You are on page 1of 5

COLEGIO DE STA.

TERESADE AVILA
Zabarte Subdivision, Novaliches, Lungsod ng Quezon

I. Pamagat

EDITORYAL - Dikit-dikit ang mga tao sa palengke

Ang pamagat ng editoryal ay nagpapakahulugan ng isang magulo, at hindi organisadong


panuntunan sa gitna ng pandemya sa mga pamilihan.

II. May Akda


Ang Editoryal na Dikit-dikit sa pamilihan ay nalathala sa online news portal ng Pilipino
star ngayon. Ang may akda ay hindi pinangalanan.

III. Mga tauhan

DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire

IV. Mga tagpuan

Pook
a. Balintawak
b. Munoz
c. Novalichez market

Panahon

April 14, 2020 - 12:00am ( Kasagsagan ng pagtaas ng kaso ng pandemya)

V. Buod

FORECAST ng Department of Health (DOH) kahapon, maaari raw abutin pa ng hanggang Enero
2021 ang problema sa COVID-19 kung hindi pa makakadiskubre ng bakuna laban dito. Ayon
kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang nagsagawa ng estimations ay ang mga
scientist at mathematicians. Paliwanag ni Vergeire, ito ay estima lamang at maaaring mangyari
ito kung hindi magsasagawa ng interventions sa pagkalat ng virus. Kahapon, nasa 4,468 na ang
tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
Posibleng mangyari ang sinabi ng Health official lalo pa’t nakikita na marami pa ring mga
pasaway na nagsisiksikan at halos dikit-dikit na sa mga palengke, talipapa at kahit sa mga
nakapila sa groceries. Hindi na naipatutupad ang tamang distansiya at tila balewala na rin ang
kautusang manatili sa bahay para mapigilan ang paglaganap ng virus. Marami rin ang halos
magkahalikan na habang nagkukuwentuhan sa pila.

Maraming palengke sa Quezon City ang dinagsa ng mga tao noong Linggo at wala nang
nagpapatupad ng social distancing. Sa palengke ng Balintawak, tila hindi na kinatakutan ang
virus sapagkat siksikan ang mga tao. Ang iba pa ay walang facemask. Harap-harapan kung
makipagtawaran sa binibiling isda at gulay.

Ganito rin ang senaryo sa Muñoz at Novaliches Market na sobrang dami ng namimili noong
Linggo. Para bang walang pandemic crisis at walang enhanced community quarantine. Para bang
ang mga tao sa palengke ay hindi tatablan ng COVID-19 sa kanilang mga ikinikilos.

Halos mag-iisang buwan na ang pinatutupad ng ECQ at huwag sanang sayangin ang nasimulan.
Wala pa sa peak ang pagkalat ng virus kaya hindi dapat magkumpiyansa o magtapang-tapangan
ang nakararami na hindi sila kakapitan nito. Walang mahirap at mayaman sa sakit na ito na
marami nang pininsala sa mundo.

Sundin ang utos na huwag lumabas ng bahay. Huwag magdikit-dikit lalo sa matataong lugar na
gaya ng palengke. Nararapat nang maghigpit upang huwag dumagsa sa palengke ang mga tao.
Kontrolin ang pagpasok para maiwasan ang paghahawahan.

VI. Teoryang Pampanitikan


Feminismo
- Si Maria Rosario Vergeire ay isang under secretary ng kagaawaran pangpakalusugan.
Hindi naging hadlang ang kanyang kasariaan bilanng isa sa mga tagapamuno ng isang
mahalagang kagawaran sa gitna ng pandemya.

Eksistenyalismo
- Hindi alintana ng mga tao ang pandemya kabila na paglaki ng bilang o kaso nito ay
handa pa rin silang harapin ang buhay.

Realisismo
- Ang kawalan ng organisadong sisitema sa pagpapatupad ng mga alintuntunin sa
pamimili ay sumasalamin sa pamumuno at nasasakupan nito. Ito’y tunay na reyalidad
kahit walang pandemya.

Pormalistiko
- Nais ng manunulat na ihatid ang mga kaganapan sa pamilihan sa gitna pademya.
Diretso nyang isinawalat na walang pasikot-sikot na salita ang kanyang nararasanasan
o nakikita sa kanyang kapaligiran. Nais din ipaabot ng may akda na kailangan ay
maging reponsable tayong mamimili, upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa bansa.
VII. Mga Pansin at Puna

Tauhan

Maria Rosario Vergeire


Walang kapunapuna sa nabanggit na panagan sa editoryal. Siya ay naghatid laman ng
ulat sa mga mamayaman tungko sa maaring paglaki at pagtagal ng pandemya sabansa a.

Istilo ng awtor

Ang may akda ay gumamit ng ang teoryang pormalistiko. Dahil sa mga puna at
paghahatid ng tuwirang opinyon na nais nyang mabasa ng kanyang mambabsa.

Galaw ng pangyayari

Ang mga kaganapan ay ulat laman sa bansa. Ito’y nabago pa dahil na rin sa mga tulad
ng mga ganitong puna gamit ang editoryal.

VIII. Bisang Pampanitikan

Bisa sa isip

Ang editoryal na ito ay tumatak sa aking isip a hindi talaga pantay pantay ang tao. Kahit
may kinakaharap ng pandemya ay mas pipinii pa rin ng iba na mamili dahil hindi lahat may
kakayahang mag-impok ng pagkain sa tahanan. Hindi rin natin masisisi ang mga kinauukulan da
pagpuna at pagsaway dahil para rin ito sa ating kaligtasan.

Bisa sa damdamin

Nagg-iba ang aking pananaw sa mga sinsabing sumusuway at hindi takot na mahawaan
ng sakit. Dahil nga hindi lahat ay may kakayahan kaya naman ganoon na lamang ang kanilang
pagsasawalang bahala sa kanilang kaligtasan.

Bisa sa kaasalan

Ang natutuhan ko sa editoryal at sa buong pangyayari ng pandemyang ito ay maging


repsponsable at maging mapagbigay sa mga nangangailangan.

IX. Aral na nakapaloob

Ang aral na nakapaloob sa editoryal naito ay maging makatao sa mga ganitong


pangyayari dahil hindi lahat ay nakakayanan ang ganitong pagsubok.

X. Mga Mungkahi

Sa lipunan

Dapat ang lalhat ay maging reponsable sa pagsunod sa mga panuntunan ng


pamahalaan. At maging makatao sa mga nakakasalamuha natin. Maging sa pamahalaan ay dapat
maging maunawaain sa dinaranas ng bansa.

Sa ekonomiya

Dahil halos pinatay ng pademya ang eknomiya ng banssa at maraming nawalang


ng hanap buhay ay dapat lamang na suportahan nating ang bawat isa.

Sa sarili

ako’s dapat maging mas maunawain sa mga bagay na nangyayari sa aking paligid.
COLEGIO DE STA. TERESADE AVILA
Zabarte Subdivision, Novaliches, Lungsod ng Quezon

I.Pamagat

Anekdota: Anekdota sa buhay ni Manuel L. Quezon

Ang anekdota na ito na may pamagat na Anekdota sa buhay ni dating pangulong Manuel L.
Qeuzon ay isang nakakatuwa at nakakahiyang tagpo sa buhay ng dating pangulo.

II. May Akda

Ang may akda ng maikling anektoda na ito ay hindi na matukoy dahil narin sa mahabang pasalin
salin ng mga manunult ay nakalimutan ng ilagay ang o banggitin ang tunay na may akda.

III. Mga Tauhan

Pangulong Manuel L. Quezon

Padre Serapio

Nurse

IV. Mga Tagpuan

Pagamutan

V. Buod

Anekdota sa buhay ni Manuel L. Quezon

Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan sapagka't may-sakit, ay dinalaw
siya ni Padre Serapio Tamayo, O.P., isang matalik na kaibigan ng Pangulo noon ay Rektor ng
Pamantasan ng Santo Tomas. Bago pa lamang pumapasok ang pari sa silid ng Pangulo ay
hinadlangan na siya ng nars. Nang magpilit ang pari ay sinabi ng nars na maghintay nang ilang
saglit pagka't ipagbibigay-alam muna niya sa maysakit ang kanyang pagdating.

Wikang ingles ang ginamit ng nars sa pagpapabatid sa Pangulo na may panauhin. Ganito ang
sinabi, "Mr. President, the prest is here.

Dahil sa maling pagbigkas ng nars sa salitang "priest", inakala ng Pangulo na ang kanyang
panauhin ay isang mamamahayag. Ang pasigaw n autos ng Pangulo ay, "Sabihin mo sa 'press' na
pumunta sa impyerno."

Subali't bago niya natapos ang pangungusap na ito ay nakapasok na ang pari sa silid ng Pangulo
at narinig ang pahayag na yaon.

VI. Teoryang Pampanitikan

Eksistenyalismo

Si pangulong Quezon ay isang taong malayang nakakakpagdesisyon sa buhay nya at alam


alam nya ang kahihinatnan ng kanyang pag-uugali.

Femisnno
bilang isang babaeng nurs nng pangulo ay hindi nagpatinang sa kanyang obligasyon at
mariin ipinaalam sa pangulo ang bisitang dumating hindi nya ito hinayaang makapasok kahit pa
sinabing kaibigan nya ng pangulo.

VII. Mga Pansinat Puna

Manuel L. Quezon

Bilang isang pangulo ay hindi magandang asal ang pagtaas ng boses sa mga taong
nagsisilbi sa kanya

Padre Serapio

Bilang isang pari ay hindi dpat nagiging mapilit lalo' t na sa pampublikong lugar.

VIII. Bisang Pampanitikan

Sa Isip

Ang anekdota na ito ay tatak sa iyong isip dahil ito ay isang nakakahiyang tagpo
sa isang pangulo.

Sa damdamin

Nagdudulot ng tuwa sa mambabasa ang anekdota na ito dahil bihira laman sa


isang pangulo ang mga ganitong tagpo. Bilang isang mambabasa kahit ito ay maikli ay
kapupulutan ng aral.

Sa kaasalan

Hindi dapat maging asal ng isang tao na nasa mataas na pwesto ang mabilis na
pagtataas ng boses. At dapat maging malinaw rin tayo sa ating pagkakabigkas sa ating mga
sinsabi upang hindi maging kalituhan sa mga nakikinig nito.

IX. Aral na Nakapaluob

Ang aral na nakapaluob dito ay hindi dapat magtaas ng boses basta basta dahil
maging mali lang ang ating pagkakadinig. At gumamit na lamang ng salitang tama o madaling
bigkasin, maging malinas sa pagkakabigkas upang hindi magkaroon nang kalituhan sa nakikinig.

X. Mga Mungkahi

Ekonomiya

Bilang isang taong namumuno sa bansa at hawak ang pananagutan sa


ekonomomiya, dapat lamang na maging isang ehemplo ang pangulo.

Lipunan

Ang pagiging mataas ang boses sa tuwing nakakarinig ng hindi gusto ay normal
lang sa pagiging tao, Kaya naman ang ganitong kaugalian ay dapat iwasan dahil hindi ito
magandang kaugalian, kahit hindi pangulo o isang simpleng tak ka man ay hindi dapag ito
tinagtaglay dahil nagdudulot lang ito nang kahihiyang bandang huli.

Sa Sarili

Sa aking sarili ay dapat hindi ko tinataglay ang ganyang kaugalian. Bilang isang
guro sa hinaharap dapag akong maging maging mahinahon dahil maganda sa isang maggugo ang
nagtataas ng boses dahil lamang sa ikaw ay nainis. Itoy magdudulot lamang ng kapahamak
saakin sa hinahaharap

You might also like