You are on page 1of 3

#ImpormAksyon

ni Edimar Joshua R. Friala

(ShortWrite-up)

Ang impormasyon ay tumutukoy sa mahahalagang kahulugan o konsepto tungkol sa isang

ganap na tao, bagay, lugar o pangyayari. Ito rin ay mahahalagang detalye at kaalaman na may

basehan, batayan at konteksto. Mula noong sinaunang panahon, hanggang sa kasalukuyan,

malaki ang naging impluwensiya ng pagkalap, paglimbag, at pagbahagi ng impormasyon sa

pamumuhay at sikolohiya ng mga tao. Mas lumalaki ang papel na ginagampanan ng

impormasyong nakakalap o naibabahagi kung ito ay may direktang epekto sa interes,

oryentasyon, damdamin, pag-iisip, at pangkat na kinabibilangan ng isang tao. Isa sa mga

naging susi ng pag-unlad ng sangkatauhan ang maayos na pundasyon ng impormasyon.

Dahil sa patuloy na pag-angat ng estado ng teknolohiya, mas mabilis nang naihahatid ang

impormasyon. Puwede itong dumaloy sa radyo, telebisyon, kompyuter, internet, gadgets, social

media, at sari-saring modernong pamamaraan ng pagpapamahagi ng detalye. Ngunit kasabay

nito ang mas mabilis ding pagkalat ng fake news, misleading information, at disinformation. Mga

klase ng impormasyon na nagdudulot ng kalituhan, panic, at negatibong reaksyon mula sa mga

tao. Maaari itong makasama sa pamumuhay at sikolohiya ng bawat Pilipino. Ating

pakatatandaan na makapangyarihan ang impormasyon. Maaari nitong maapektuhan ang ating

magiging reaksyon at aksyon sa isang sitwasyon. Puwedeng guluhin ng peke o maling

impormasyon ang pag-iisip, emosyon, at kalooban ng isang tao, na maaaring makasira sa

kanyang trabaho at paghahanap-buhay. Sa kanyang pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa

ibang tao. Sa kung paano niya tignan ang mga konsepto at bagay-bagay sa ating mundo. Sa
kung paano siya mag-isip, makiramdam, at kumilos.

Maihahalintulad ang fake news sa isang salitang kinagisnan na nating mga Pilipino, ang

salitang "tsismis". Ang "tsismis" ay nanggaling sa salitang kastila na "chismes", na direktang

salin ng salitang Ingles na "gossip", na nangangahulugang kaswal na usapan tungkop sa tao,

lugar, hayop, o pangyayari ngunit hindi kumpirmadong makatotohanan ang mga detalyeng

nakapaloob dito. Masasabing bahagi na ng kultura at sikolohiya ng mga Pilipino ang

pakikipagtsismisa , ang kinagisnang bersyon ng fake news mula pa noong unang panahon.

Sa kasalukuyan, halos lahat na ng mga Pilipino ay konektado na't tumatangtakilik na sa social

media. Kaya naman, bukod sa mabilis na pagkalat ng fake news, mabilis din ang nagiging

epekto nito sa mga tao. Nakapaloob na sa ating sikolohiya ang pagkakaroon ng kaugnayan sa

teknolohiya. Maaaring ito ay biyaya, ngunit puwede ding tayo ang maging kawawa kung

hahayaan nating mawalan ng laya ang ating isip at damdamin. Huwag tayong magpaalipin sa

peke at hindi makatotohanang impormasyon. Huwag tayong magsilbi bilang intsrumento, upang

maipalaganap at maipahayag ang mga ganitong klase ng impormasyon na makakasira sa ating

bayan at sa ating mga kababayan. Huwag tayong matakot na tumingin at mabuhay sa

katotohanan. Huwag nating hayaang kontrolin tayo ng teknolohiya, pera, at iba pang materyal

na bagay. Ating gamitin ang mga positibong kaalaman at karanasan na ating nakalap sa mga

kinagisnan nating sikolohiya, maging sa mga moderno at makabagong interpretasyon nito.

Ating pansinin ang bukod-tanging pagpapahalaga na ibinigay ni Dr. Aldaba-Lim sa mga

suliranin ng lipunan. Hindi lamang mga sikolohista, kundi lahat tayo ay kailangang bumaba sa

mga sarili nating bersyon ng toreng garing at makinig sa mga hinaing ng ating bayan. Ating

pagyamanin ang Sikolohiyang Filipino. Ang ating pagkakaintindi sa ating tunay na

pagkakakilanlan ang isa sa mga sandata natin upang masugpo ang peke at hindi
makatotohanang impormasyon.

Mga importanteng punto ng Video:

- Malaki ang nagiging epekto ng impormasyon sa sikolohiya ng Pilipino, kaya ang paraan ng

pagpaparating at pamamahagi nito ay maimpluwensiya din.

- Kailangang bigyan ng atensyon ng mga Pilipino ang suliranin sa Fake news dahil nakasasama

ito sa ating sikolohiya at sa ating pamumuhay. Maaari itong Misinformation (mga peke o hindi

makatotohanang detalye) o Disinformation (mga fabricated na detalye at ang pagmamanipula

ng impormasyon para sa pansariling motibo).

- Ang kinagisnang kultura ng pakikipagtsismisam at ang modernong interpretasyon nito, na fake

news, ay parehong may negatibong naidudulot. Kaya dapat tayong maging mapanuri sa mga

impormasyong ating nakakalap at ating ibinabahagi.

- Tayong lahat ay may kanya kanyang bersyon ng toreng garing o ivory tower. May mga hangad

tayo at mga pangarap na kadalasan nagdadala sa atin sa alapaap ng ating imahinasyon,

papalayo sa realidad. Ating isaalang-alang ang punto ni Dr. Aldaba-Lim, kailangan nating

bumaba sa mga toreng ito, kailangan nating tignan ang mga suliranin ng realidad, kung saan,

nabibilang ang problema ng Fake News. Magtulong-tulong tayo upang masugpo ito. Huwag

nating sayangin ang sakripisyo ng bawat isa...

You might also like