You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Province of Pampanga
Mabalacat City

MABALACAT CITY COLLEGE

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

I. LAYUNIN

a. Nalalaman ang kahulugan ng elehiya


b. Nasusuri ang elehiya batay sa elemento nito
c. Nakasusulat ng sariling elehiya para sa mahal sa buhay.

II. PAKSANG ARALIN

Elehiya at Iba’t ibang elemento nito

III. SANGGUNIAN
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-elemento-ng-elehiya

IV. PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. Panimulang Pagbati/
Balik-aral

Magandang hapon klas! Magandang hapon din po


ma’am.

Kumpleto na ba kayo? Nariyan na ba ang lahat? Opo ma’am.

Ok sige. Bago tayo magsimula ay atin munang


hingin ang gabay ng ating Panginoon. Ipikit ang ating mga mata
Pangungunahan tayo ng panalangin ni Maricris. at damhin ang presensya
ng Panginoon.

Amen. Sa ngalan ng Ama, ng


Anak at ng Espirito
Santo. Amen.
B. Pagganyak

Nakita niyo na ba ang mga naging marka ninyo Opo ma’am.


sa kakatapos lang na ikalawang markahan? Thankyou po!
Pagbati sa inyong lahat!

Ngayon ay nasa ikatlong markahaan na tayo at


panibagong kaalaman nanaman ang naghihintay
sa inyo.

Sa tuwing nakikita ninyo ang larawan na ito sa May namatay po ma’am


FB, ano ang pumapasok sa inyong isipan? na pamilya o kamag-
anak.
Tama! Madalas na sinisimbolo ng kandila ay
mayroong nawala o lumisang mahal natin sa
buhay
At lahat tayo no, ay naranasan na iyon sapagkat
gustuhin man natin silang makasama nang
matagal, hindi naman natin hawak o hindi natin
alam kung ano ba yung mangyayari sa
hinaharap.

Ngayong araw, ating tatalakayin ang elehiya.

C. Pagtalakay

Ang elehiya ay isang tulang liriko na pumapaksa


sa damdamin katulad ng kalungkutan, kasawian
o kaligayahan.

Nagpapahayag ito ng damdamin o guni-guni


tungkol sa kamatayan o paggunita sa isang
yumao.

Ito ay isang tula ng pananaangis o pag-alala sa


mahal sa buhay na ang himig ay matimpi
mapagmuni-muni at di masintahin.

Narito ang mga elemento ng elehiya;


Una ay ang,
Tema- ito ay ang pangkabuuang kaisipan ng
elehiya, kadalasang konkretong kaisipan at
pwedeng pagbasehan ang karanasan.
Tauhan- ang taong kasangkot sa tula.
Tagpuan- lugar o panahon na pinangyarihaan ng
tula.
Mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon-
tumutukoy sa mga kaugalian, paniniwala,
kasanayan, doktrina at batas na naihahatid mula
sa isang henerasyon na naisasasalin hanggang
ngayon.
Wikang ginamit
 Pormal- salitang instandard
 Impormal- madalas gamitin sa pang-araw-
araw na pangungusap
Pahiwatig o simbolo- paggamit ng simbolo para
magpahiwatig ng isang ideya o kaisipan
Halimbawa ay si Bonifacio na ang nais ipahiwatig
ay katapangan.
Damdamin- tumutukoy sa damdamin ng sumulat Opo ma’am.
ng tula. Ang kadalasang damdamin sa isang
elehiya ay puno ng kalungkutan.

Tandaan klas na ang elehiya ay isang tula para


sa mga mahal natin sa buhay na hindi na natin
kapiling sa mundong ibabaw. Kaya naman hindi
mo ito maaaring gamitin sa isang mahal sa buhay
na nabubuhay pa.

Naiintindihan ba klas?
Sige tignan ko ng kung nakinig ba talaga kayo sa
ating talakayan.

May ipapapanood akong isang halimbawa ng


elehiya sa inyo. Pakinggan at suriing mabuti ito
dahil may gagawin kayo pagkatapos nito.

*nagplay ng bidyo*

https://www.youtube.com/watch?v=s5rTFkgWe4Y

D. Paglalahat

Ilabas ang inyong notebook. Suriin at itala ang


mga elemento ng elehiya na taglay ng
kakapanood/kakapakinig niyo pa lamang na
isang halimbawa ng elehiya na pinamagatang
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya.
Ipapasa niyo ito ngayong araw.
V. PAGTATAYA
 Sumulat ng maikling tula tungkol sa mahal mo sa buhay na labis mong
pinapahalagahan.

VI. TAKDANG-ARALIN
 Gaya ng ginawa ninyong pagsuri sa pinakinggan elehiya. Pakinggan
ang isa pang elehiya na may pamagat na Elehiya para kay Ram.
Paghambingin ang dalawa batay sa iba’t ibang element ng elehiya.
Gumamit ng Venn Diagram sa paghahambing.

Elehiya sa Kamatayaan ni Kuya Elehiya para kay Ram

You might also like