You are on page 1of 2

St.

Theresa’s School of Novaliches


7 Kingfisher Street, Zabarte Subdivision
Novaliches, Quezon City

Asignatura: Filipino
Unang Markahan, S.Y. 2019-2020 Baitang: 10
ika-2 at ika-4 ng Septyembre Guro: Kenneth Domingo M. Batang

I. Layunin:
A. Natutukoy ang paggamit ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
B. Naipaliliwanag ang mga pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
C. Nakasasagot sa maikling sanaysay
D. Naisasadula ang mga pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o proseso sa paglikha
ng isang bagay

II. Paksang-Aralin:
Paksa: Mga salitang hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
Sanggunian: Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma Baitang 10, pahina 95-99
Kagamitan: Laptop, Smart TV, biswal at larawan

III. Yugto ng pagkatuto:


A. Pagganyak
- PANUTO: Paghahanay ng mga mag-aaral batay sa:
1. Apelyido
2. Tangkad at laki
3. Edad o taon
B. Pagtatalakay
1. Sa pang-araw- araw ay nagagamit na natin ang
gramatikang ito sapagkat pagmulat pa lamang ng ating mga mata ay hudyat na ito
ng isang pangyayari. Mahalagang maging malinaw ang paraan ng pagkakasunod-
sunod para maunawaan agad ito.
2. Nakatutulong ang paggamit ng mga salita, kataga, o pahayag na naghuhudyat ng
tamang pagsusunod-sunod tulad ng mga makikita sa:
 Paggamit ng pang-uring pamilang na may panunuran o ordinal upang
malinaw na masundan:
Halimbawa: Una, pangalawa, pangatlo

 Kung ito naman ay isang proseso o


pagsasagawa ng isang bagay. Ginagamitan ito ng salitang “Hakbang” o sa
ingles ay Step.
Halimbawa: Hakbang 1, Hakbang 2, Hakband 3

 Kung ito naman ay mga pangyayari sa


kuwento, napanood, nasaksihan, o
naranasan. Ito ay sequential o ayon sa
tamang paraan kung paano ito
nangyayari.
C. Paglalagom

Hakbang 1 Hakbang 2 Hakbang 3

Simula Tunggalian Kasukdulan Kakalasan Wakas

 Ito ay pagsunod-sunod ng mga pangyayari.


 Isa rin sa halimbawa ng pagkakasunod ay ang maikling-kuwento.

D. Paglalapat
PANUTO: Bumuo ng isang senaryo na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng isang
pangyayari maaaring kung paano magluto ng isang pagkain o maaari ring isang
kuwento na makikita ang bawat pagkakasunod-sunod nito.
Pamantayan:
10 – Lubos na nailahad at naipakita ang pagkakasunod-sunod na pangyayari
7 – Nailahad at naipakita ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari
5 – Hindi masyado nailahad at naipakita ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari
3 – Hindi nailahad at naipakita ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari

IV. Pagtataya:
PANUTO: Isulat sa Bondpaper ang paraan mo kung paano ang pagkakasunod-sunod simula
nang ikaw ay gumising sa umaga hanggang sa pagtulog mo sa gabi.
Pamantayan:
10 – Lubos na nailahad at naipakita ang pagkakasunod-sunod na pangyayari
7 – Nailahad at naipakita ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari
5 – Hindi masyado nailahad at naipakita ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari
3 – Hindi nailahad at naipakita ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari

You might also like