You are on page 1of 17

Gabay sa Third Eye Meditation

Sa guide na ito:
• Ano ang 3rd Eye?
• Bakit Importante ang 3rd Eye?
• Masama ba ang 3rd Eye?
• Mayroon ba akong 3rd Eye?
• Paano ko malamang totoo ang makita ko?
• Ano ang 3rd Eye Meditation?
• Safe ba ang 3rd Eye Meditation?
• Ano ang gamit ng bukas na 3rd Eye?
• Ano ang benepisyo ng 3rd Eye Meditation?
• Paano gawin ang 3rd Eye Meditation?
• Paano ako magpalabas ng perlas ng kapangyarihan?
• Pwede ba gawin ng hindi sumabay sa 3rd eye meditation live o replay?
• Ano ang epekto ng 3rd Eye Meditation?
• Paano maghanda sa 3rd Eye Meditation?
• Ano ang dapat isipin sa 3rd Eye Meditation?
• Ano ang maaaring makita sa 3rd Eye Meditation?
• Gaano katagal bago gumaling ako sa 3rd eye meditation?
• Ano gagawin ko para mas gumaling sa 3rd eye?

Ano ang 3rd Eye?


Ang 3rd Eye ay ang tinatawag na ikatlong mata na bahagi ng ating katawan na
kung saan gumana ang ating spiritual na pananaw. Ito ang natural at binigay ng
Diyos na pamamaraan para makakita tayo sa spiritual na katotohanan.

Bakit Importante ang 3rd Eye?


Ang 3rd Eye ay napakaimportante dahil Ito ay ang koneksyon natin sa
katotohanang spiritual. Hindi tayo makakaalam sa spiritwal na realidad kung
wala tayong 3rd Eye. Mas importante na makaranas tayo ng direkta sa spiritual
na katotohanan kesa magbasa lang tayo sa mga libro.

Ang mga taong nagbabasa ng Bible at ibang spiritual na libro at hindi


nagmemeditate ay nagtingin lang sa karanasan ng iba pero wala silang sariling
karanasan. Kumbaga, parang nagbasa sila ng mga libro ng taong nagbabahagi

Page 1 of 17 ericroxas.com
ng karanasan nila sa paglasa ng cake pero hindi pa sila mismo nakalasa ng
cake.

Ang pagbukas ng sarili nating spiritual pananaw o 3rd eye ay ang paraan para
tayo mismo ang makalasa at makaranas ng direkta sa katotohanang spiritual.
Hindi na tayo aasa lang sa ano ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa karanasan
nila.

Masama ba ang 3rd Eye?


Hindi. Ang 3rd eye ay ang natural na binigay sa atin ng Panginoon bilang
pamamaraan para makakonekta tayo sa direktang spiritual na
katotohanan.

May mga nagsasabing ang 3rd eye ay galing sa demonyo, nagpapapasok tayo
ng masasamang spirito, si Satanas ang may pakana ng pagbukas ng 3rd eye
para masapian ang mga tao at kung anupamang kwento.

Hindi lang alam ng mga tao ang sinasabi nila. Maraming maling akala ang tao sa
3rd eye kasi hindi naman napag-usapan ng maayos ang paksang ito. Karamihan
naman sa mga relihiyon ay hindi nagturo ng malinaw tungkol sa ano ba ang
pamamaraan ng pagbukas ng spiritual na pananaw.

Kung tutuusin, ang lahat ng mga kinikilala na taong propeta ay nakaranas sa


kanilang nakakabighani at kababalaghang karanasan dahil nga ay bukas ang
kanilang mga 3rd eye. Mabuti nga ang mabuksan ang 3rd eye kasi direktang
makakaranas na ng spiritual na katotohanan ang tao at hindi na lang sila aasa sa
karanasan ng iba. Sila na mismo ang makakaranas sa katotohanan at hindi na
maloloko ng taong nagsasabing sila lang ang nakakaalam sa katotohanan.

Mayroon pa akong kakaibang tinuturo sa FREE 3rd Eye Meditation ko na


pamamaraan para siguraduhing totoo ang nakikita natin sa meditation.
Mababasa mo ito mamaya.

Mayroon ba Akong 3rd Eye?


Oo. Lahat ng tao ay may 3rd Eye. Hindi totoo ang sinasabi ng mga tao na wala
silang 3rd Eye. Ibig sabihin lang na hindi pa masyado bukas ang 3rd Eye nila o
kulang sila sa enerhiya kaya hindi nila matandaan ang mga karanasan nila
kaugnay sa 3rd eye. Kung wala talagang 3rd eye ang tao, magiging bobo sila
kasi ang memory natin ay nakaugnay sa 3rd eye. Tapos hindi lang 3rd eye ang

Page 2 of 17 ericroxas.com
pandama. Lahat ng pandamang materyal natin ay may kaugnay na pandamang
spiritual. Ibig sabihin nito ay makaranas tayo ng mga spiritual na bagay na
lampas sa ordinaryong materyal na karanasan.

Paano ko malaman kung bukas na 3rd eye ko?


May iba ibang sign na makikita natin sa buhay natin na prowebang bukas ang
3rd eye natin:

• Natatandaan natin ang mga panaginip


• Mayroon tayong mga lucid dream o sobrang linaw na panaginip
• Makakita tayo sa 3rd eye meditation
• Makakita tayo ng mga pangitain
• Makasalita tayo ng mga wikang hindi natin maunawaan
• Malaman natin ang inisip ng tao tungkol sa atin
• Malaman ang hinaharap bago mangyari
• Makakita tayo sa mga kaluluwa, engkanto at iba pang di nakikita sa ordinaryo
• Makakita tayo ng mga aura ng tao
• Maramdaman natin ang maramdaman ng iba
• Makarinig tayo ng mga boses na wala namang tao
• Makaamoy tayo sa mga di materyal na amoy
• Makalasa tayo sa bagay na wala naman talaga sa doon

Ano ang 3rd Eye Meditation?


Ang third eye meditation ay ang proseso para bumukas at gumana ang
spiritual na pananaw natin.

May mga tao na nag-iisip na ang 3rd eye ay dali-daling pwedeng buksan na
parang switch sa ilaw o takip na kailangan lang tanggalin. Hindi ito totoo. Kung
biglaan ang pagbukas ng 3rd eye, maaari itong makadulot ng sakit na malubha,
pagkasira ng ulo o kamatayan.

Gamit ang 3rd Eye Meditation na turo ko, dahan-dahang nabubuksan ang
kakayahan ng taong nagmemeditate para makakita na siya ng malinaw sa 3rd
eye niya. Sa totoo lang, ang tinuturo ko ay hindi lang para sa 3rd eye na
meditation kundi para na rin mabuksan ang iba ibang pandamang spiritual ng
magmeditate.

Tinawag ko lang na 3rd eye ang meditation na turo ko kasi yan ang
madalas alam ng mga tao tungkol sa spiritual.

Page 3 of 17 ericroxas.com
Pero kasama na rin dito ang paghasa sa lahat ng mga pandamang spiritual:
• pandinig
• pandama
• pang-amoy
• panglasa
• paningin
• kutob

Sa 3rd eye meditation na turo ko, kaya mong matuklasan ang lahat ng spiritual
na katotohanan ng direkta. Ito ay lalo na kung magsikap ka pa sa Misyon na
tinuturo ko sa mga tao: www.ericroxas.com/misyon

Safe ba ang 3rd Eye Meditation?


Oo, basta marunong ang taong naggabay.

Ang mga tao na hindi naman marunong talaga magbukas ng 3rd eye at
nagsubok lang basta-basta ay maaaring madisgrasya at makadisgrasya. Hindi
ibig sabihin na kung nakakuha ng orasyon para sa 3rd eye tapos magsubok sa
meditation ay ok na. Ang ilang tao na nagmamadali magbukas ng kanilang mga
3rd eye ay maaaring magkasakit, masiraan ng ulo o mamatay.

Sa totoo lang, marami akong panganib na nadaanan sa pagbukas ng 3rd eye ko


ng kusa noong bata pa ako na walang naggabay sa akin. 16 years akong
naghanap sa katotohanan para lang magabayan ng sakto sa ano talaga ang
maayos na pamamaraan sa paggamit ng 3rd eye. Halos nabaliw na ako sa
paghanap ko. Sa awa ng Diyos, nahanap ko ang pamamaraan - ito ang
binabahagi ko sa mga tao ngayon sa FREE 3rd Eye Meditation.

Kaya nga po ako narito para maggabay - para safety ang tao.

Dahan-dahan nating gagawin ang pagbukas sa 3rd Eye sa ligtas na proseso na


binigay ng Panginoon sa akin para ibahagi sa lahat ng tao.

Para makaabot ako sa ganitong klaseng estado, dumaan ako sa maraming


pagsubok. Nagsikap ako at nagtagumpay sa pagmisyon papunta sa Panginoon
at naabot ko ang kapangyarihang magbukas ng mga 3rd Eye sa ligtas na paraan
gamit ang meditation na tinuturo ko ngayon at paano magpalabas ng perlas ng
kapangyarihan mula sa kabilang mundo.

Page 4 of 17 ericroxas.com
Paano ko malamang totoo ang makita ko?
May iba’t ibang mga guro sa spiritual na nagtuturo din ng pagbukas ng 3rd eye.

Ang tanong ay:

Paano natin malalaman na hindi lang kathang-isip o imagination natin ang


mga nakikita sa isipan natin?

Magandang tanong.

Kung magsaliksik ka ng mabuti sa iba’t ibang spiritual na karanasan ng mga tao,


pwede kang maguluhan kasi iba iba ang mga sinasabi ng bawat isa na
pwedeng taliwas at magsalungat sa sinasabi ng iba.

Kung meditation lang talaga basehan natin, wala tayong proweba na totoo
talaga ang mga makita natin o hindi.

Ang ibig ko sabihin sa totoo ay may basehan sa realidad na common sa ating


lahat. Kung imahinasyon ang nasa isipan natin, walang basehan sa realidad na
common sa ating lahat. Kunsagayon, ano nga ba ang proweba na matatanggap
bilang patunay sa katotohanan ng mga nakikita natin sa meditation?

Baka gusto nating sabihin na may mga kapangyarihan tayo manggamot ng tao
bilang albularyo. Pero hindi pa rin yun proweba na totoo ang mga nakikita natin
sa 3rd eye meditation kasi may mga manggagamot na bulag at may mga
manggagamot na iba iba ang sinasabi nilang nakikita nila kesa sa ibang
manggagamot.

Mapupunta na lang tayo sa paniniwala kunsagayon. Parang mamimili na lang


tayo sa kung sino ang paniniwalaan natin. Pero wala tayong basehan na
mapanghahawakan kung ganoon.

So ano na ang gagawin natin? Wala ba talaga tayong mapanghahawakan na


solid na katotohanan?

Dito na papasok ang kaibahan ng meditation ko.

Ang kakaiba sa 3rd Eye Meditation na tinuturo ko ay maaari kang


magpalabas ng Perlas ng Kapangyarihan mula sa kabilang mundo kung
sinsero ka sa pagsikap mo sa meditation.

Page 5 of 17 ericroxas.com
Sa madaling salita, ang mga makita mo sa 3rd Eye Meditation mo ay maaaring
ipalabas mo sa totoong buhay dito sa pisikal na mundo.

Ang Perlas ng Kapangyarihan ang patunay natin na galing nga talaga tayo
sa kabilang mundo at nakabalik dito dahil mayroon tayong gamit na mula
doon sa kabilang mundo.

Katulad ng kung pumunta tayo sa isang lugar dito sa mundo ay maaari tayong
kumuha ng bato o souvenir mula sa lugar na yun para maging proweba na
galing talaga tayo doon sa lugar na yun. Pero ang kakaiba sa Perlas ng
Kapangyarihan ay lalabas ang perlas na parang magic dahil sa FREE 3rd eye
meditation na turo ko.

Oo, parang magic kasi pwedeng lilitaw na lang basta sa paligid mo na mula sa
liwanag na nabuo sa hangin.

Ito ang mayroon ako sa 3rd Eye Meditation na turo ko na wala ang ibang
mga guro.

Ito ang binigay sa akin ng Panginoon na kakaibang kapangyarihan para


patunayan na totoo ang mga makikita sa tinuturo kong FREE 3rd Eye
Meditation.

Naituturo ko ang pagpalabas ng perlas ng kapangyarihan sa mga taong


nagtiwala at nagsunod sa akin para ito ang maging patunay na totoo ang
nakikita nila sa meditation.

Patunay ito para sa sarili nila una sa lahat at sa mga tao sa paligid nila - na
hindi sila nasa ilusyon o pantasya kundi totoo talaga ang nararanasan nila
sa FREE 3rd Eye Meditation na turo ko.

Marami na sa mga sakop ko ang nakapagpalabas ng Perlas ng Kapangyarihan:

Page 6 of 17 ericroxas.com
Para saan ang Perlas ng Kapangyarihan?
Bukod pa sa patunay na totoo ang mga nakikita mo sa FREE 3rd Eye
Meditation, maraming gamit ang perlas ng kapangyarihan depende sa makuha
mo:

Panggamot
Pampaswerte
Pagmamahal
Pampagwapo
Pampaganda
Blessing
Pangdepensa sa spiritual at pisikal
Pampatalino
Pampaamo
Pampabuntis
At iba pa

Ang Perlas ng Kapangyarihan ay isang klase ng mahiwagang gamit. Pwede niyo


basahin ang Gabay sa Mahiwagang Gamit.

www.ericroxas.com/gabaygamit

Ano ang Gamit ng Bukas na 3rd Eye?

Kung makaabot ka na sa malakas na pag-activate sa 3rd Eye mo, maraming


benepisyo itong mahahatid sa buhay mo:

• Pwede ka makalakbay kahit saang mundo


• Makakita sa kaharian na pinanggalingan mo
• Malaman ang kinabukasan mo at ng ibang tao
• Matuklasan mo saan ka pupunta pagkatapos mamatay
• Makipag-usap ng direkta sa mga engkanto, anghel, Diyos at iba pa
• Matingnan ng direkta ang mga spiritual na katotohanan
• Makagawa ng remote viewing o pagtingin sa malayong lugar
• Magdiskubre sa sari-saring klaseng nilalang
• Maayos ang mga problemang dulot ng di pagkakaintindihan sa mga hindi
makita
• Malaman ang spiritual na ugat ng mga sakit
• Malaman ang mga sakit ng tao sa pagtingin pa lang sa kanila
• Makausap ang mga namatay niyong minamahal sa buhay

Page 7 of 17 ericroxas.com
• Malaman ang katotohanan sa spiritual
• Maintindihan niyo ang mga kababalaghan sa buhay niyo
• Mawala na ang takot sa mga di niyo alam

Ano ang benepisyo ng 3rd Eye Meditation?


Marami nang tao na nakasubok sa 3rd Eye Meditation ko na nagbabalita ng mga
mabubuting epekto sa kanilang buhay dahil sa patuloy nilang paggawa ng 3rd
Eye Meditation at ang iba ko pang payo para sa banal na buhay:

• Bumabata at gumaganda ang hitsura


• Gumagaling ang mga sakit sa katawan
• Gumiginhawa ang tulog
• Mas nagiging mabuting tao
• Lumalakas ang kalooban
• Nawawala ang stress
• Nagiging mas kalmado sa buhay
• Gumaganda ang pakiramdam
• Lumilinaw isipan
• Nakakaisip ng mas mabuti
• Nagagabayan sa buhay
• Nakakagawa ng mas mabuting desisyon

Paano Gawin ang 3rd Eye Meditation?


Ang mismong 3rd Eye Meditation ay simple lang. Nakaupo ka lang at nakapikit
ng 15 minutes para tumingin sa mga makita mo sa kabilang mundo. Mag-follow
ka sa public Facebook page ko para doon makita ang LIVE kada Sabado ng 10
am, Philippine Time (GMT+8). Kung hindi mo maabutan ang LIVE, sabayan mo
lang ang replay sa sarili mong oras.

www.facebook.com/eroxyyy

Pwede ka rin sumabay sa replay na nasa Youtube ko:

www.youtube.com/c/EricRoxas

Paano ako magpalabas ng perlas ng kapangyarihan?


Gaya ng sabi ko sa inyo, pwedeng magpalabas ng perlas ng kapangyarihan sa
FREE 3rd eye meditation ko. Ganito yan.

Page 8 of 17 ericroxas.com
• Pagkatapos ng mismong meditation, sabihin ko na hanapin mo ang perlas ng
kapangyarihan sa loob ng 30 minutes kasi matutunaw yan.

• Posible ding lumabas ang perlas ng kapangyarihan sa paligid kahit na lampas


na sa 30 minutes sa sunod na 3 araw pagkatapos ng meditation.
Magsubaybay ka lang sa paligid mo palagi at magpatuloy sa pagmemeditate.

• Maaaring lumabas ito sa loob ng bahay o sa labas ng bahay.

• Kutuban mo kung nasaan lumabas.

• Pwede ring nakita mo sa meditation ang lugar saan lalabas ang mga perlas ng
kapangyarihan. Puntahan niyo ang lugar na yun at tingnan.

• Kadalasan, may lumalabas na mga perlas sa malalaking puno na malapit sa


inyo - lalo na ang mga balete tree - kasi mga lagusan ang mga yan. Halukayin
niyo ang mga dahon o lupa.

• Minsan nasa ugat din ng mga halaman sa paligid o loob ng bahay.

• Minsan lumalabas ito sa aquarium.

• Minsan ay pwedeng lumabas lang sa harap mo o di kaya sa bulsa mo.

• May mga sign din katulad ng paghuni ng ibon, pagtunog ng trumpeta o


pagbagsak ng bomba kung saan banda nabuo ang perlas.

• Pwede ring dumapo ang mga alibangbang sa kung saan nabuo ang perlas.

• Sa una, pwedeng matamaan lang ng liwanag ang ordinaryong gamit sa paligid


mo. Mukhang bato lang sila pero magkakaroon ng liwanag dahil sa meditation.

• Sa katagalan, pwedeng makabuo ka na talaga ng mahiwagang perlas na wala


naman talaga doon bago ka nagmeditate. Biglang lilitaw yan dahil nabuo ang
liwanag mula sa ibang mundo sa pamamagitan ng meditation.

• Sa unang beses na makapagpalabas ka ng perlas, maaaring hindi pa ito


kamukha sa makita mong perlas sa meditation.

• Sa katagalan, magiging kamukha na ng mga makita mo sa meditation kung


malakas ka na. Paganda na ng paganda ang mga makuha mong perlas.

Page 9 of 17 ericroxas.com
Ito na ang perlas ng kapangyarihan na magiging patunay sa yo na totoo talaga
ang mga makita mo sa meditation dahil may proweba kang maipapakita sa
mundong ito.

Para siguraduhing may halaga ang makuha mo, pwede mo ito ipa-aura sa akin
sa FREE Basic Aura sa Gamit. Dito mo malalaman kung may halaga ang perlas
at kung anong halaga ito pwede ibenta.

www.ericroxas.com/basicgamit

Tapos kung gusto mo ng detalyadong pagbabasa sa gamit mo para malaman


ano ang perlas, saan ito galing, ang mga kapangyarihan nito, paano ito alagaan
(at may libreng orasyon para palakasin ang kapangyarihan nito), pwede ka
magbayad para mag-avail sa Premium Aura sa Gamit.

www.ericroxas.com/premiumgamit

Pwede ba gawin ng hindi sumabay sa 3rd eye


meditation na live o replay?
Wag ka muna magmeditate na hindi sumasabay sa LIVE or REPLAY ko kung
wala ka pang Perlas ng Kapangyarihan kasi delikado kung subukan mo pasukin
ang matataas na lagusang binubuksan ko sa 3rd Eye Meditation. Pwede ka
magkasakit, masiraan ng ulo o mamatay. Sana sundin niyo ang gabay ko.

Paano Maghanda sa 3rd Eye Meditation?


Droga / Alak:

• Iwasan ang lahat ng alkohol at drogang makapag-iba ng kalagayan ng isipan


(psychedelics lalo na) 3 araw o mahigit bago ang araw ng meditation. Kung
Linggo ang meditation, wag ka maggamit simula sa Huwebes.

Yosi:

• Kung nagsisigarilyo ka, maghilamos at magsipilyo bago ang meditation.

Pagkain:

Page 10 of 17 ericroxas.com
• Siguraduhin niyong kumain nang mabuti bago magmeditate. Kailangan ng
pagkain sa tiyan kasi gagamitin yan bilang enerhiya sa paglakbay ng spirito.
Hindi ito katulad ng ibang meditation na kailangan magfasting.

Gamit:

• Tanggalin ang lahat ng alahas, pera, metal, cristal, sumpa at anting-anting


mula sa katawan - pwera na lang kung mayroon ka nang Perlas ng
Kapangyarihan o mga gamit na mula sa amin na makakatulong katulad ng 3rd
Eye Bracelet, Dreamcatcher Portal o Magic Meditation Mat.

• Tanggalin ang mga belt na may bakal.

• Mas maganda sana na walang nakabaon na mga gamit o bato sa balat.


Makakabigat ito sa inyo na maaaring makadulot ng kahirapan sa pagpasok sa
meditation.

Kasuotan:

• Magsuot ng puting t-shirt at komportableng kasuotan para hindi kayo


madistract sa meditation.

• Mas maganda makasuot ka ng sutana kung mayroon ka - lalo na ang mula sa


amin na may blessing.

Ilaw:

• Nasa yo kung gusto mong nakabukas o nakapatay ang ilaw.

• Kung gusto mo madilim, pwede ka sa lugar na madilim.

• Wag ka magpiring / blindfold kasi mawawala spirito mo.

Tunog:

• Mas maganda ay katahimikan para makarinig ka sa mga tunog sa ibang


mundo.

• Kung maingay sa lugar mo, pwede ka pa rin makameditate kung magpokus ka


pero mas maganda ay tahimik.

Hangin:

Page 11 of 17 ericroxas.com
• Mas maganda ay nasa lugar ka na may hangin. Mas maganda ay may bukas
na bintana kung nasa loob ka ng kwarto o bahay.

Pwesto:

• Upo ka sa solid na upuan sa komportableng paraan.

• Pwedeng may sandalan ang upuan.

• Pwede mo ilatag ang meditation mat na manipis para upuan (lalo na ang
magic meditation mat na benta namin na may power)

• Pwede rin magduyan kung gusto mo.

• Huwag sa malambot na cuchon kasi makakalimutan mo ang lakbay.

• Huwag humiga kapag magmeditate kasi pwede ka rin bangungutin.

Dasal:

• Magdasal ka sa Diyos na gabayan ka sa tamang daan at matandaan at


maintindihan mo ang mga karanasan mo.

• Mas maganda ay nagdarasal ka na araw-gabi sa tinuro kong Gabay sa


Pagdasal. www.ericroxas.com/gabaydasal

Computer o Cellphone:

• Patayin mo ang computer screen o itago ang screen ng cellphone pero


lakasan mo ang sound para marinig mo ako na ginigising ka.

• Ang meditation ay tumatagal ng 15 minuto. Maghanda ka ng timer ng 15


minuto sakali mawala internet.

• Siguraduhin na i-silent ang ibang noti cations at tawag para hindi ka


maistorbo sa pagmeditate.

Paraan:

• Pumikit ka kapag sinabi ko na at pasukin ang kahit anong color ng lagusan,


huwag lang ang itim.

Page 12 of 17 ericroxas.com
fi
• Ang itim na lagusan ay ok naman pasukin pero medyo nakakatakot ang mga
makita doon. Safety pa rin pero baka matakot ka at di ka na umulit.

• Unahin mo ang mas magandang lugar sa ibang kulay - wag lang itim.

Pagkatapos ng meditation:

Magbahagi tayo sa mga karanasan natin sa isa't isa sa pagkwentuhan sa


comments ng REPLAY na nasa Facebook or Youtube. Pwede rin sa group chat.

Ano ang dapat isipin sa 3rd Eye Meditation?


Pwede mong isipin ang intensyon na gusto mong makita. Sa pagdasal ko bago
magsimula ang 3rd eye meditation, nag-anyaya ako sa inyo na magdasal ng
kung anong gusto niyong intensyon para sa meditation. Pwedeng yun ang
pagpokusan mo.

Halimbawa, pinagdasal mo na gusto mong makausap ang namatay mong


minamahal sa buhay. Pokus ka sa pag-iisip na gusto mong makausap ang
namatay mong minamahal sa buhay. Kung ano ang intensyon mo na nais
magawa sa 3rd eye meditation, pag-isipan mo lang yun.

Isa pang pwede mong gawin ay ang pag-isip sa binigay kong mga impormasyon
sa Aura para sa Kabilang Mundo. Kung nakapagpa-aura ka na sa Aura para sa
Kabilang Mundo, alam mo na ang iyong:

• Pangalan
• Kaharian
• Grupo ng Hari o Reyna
• Ranggo sa Grupo
• Kulay bilang Engkanto

Pwede mong pag-isipan ang mga detalyeng ito para mapalalim mo ang
kaalaman mo sa mga binigay kong detalyeng ito. Pwedeng gawin mong susi
ang mga detalyeng ito para makapasok ka sa kabilang mundo at matuklasan
ang katotohanan sa sino ka.

Kung hindi ka pa nakapagpabasa ng FREE Aura para sa Kabilang Mundo, click


ka rito para sa detalye:

www.ericroxas.com/aurakabila

Page 13 of 17 ericroxas.com
Ano ang maaaring makita sa 3rd Eye Meditation?
Kalimitan, ang unang makikita ng tao sa pagsubok sa FREE 3rd Eye Meditation
na turo ko ay ang maraming iba’t ibang kulay. Ang iba’t ibang kulay na ito ay
mga lagusan. Ang lagusan ay mga pinto, portal o gateway para makapasok ang
taong nagmeditate sa ibang mundo.

Lahat ng kulay ng lagusan ay mayroon. Ang babala ko lang sa mga tao lalo na
sa unang pagpasok nila sa 3rd eye meditation na turo ko ay wag muna pumasok
sa itim na lagusan. Ang itim na lagusan ay papunta sa mga nakakatakot na lugar
katulad ng impyerno o di kaya lugar ng mga itim na engkanto. Kahit makapasok
ka man dito, hindi ka naman masasaktan kasi safety ka basta sumabay ka sa
LIVE o replay ko - o di kaya may Perlas ng Kapangyarihan na mula sa amin.

Kapag patuloy kang magsikap, makakapasok ka na sa mga lagusang ito. Para


makapasok, focus ka lang sa mga lagusan at isipin mong pumapasok ka sa mga
lagusang ito. Pagkatapos na makapasok ka sa mga lagusang ito, makakakita ka
na ng ibang mundo. Sa una, maaaring malabo pa ang pananaw mo. Baka anino
o mga hulagway pa lang ng mga kaharian at tao ang makita mo. Sa katagalan
ay magiging mas malinaw ang mga makikita mo.

Pwede ka ng maglakbay sa iba ibang mundo at makipag-usap sa iba’t ibang


klase ng buhay. Kung sinsero ang pagsikap mo, pwede ka makapagpalabas ng
perlas ng kapangyarihan sa paligid mo. Sa pagpapatuloy mo, pwede mo na
matuklasan ang lahat ng spiritual na katotohanan - lalo na kung magmisyon ka.

Gaano katagal bago gumaling ako sa 3rd eye


meditation?
Nakadepende ito sa maraming factor:

• Lakas ng spirito mo
• Kalinisan ng buhay
• Pagsisikap mo sa meditation
• Paggawa ng iba ko pang mabuting payo
• Mga sumpa sa yo sa nakaraan
• Ranggo mo sa kabilang mundo
• Kalusugan ng katawan
• Saktong pagtulog at exercise
• Misyon sa buhay

Page 14 of 17 ericroxas.com
Ilang tao ay unang beses pa lang nila magmeditate ay makakita na sila sa
kabilang mundo. Mas swerte pa ang ilan kasi makapagpalabas na agad din sila
ng perlas ng kapangyarihan sa una nilang pagsubok.

Ang ilang tao ay inaabot ng ilang araw. Ilan ay buwan-buwan. Ilan naman ay
taun-taon.

Kailangan lang talaga ay patuloy tayo sa ating pagsisikap para lumakas ang ating
mga spiritual na kakayahan.

Palaging FREE ang 3rd Eye Meditation na turo ko para sa lahat ng mga tao na
gustong malaman ang katotohanan sa spiritual na realidad kaya kahit sino ay
makakaranas sa spiritual basta masipag at sinsero hanggang magtagumpay.

Ano pa magagawa ko para gumaling sa 3rd eye?


Magpatuloy sa lahat ng kabanalang gawi na tinuturo ko.
Gawin ang tama. Iwasan ang mali.
Maging mabuti, mabait at matatag.
Tanggalin ang lahat ng bisyo.
Magdasal kada gabi.

Ang kalakasan ng ating spirito ay nakasalalay sa ating kabanalan.

Lahat ng kasalanan ay nagbabawas sa lakas ng ating mga spirito. Parang mga


butas yan sa ating spirito at tatagas diyan ang ating lakas. Kung kaya’t
kailangan nating umiwas sa paggawa ng kasalanan.

Pinakaimportante ay umiwas sa mortal na kasalanan.


• Pagpatay
• Paglandi
• Pagnakaw

Hindi natin maiiwasan na makakagawa tayo ng mga immortal na kasalanan o


ang mga magagaan na kasalanan bilang tao - lalo na ang mga hindi sinasadya.
Pero sa katagalan ng panahon ng pagsisikap, halos wala na ang magagawa
nating immortal na kasalanan at maliit na lang na klase ng kasalanan.

Kung talagang seryoso ka na sa pagiging banal na tao, pwede kang magmisyon.

Page 15 of 17 ericroxas.com
Ang misyon ay ang pagsikap para mag-ipon ng puntos sa kabilang mundo para
maging maganda ang kinabukasan pagkatapos ng kamatayan. Basahin mo ang
kumpletong gabay dito:

www.ericroxas.com/misyon

Ang pag-misyon ay ang pinakamahalagang magagawa ng tao para lumakas ang


kanyang spiritual na kakayahan bukod sa paghahanda ng magandang
kinabukasan niya sa pagpanaw niya mula sa mundo ng tao.

Kung interesado kayo, pwede rin kayong bumili ng 3rd Eye Bracelet. Ang 3rd
Eye Bracelet ay personal na gamit na makatulong sa pagbukas ng third eye,
pagbukas ng lagusan, pagprotekta sa usog na evil eye at pag-iwas sa mga
masasamang spiritwal na karanasan sa panaginip, pangitain o meditation.
Magiging mas malinaw ang mga karanasan sa panaginip, panigtain at
meditation.

Pwede rin kayo bumili ng Dreamcatcher Portal. Ito ay may parehong


kapangyarihan sa 3rd Eye Bracelet pero pwedeng isabit sa bahay para apektado
ang lahat ng tao sa bahay.

Isa pang pwedeng bilhin ay ang Magic Meditation Mat namin na pwedeng
upuan sa pagmeditate para maging matatag at komportable ang pagmeditate,
mas malinaw ang ala-ala sa meditation at makabigay ng enerhiya sa
nagmeditate para maging malakas ang paglakbay - dahil isa itong magic carpet.

Isa pang pwede niyo gawin ay magpalagay ng kapangyarihan sa gamit niyo.


May serbisyo po akong para diyan. Ang presyo ay nakadepende sa kung gaano
karaming power ang gusto niyong ilagay sa gamit. Isang kapangyarihang
pwedeng ilagay ay ang pagpapalakas sa spiritual na pananaw ng 3rd eye.

www.ericroxas.com/powergamit

Huling salita sa meditation


Ang FREE 3rd Eye Meditation na turo ko ay ang pangunahing pamamaraan na
direkta tayong makakaranas sa spiritual na katotohanan. Ang pagsikap sa
meditation ay magdudulot ng pag-ipon ng enerhiya para umangat ang lahat ng
klase ng spiritual na kamulatan kung isama na rin sa lahat ng payong
kabanalang binabahagi ko.

Page 16 of 17 ericroxas.com
Dasal ko ay seryosohin niyo ang pagmeditate para masimot niyo ang lahat ng
benepisyo nito. Habang narito tayo sa mundo ng tao, wag nating sayangin ang
ating panahon. Magsikap tayo ng husto para matutunan natin ang katotohanang
spiritual.

Mahirap nang magsisi sa huling banda ng ating buhay na wala na tayong


panahong magsikap para sa spiritual na kaliwanagan.
Pinakaimportanteng malaman sa pamamagitan ng FREE 3rd eye
meditation na turo ko ay sino tayo, saan tayo galing at paano tayo
makakauwi sa pinanggalingan.

Ang masasabi ko ay simple at maikli:

Tayo ay mga Hari at Reyna na binagsak dito sa mundo ng tao para magsisi
at magbayad sa ating mga kasalanan para makauwi tayo sa
pinanggalingang kaharian.

Pwede kayo magpa-aura din sa akin para malaman ang detalye sa pagkahari
niyo sa kabilang mundo:

www.ericroxas.com/aurakabila

Ang turo kong meditation ay paraan para mapatunayan niyo ito sa sarili niyo at
malaman niyo ang buong katotohanan tungkol sa sarili niyo.

Kung seryoso na kayo at handa na i-alay ang buong buhay sa kabanalan para
matuklasan ang katotohanan at makauwi sa pinanggalingang kaharian at
pagkatapos nito, sa huling hantungan sa Langit - magmisyon kayo sa turo ko.

www.ericroxas.com/misyon

Page 17 of 17 ericroxas.com

You might also like