You are on page 1of 2

BAYANI SA PANAHON NG PANDEMYA

Bayani ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang ito Ang alam ng

karamihan ang kabilang lamang dito ay ang bayani na kagaya nila dr. Jose Rizal,

Andres Bonifacio, heneral Luna at iba paang tao na natatalakay sa paaralan. Sa

kabilang banda, ano naman ang pandemya? Ito naman ang kaganapan na

nagpadapa sa kalagayan ng halos lahat ng bansa. Ang mgaterminong ito ay aking

mas lalong palalawigin.

pandemya, nagsimula ito sa bansang wuhan china kung saan ang tawag sa

nakakahawang sakit na ito ay “COVID-19”. Halos lahat ng bansa ay nakaranas nito

at lahat din ay hindi nakapag handa sa kumakalat na sakit. Dahil dito nauso ang

“lockdown”at“quarantine” dahil sa mabilis na pagdami ng kaso nito na umabot na

din sa milyon, maraming nawalan ng hanapbuhay nawalan ng mahal sa buhay,

pinadapa ang ekonomiya ng ng bansa katulad na lamang ng Pilipinas at marami

lang pinsala ang naidulot nito Sa kabilang dako, ang Bayani naman ay hindi lang

natututukoy sa mga taong natatalakay sa paaralan. Kahit sino ay maaaring ituring

na bayani at kabilang na dito ang mga nagsilbing bayani sa panahon ng

pandemya. frontliners, ang mga “frontliners” ay ating bayani sa kasagsagan ng

pandemya kabilang dito ang mga doctor, nars, guwardya, nagtatrabaho sa grocery

at iba pang Trabahador na kailangan sa panahon ng pandemya.Sila ay maituturing


na mga bayani sapagkat sila ang nagbibibigay ng serbisyong kinakailangan ng mga

tao Sila ay sumasabak sa isang labanan ng walang armas at hindi nakikita ang

kalaban, ginagawa din nila ito hindi lang para sa ibang tao kundi para din may

pangtaguyod sila sa kanilangpamilya sa araw-araw. Babayani din kung maituturing

ang mga taong handang magbigay ng tulong o kahit anong maliit bagay na

maaring maibahagi para sakanilang kapwa. Nang umusbong ang pandemyang ito

marami ang nagtulong-tulong upang magbigay ng ppe, mask, relief goods, at

madami pang iba. Nauso din ang “community pantry” kung saan lahat ng taong

nagbahagi ng kanilang tulong ay makukuha ng libre ng mga taong

nangangailangan Lahat tayo ay maituturing na bayani kahit sa maliit na bagay ng

pagtulong

sa aking tinalakay masasabi ko na ang simpleng kusang loob na pagbibigay

ng tulong maliit man o malaki, obligasyon mo man o hindi kapag pinagsama-sama

ay may mmagandang kabutihang magagawa. Hindi mo kailangang Isakripisyo ang

iyong buhay para lang maging bayani ang mahalaga dito ay ang makatulong o

makagawa ng mabuti para sa kapawa ng walang hinihintay at hinihinging kapalit.

lahat tayo ay bayani ngayong pandemya

You might also like