You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Province of Pampanga
Mabalacat City

MABALACAT CITY COLLEGE

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

I. LAYUNIN
a. Natutukoy ang iba’t ibang pang-ugnay na ginagamit
b. Nalalaman ang kahalagahan ng mga pangugnay na nagbibigay hudyat sa
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari
c. Nakasusulat gamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng pagkasunod-sunod
ng mga pangyayari

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Mga Pang-ugnay na hudyat ng pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari

III. SANGGUNIAN
https://prezi.com/p/os2l1ygvdos6/pang-ugnay-na-ginagamit-sa-pagsusunod-
sunod-ng-pangyayari/

IV. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
a. Panimulang Pagbati/
Balik-aral

Magandang hapon klas! Magandang hapon din po maam!

At dahil nanalangin na kayo sa inyong


unang klase, ating balikan ang
leksyong napag-aralan natin noong
nakaraang araw.
Ano nga uli ito? Pang-uring nagpapasidhi ng
damdamin.

Tumpak! Magbigay ng mga Napakalusog


halimbawa Ubod ng yabang

Magaling! Ang mga ito ay


nagpapahiwatig ng damdaming nais
bigyang-diin upang maipahayag ito ng
tama.

Bago tayo tumungo sa ating pormal


na talakayan, patatakamin ko muna
kayo sa isang pagkain na nagmula sa
bansang Malaysia.

b. Pagganyak

Ano nga ba ang Nasi Lemak?

Ang Nasi Lemak ay isang popular na


pagkain sa Malaysia.

At narito naman ang mga proseso sa


paggawa ng Nasi Lemak.

Una, isalang sa katamtamang apoy


ang isang kawali at paghalu-haluin
dito ang gata ng niyog, tubig, dinurog
na luya, asin, dahon ng laurel at
bigas. Kapag kumukulo na ay hinaan
ang apoy at hayaan itong maluto sa
loob ng 20 hanggang 30 minuto o
hanggang sa ito ay maluto.

Sunod na pakuluan ang mga itlog.


Kapag kulong-kulo na ang tubig ay
isara ang kalan at hayaang
nakababad sa mainit na tubig ang
mga itlog ng 10 hanggang 12 minuto.
Pagkatapos ay hanguin ang mga
itlog, palamigin, balatan at hiwain sa
gitna. Maghiwa na rin ng pipino.

Habang naghihintay maluto ang kanin


at ang itlog ay magpainit ng mantika
sa isang kawali at isangag ang mani
hanggang sa magbago ang kulay.
Ilagay muna ang sinangag na mani sa
tuwalyang papel para matanggal ang
labis na mantika. Sa kawali na ring ito
sunod na isangag sandal ang dilis
para matanggal ang mantika.
Punasan ang natirang mantika sa
kawali.

Muling isalang ang kawali. Magpainit


ng mantika at saka igisa ang hiniwa-
hiwang sibuyas at bawang. Ilagay ang
chili paste at lutuin sa loob ng
sampung minute habang hinahalo-
halo. Maaaring dagdagan ng kaunting
tubig kung masyadong tuyo o
malambot ang chili paste. Ilagay ang
natirang dilis at timplahan ng asin,
asukal at katas ng sampalok ayon sa
panlasa. Hayaaang kumulo pa ng
limang minute o hanggang sa
lumambot.

At panghuli, ihain ang nilutong sarsa


kasama ang mainit na kanin. Ilagay
sa ibabaw ang sinangag na mani at
dilis, gayundin ang hiniwang pipino at
itlog.

Ngayon ay natapos na nating basahin


ang proseso ng pagluluto ng Nasi
Lemak. Napansin niyo ba kung paano
pinagsusunod-sunod ang mga paraan
sa pagluluto nito? Opo maam.

Mabuti! Para sa unang hakbang, ano


sa palagay ninyo ang salita o
pahayag na nagpapakita ng Una
pagkasunod sunod ng paraan ng
pagluluto.

Tama! Para naman sa ikalawang Sunod


hakbang, ano naman ang ginamit?

Mahusay! Para sa ikatlong hakbang, Muli


ano naman ang ginamit?

Tumpak! At sa pagtatapos, ano ang Panghuli


ginamit?
Magaling! Ang mga salita o katagang
inyong nabanggit ay ilan lamang sa
halimbawa ng pahayag o salita na
nagpapakita ng pagakasunod-sunod
ng mga pangyayari o hakbang.

c. Pagtalakay

Ang ating tatalakayin ngayon ay ang


mga pang-ugnay na hudyat ng
pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari.

Ngunit bagi iyan, ang pang-ugay ay


ang mga salita, parirala na nag-
uugnay ng relasyon ng dalawang
yunit ng pangungusap.

Narito ang iba pang salita, kataga o


pahayag na nagpapakita ng
pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari.
• Kapag ang mga pinagsunod-
sunod ay mga pangalan,
gumamit ng mga pang-uring
pamilang na panunuran o
ordinal. Ang mga bilang na ito
ay makapaagpapakita ng
pagkasunod-sunod ng mga
tao, bagay, hayop lugar at
gawain.
Halimbawa:
Una si Doris
Pangalawa si Mario
Pangatlo si Ana
• Kapag ang pinagsusunod-
sunod ay proseso o paraan ng
pagsasagawa ng isang bagay
tulad ng pagluluto, paglalaba o
pagsasagawa ng iba’t ibang
bagay o tinatawag na tekstong
prosidyural, makatutulong ang
paggamit ng mga sumusunod:
a.mga salitang nagpapakita ng
pagkasunod-sunod tulad ng una,
kasunod, panguli at iba pa.
b.mga salitang hakbang + pang-uring
pamilang.
Halimbawa:
Unang hakbang
Ikalawang hakbang
Ikatlong hakbang
• Kapag naman pangyayari sa
kwento ang pinagsusunod-
sunod, madalas ay hindi
ginagamitan ng mga salitang
nagpapakita ng pagkasunod-
sunod o time sequence subalit
mahalagang nabasa at
nunawaang mabuti ang
kuwento sapagkat mga
pangyayari lang ang ilalahad
na kailangan ayusin ayon sa
kung paano nangyari sa
binasa.
Nauunawaan niyo baa ng mga salita
o pahayag na nagpapakita ng
pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari? Opo maam.

Mahusay!

d. Paglalahat

Bilang isang mag-aaral, gaano


kahalagang malaman ang tamang Nakatutulong po ito upang
pagkasunod-sunod ng iba’t ibang maiwasan ang kalituhan at maging
bagay? organisado ang ginagawa.

Magaling! Mahalaga na malaman


natin ito upang maging maayos at
organisado ang lahat ng ating
gagawin.

Ano ang dapat ninyong tandaan Basahing mabuti ang kwento o


upang malaman ang mga pang-ugnay mga pahayag upang malaman at
na hudyat sa pakasunod-sunod ng matukoy ang mga pang-ugnay na
pangyayari? ginamit dito.

Tama! Madalas na ang mga ito ay


makikita sa unahan
e. Aplikasyon

Magbigay ng isang senaryo na


maaaring nagpapahayag ng salitang
pagkasunod-sunod. Ilarawan at
ipaliwanag ang iyong kasagutan.
V. PAGTATAYA
Sa inyong mga kwaderno, gumawa ng isang diary na naglalaman ng inyong
ginagawa sa inyong buong maghapon mula sa umaga hanggang gabi.
Gumamit ng mga pang-ugnay na nagpapahiwatig ng pagkasunod-sunod ng
mga gawain.

VI. TAKDANG-ARALIN
Pag-aralan ang tungkol sa mga nagpapahayag ng pagsang-ayon ng
katotohanan sa pahina (--)

You might also like