You are on page 1of 1

FRONTLINER

Sa krisis na ating kinakaharap ngayon, lagi nang sa tuwi-tuwinang nababanggit


at napag-uusapan sa telebisyon, sa radyo, lalong-lalo na sa social media, ang salitang
“frontliner.” Ang mga frontliner ang itinuturing ng nakararami sa atin na bayani sa gitna
ng pandemya, ngunit sa kabila nito, sa araw-araw na pagbanggit sa salitang ito, tila
hindi pa rin nabibigyang-halaga ang mga tao sa likod nito na itinuturing na frontliner.
Kaya’t nararapat lamang na ang salitang ito ay mangibabaw sa taong ito. Ang taong
ito, na puno ng pagsubok, sa kabila ng walang katiyakan, ay marapat lamang ialay sa
kanila, sila na salamin ng katapangan at pagmamahal sa kapwa. Bago iyon, mabuting
mas kilalanin at palawigin ang kaalaman sa salitang ito na lumilikha ng ingay sa bawat
araw at naging kadikit na ng krisis na ating pinagdadaanan.

Ang salitang frontliner ay hango sa salitang front line na unang binigyang-


katuturan sa usaping militar. Ito ay tumutukoy sa isang tao o grupo ng indibidwal na
nangunguna o inilalagay sa unahan sa pakikidigma sa giyera, tulad ng mga sundalo. Sa
Ingles o Filipino ay kapwa ginagamit ang salitang frontliner sa pagbanggit nito. Sa
kabilang banda, nagkaroon ng iba pang depinisyon ang salitang ito at hindi maikakaila
na sa taong ito naging mas matunog ito, at naging bahagi na isa pang-araw-araw na
buhay ng mga Pilipino dahil sa mga balita tungkol dito. Ang frontliner, sa panahon ng
pandemya, ay tumutukoy sa mga doktor, nars at mga kawani na nagtatrabaho sa mga
hospital, na pawang nangunguna sa pagharap sa pandemya sa pamamagitan ng
pagsalba sa buhay ng mga nagkaroon ng COVID-19. Bukod sa mga doktor at nars,
kasama rin dito ang lahat ng mga taong patuloy na nagtatrabaho at nagbibigay-serbisyo
sa tao sa kabila ng kinakaharap na pandemya. Kabilang dito ang mga empleyado na
naghahatid ng pagkain at mga pangunahing pangangailangan sa mga tao, mga pulis,
sundalo na nagbabantay sa checkpoint, mga basurero, mga guro, mga iba pang
empleyado sa bangko, sa mga mall at iba’t ibang establisimento na patuloy na
nagbibigay ng serbisyo sa iba’t ibang paraan sa kabila ng buwis-buhay na kanilang
ginagawa. Maituturing na delikado ang kanilang patuloy na pagseserbisyo dahil sila ay
maaaring mahawa ng sakit na ito, kung kaya naman sila ay itinuturing na bayani ng
nakararaming Pilipino. Ganoon pa man, puno ng hinaing ang ating mga frontliner
sapagkat hindi natutugunan nang maayos ang kanilang mga pangangailangan at
suhestiyon. Dagdag nito, minamaliit pa ito ng mga taong nanunungkulan sa ating bansa
na dapat sana ay tagapangunang nagbibigay ng suporta at pagpapahalaga sa kanila.
Sa panahong walang kasiguraduhan, higit na ating bigyang-halaga ang ating mga
frontliner kaysa kung sinong politikong hindi alam ang plano o mga hakbang sa
pagharap sa pandemya.

Nararapat lamang na ang salitang frontliner ay hiranging salita ng taon sa


edisyong pandemya sapagkat sila ang nagsisilbing liwanag sa gitna ng pagsubok na ito
dahil sa sakripisyong ginagawa nila. Tunay ngang matatawag silang bayani sa
pandemyang ito, na hindi nangangailangan ng kapa o matatamis na bansag, sa halip,
ang kailangan nila ay pagpapahalaga sa lahat ng kanilang ginagawa para sa bayan.

You might also like