You are on page 1of 4

MGA SALITANG “TABOO” NA NAKIKITA SA PUNONG BALITA NG

PAHAYAGANG BANDERA: PAGYUPEMISMONG PANGNILALAMAN

Isang Konseptong Papel na Isinumite kay

DR. JULIE ANN A. OROBIA


Departamento ng Edukasyong Pangwika
Kolehiyo ng Edukasyon
Central Mindanao University
Lungsod ng Maramag

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa


Asignaturang Filipino 57
(Introduksyon sa Pananaliksik)

ni

CLADELLE T. IRAN

Nobyembre 2019
Rasyunal

Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, naghahanap tayo ng napapanahong balita at


pangyayari sa ating kapaligiran. Bilang isang mamamayang Pilipino ng ating bansa ay
karapatan nating alamin ang kalagayan ng ating mundo. Sa panahon ngayon mahalagang
malaman at mabasa natin mula sa isang balitang tabloid upang mas lubos nating matuklasan
ang pagbabagong nangyayari sa paligid natin sa pamamagitan ng pagiging mapanuri sa
kalagayan ng ating bansa o panahon para maging alerto tayo at maiwasan ang sakunang
maaaring mangyayari.

Kabilang sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino ang pagbabasa ng


dyayro. Isa na itong ritwal tuwing umaga kasama ng paghigop ng mainit na kape na samahan
pa ng monay o kaya’y mainit na pandesal. Nagamit na din itong paraan ng pagpapahayag ng
damdamin noon panahon ng kastila at naging tulay sa pagpapahayag ng saloobin ng mga
bayaning naging dahilan upang lumaya sa mga mananakop na dayuhan. Ito rin ay
pangunahing pinagkukunan ng impormasyon ng ating mamamayan. Kaalintabay ng pakikinig
sa radio, o di kaya ay panunuod ng telebisyon. Ang tabloid ay isang uri ng pahayagan. Ang
karaniwang binibigyang pansin ng mga artikulo nito ay ulat tungkol sa krimen, hula, zodiac
signs, at balita tungkol sa mga artista na karaniwan ay tsismis lamang. Ang pahayagan ay isa
sa ating pinagkukunan ng impormasyon at balita sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Masasabing kadikit na nga daw ito ng ating buhay. Kabilang ito sa tradisyong Pilipino na
sinasabuhay simula pa ng dumating ang mga mananakop na Espanyol.

Karaniwang nakalap ng tao ang mga balita sa pahayagan, radio at telebisyo na


karaniwang ginagamit sa pagbabahagi ng mahahalagang detalye kaya nagkaroon ang
mananaliksik ng interes upang bigyan ng yupemismong salita ang mga taboo na salitang
kadalasang ginagamit sa headlines ng mga balita sa pahayagan (Bandera) sapagkat hindi lahat
ng tao ay naiintindhan ang mga bulgar na salita lalong-lao na iyong mga salitang hindi
pamilyar sa kanila.
Layunin ng Pag-aaral

Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay suriin ang isang uri na peryodiko
“Tabloid” upang malaman ang mga bulgar na salitang ginamit sa punong balita at bigyang
pamalit-tawag patungo sa yupemitiskong pahayag. Nilalayon ng pag-aaral na ito ang mga
sumusunod:

1.1.1 Makalikom ng mga salitang taboo sa punong balita ng pahayagang bandera.

1.1.2 Makategorya ang mga nalikom na mga salitang taboo sa a.) pagmumura
b.) seks/kalaswaan c.) pisikal

1.1.3. Matukoy kung may katumbas na yupemismo ang mga salitang taboo sa punong
balita ng pahayang Bandera.

Suliranin ng Pag-aaral

Sa pagsasakatuparan ng mga layunin, pagsusumikapang hanapan ng kasagutan ang


mga sumusunod na katanungan.

1.1.4 Ano-ano ang salitang mga “taboo” ginamit sa punong balita ng pahayagang
bandera?

1.1.5 Ano-ano ang mga salitang “Taboo” na napabibilang sa mga kategoryang:

a. Pagmumura b. Seks/Kalaswaan c. pisikal?

1.1.6 Ano-ano ang dapat nan a katumbas ng mga salitang “Taboo” upang maging yupemismo
ito na kailangang gamitin sa punong balita ng pahayagang Bandera?

Metodolohiya

Isang kwalitatib na desinyo ang gagamitin sap ag-aaral. Descriptive linguistic ang
pangunahing pamamaraang gagamitin sa pagsusuri ng mga salita upang maipakita ang
kahulugang dala ng mga salitang taboo sa hedlines ng pahayagang bandera at matukoy ang
mga kaumbas na yupemismo nito. gagamit din ang mananaliksik ang purposive sampling
method sa paglikom ng arawang tabloid bilang pagpili ng mga datos na kinakailangan.

Inaasahang Resulta
Lumabas sa pag-aaal na nakalikom ang mananaliksik ng mga salitang taboo at
kinategorya ito sa tatlo: pagmumura, seks, at pisikal at napatunayan na may katumbas na
yupemismo bilang pamalit o panghalili sa mga salitang malalaswa o hindi kaaya-ayang
basahin.

You might also like