• Pangangati ng katawan animo'y may buhangin.

•Paglala ng karamdaman

• Lumalaki ang tiyan tuwing kabilugan ng buwan at marami pang iba

Paano magagamot ang kulam?


Tanging mga mangagamot lang at may alam sa lihim na karunungan ang makakagamot nito.

May mga iilan na hindi naniniwala sa kulam ang hindi tinatablan lalo na ang mga taong may matibay
na pananalig at pananampalataya sa Poong Maykapal.

Lagi po tayong manalangin at manampalataya sa ating Diyos.

Para hindi ka tablan ng "KULAM"

You might also like