You are on page 1of 5

[Draw your reader in with an engaging abstract.

It is typically a sho

[Document title]
[Document subtitle]

Joanne Dumanon
Masusing Banghay-Aralin sa Filipino V
I. Layunin
Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari;
b. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan; at
c. Nakakagawa ng gawain na nagpapakita ng sanhi at bunga sa pangyayari.

II. Paksang Aralin: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari


Sanggunian: Filipino V Modyul sa Ikalawang Markahan Pag-uugnay ng Sanhi at
Bunga ng mga Pangyayari pp. 4-6
Kagamitan: Panturong Biswal, laptop, pandikit, litrato na nagpapakita ng sanhi at
bunga ng mga pangyayari
Estratehiya: Inquiry Approach
Value Focus: Kooperasyon, Pagpapahalaga sa kalikasan

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Magandang hapon, mga bata! Magandang hapon po, titser!

Kamusta kayo ngayong hapon? Mabuti naman po, titser!

Nagagalak akong malaman iyan.


Ngayon mga bata, sisimulan natin ang
ating leksyon sa isang maikling
aktibidad na pinamagatan na
“Kompletohin mo Ako”. Obserbahan
ninyo nang mabuti ang mga larawan na
aking ipapakita at pagkatapos ay
kailangan ninyong ipuna nawawalang
mga titik sa pamamagitan ng pagpili sa
mga letra sa ibaba upang makabuo ng
isang salita base sa larawan na inyong
nakita o naobserbahan.
Mahusay mga bata!

2. Balik-Aral
Ngayon naman mga bata, mayroon
akong inimbita na kaibigan siya si Kuya
Kim at nandito sya para tulongan tayo
sa ating talakayan ngayong araw.
Ngunit, bago natin makuha ang mga
kagamitan para sa ating talakayan ay
may hinanda si Kuya Kim na isang
pasubok na kailangan natin malagpasan.
Ito ay ang “Tukuyin Mo Ako.”
Itukoy kung anong uri ng pang-abay
ang pinapakita sa pangungusap.
Hahatiin ko ang klase sa apat na grupo
base sa kulay na nasa ilalalim ng inyong
upoan. Bawat grupo ay bibigyan ng
tatlong hugis. Kung ang salitang may
salungguhit ay pang-abay na pamaraan,
itaas ang hugis bilog. Kung pang-abay
na panlunan, itaas ang hugis tatsulok.
At, kung pang-abay na pamanahon,
itaas ang hugis bituin.
IV. Pagtataya
Test I. Tukuyin kung sanhi o bunga ang nakasalungguhit na parirala sa bawat bilang. Lagyan
ang patlang ng S kung ito ay sanhi o B kung ito naman ay bunga.
_____1. Umitim ang tubig dala nang walang habas na pagtatapon ng basura.
_____2. Pagtatapon ng plastic cellophane at basura ang dahilan ng pagbabara sa mga
estero.
_____3. Ang lason mula sa mga pabrika ang pumapatay sa mga isdang naninirahan sa
ilog, dagat, lawa.
_____4. Kakulangan sa wastong pagtatapon ng basura ang ugat ng polusyon, katubigan at
hangin.
____5. Ang problema sa pabahay ay nagpapalala sa polusyon sa isang lugar.
____6. Labis na pagputol ng mga puno ang dahilan kaya wala ng sumisipsip sa mga tubig
ulan kaya nagkakaroon nng labis na pagbaha
____7. Dahil sa pagtatapon ng basura kung saan-saan kaya naman nalalason na ang ating
kapaligiran.
____8. Nalalason ang mga isda sa dagat, at nagkakaroon ng mga baha dahil sa walang
displinang pagtatapon ng basura kung saan saan.
____9. Paggamit ng dinamita ay nagdudulot ng pagkamatay ng maraming isda sa dagat.
____10. Lumubog sa baha ang bayan ng Navotas dahil sa kakulangan ng pagpaplano ng
mga nasa katungkulan.

V. Takdang Aralin
Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa paksang iyong kinagigiliwan na nagpapakita ng
ugnayan ng sanhi at bunga.

You might also like