You are on page 1of 2

PAGBASA AT PAGSUSURI SLHT WEEK 6

BANTILES, SAMANTHA NICA


HUMSS 11-1

GAWAIN 1
1. Mahalaga ang tekstong argumentatibo sa buhay ng tao dahil nagagamit ito sa
pagpapaliwanag at paglalahad ng iyong bersyon o panig ng kwento. Kapag halimbawa ikaw
ay nadiin sa kasalanang hindi mo naman nagawa, magagamit ang tekstong argumentatibo
upang madepensahan mo ang iyong sarili at maipaliwanag ang iyong side ng kwento.
2. Ang tekstong nanghihikayat ay may pangunahing layunin na hikayatin ang mga
mambabasa sa pumanig at sumang-ayon sa pananaw ng may-akda. Sa kabilang banda,
layunin ng isang may-akda sa tekstong argumentatibo ay ipagtanggol ang kaniyang panig at
pananaw.
3. Ang tekstong argumentatibo ay ipinagtatangol ang saloobin at pananaw ng awtor, kahit
na maaring kumontra ang mga mambabasa rito. Maari din itong maging palitan ng dalawang
magkasalungat na panig na may veripikadong impormasyon bilang ebidensya.
4. Ang pangangalap ng ebidensya ay malaking tulong upang mapatibay ang iyong
argumento. Kapag sapat at paktwal ang iyong mga ebidensyang inilahad sa iyong tekstong
argumentatibo, mas magiging kapani-paniwala ito at tatas ang tsansang panigan ka ng tao.
5. Magagamit ang katangian ng tekstong argumentatibo kapag may nais kang ipahayag na
saloobin na layong magbukas sa isipan ng mga mambabasa.

GAWAIN 2
 Tesis
Mabilis ang mga Ruso sa paggawa ng bakuna laban sa COVID-19 at hindi nila ito
ipagkakait sa mga bansa kapag naaprubahan. Isa ang Pilipinas sa mga bansa na unang
makikinabang sa bakuna kapag pinayagan na.
 Unang Argumento
At hindi lamang ito, ayon kay Russian Ambassador Igor Khovaev, ang Pilipinas ay
magiging Southeast Asian hub para sa produksiyon ng kanilang bakuna.
Mga suportang detalye o karagdagang impormasyon
Sinabi ni Khovaev na ang ang Russia pa lamang ang tanging bansa sa buong mundo na
nag-offer na dito sa Pilipinas magpo-produce ng bakuna na tatawaging SPUTNIK V.
 Ikalawang Argumento
Magandang balita nga kung dito ipo-produce ang SPUTNIK V.
Mga suportang detalye o karagdagang impormasyon
Ibig sabihin malaki ang pagnanais ng Russia na maipamahagi ang kanilang teknolohiya.
Hindi raw sila basta pupunta sa Pilipinas para ibenta ang kanilang bakuna at pagkatapos ay
aalis na. Hindi raw ganito ang kanilang panuntunan kaya nilikha ang SPUTNIK. Sabi pa ng
ambassador, sa kasalukuyan, 40 bansa na ang nakiki-cooperate sa Russia para labanan ang
COVID-19.
 Konklusyon
Tanging ang bakuna lamang magpapabalik sa normal na buhay ng mga tao sa buong
mundo. Kung walang bakuna, hindi gagalaw ang ekonomiya, patay ang negosyo sapagkat
maraming natatakot at nangangamba.

III. PAGTATAYA/TAYAHIN
1. /
2. /
3. /
4. /
5. /
6. /
7. /
8. /
9. /
10. /
11. /
12. /
13. X
14. /
15. /

IV. KARAGDAGANG BABASAHIN/KASUNDUAN/TAKDANG ARALIN

Mga Makabagong Iha at Maria Clara

Sa nakikita natin sa panahon ngayon, makikita nating maingay ang bangayan sa usaping
pananamit ng mga kababaihan. Lalong-lalo na sa mundo ng sosyal media kung saan ang
lahat ng netizens ay tahasang nagbibigay ng opinyon. Ano nga ba ang kaugnayan ng
pananamit ng tao at sa kung paano siya tatratuhin ng mga tao?
Kung matatandaan niyo sa kasaysayan, ang mga babaeng miyembro ng mga sinaunang
tribo ay hindi nagsusuot ng damit pangitaas. Ngunit kailanma’y hindi sila pinagisipan ng
masama. Hindi sila pinagmalisyahan. Dahil tinitingnan nila ang dibdib ng babae bilang
instrumento sa pagaalaga ng bata at wala ng iba. Nang dumating ang mga mananakop sa
Pilipinas, doon na nagsimula ang objektipikasyon sa katawan ng babae.
Nakakalungkot mang isipin, ang objektipikasyong ito ay nananatili pa rin sa panahon
ngayon. Magsuot lang ng damit na nagpapakita ng kunting balat ay samu’t-saring
harassment na ang kinakaharap ng babae. Mula sa cat-calling hanggang sa panghihipo. At sa
kaganapang magsumbong ang babae ay parang kasalanan pa nito. Ang paninisi sa biktima sa
kaniyang sinapit ay kasing-sama lang din ng pangha-harass.
Ang pagpapakita o hindi ng balat ay hindi at hindi kailanman magiging batayan kung
pumapayag ba ang tao sa atensyon at gawaing sekswal. Hindi imbitasyon at pagsang-ayon
ang damit. At mas lalong hindi kasalanan ng biktima ang nangyari sa kaniya. Sisihin ang may
sala at bigyang hustisya ang biktima.
Panatilihin natin ang pagiging edukado natin. Matutong rumespeto at gumalang. Huwag
maging parte ng problema, maging parte ng solusyon at pag-usbong.

You might also like