You are on page 1of 16

Pagsunod-sunurin natin!

Panuto: Iayos ang tamang pagkakasunod-sunod na


proseso ng pagbabagong-anyo ng paru-paro o ang
tinatawag na metamorphosis.
Hudyat sa Pagkakasunod-
sunod ng mga Pangyayari
at Iba pang Panandang
Pantalakayan.
INIHANDA NI: G. IAN CHRISTIAN U. CADIZ
Tiyak na Layunin:
Sa loob ng animnapung minutong talakayan, ang mga
mag-aaral ng baitang pito (7) ay inaasahan na:

Nagagamit nang wasto ang angkop na mga


pahayag sa panimula, gitna, at wakas ng isang
pangyayari;
Nakagagawa ng iskrip/ o mga pahayag gamit ang mga
hudyat na salita sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari at naibabahagi ito sa klase sa pamamagitan ng
pagsasadula;
Nagagamit nang wasto ang mga pananda sa pahayag;
Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa
panimula, gitna, at wakas ng akdang “Ang Alamat ng
Bulkang Mayon”.
May mga panandang ginagamit na
naghuhudyat ng pag-uugnayan sa iba’t
ibang bahagi ng pagpapahayag. Sa Filipino,
ang mga panandang ito ay kadalasang
kinakatawan ng mga pang-ugnay.
Ipinakikilala nito ang mga pag-uugnayang
namamagitan sa mga pangugusap o bahagi
ng teksto.
1. Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-
sunod ng mga kilos/pangyayari o gawain.
•sa pagsisimula: una, sa umpisa, noong una,
unang-una
•sa gitna: ikalawa, ikatlo,..., sumunod,
pagkatapos, saka
•sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas
2. Pagbabagong-lahad- sa ibang salita, sa kabilang
dako, sa madaling salita
 Halimbawa:
•May nanloob sa aming bahay, sa ibang salita kami ay
ninakawan.
•Ang iba ay nagpapakahirap na magtrabaho upang
makaahon sa kahirapan, sa kabilang dako, ang iba
naman ay nagpapakasasa sa buhay.
•Matagal na syang nakatambay at hindi manlang
naghahanap ng trabaho, sa madaling salita, siya ay
tamad.
3. Pabibigay-pokus – bigyang-pansin ang, pansinin
na, tungkol sa
Halimbawa:
•Bigyang-pansin ang mga nakababatang kapatid na
naglalaro.
•Mayroon tayong gaganaping pagtitipon tungkol sa
ating bansa.
4. Pagdaragdag – muli, kasunod, din/rin
•Sumama ka muli sa akin.
•Ikaw na ang kasunod sa pila kaya humanay ka
nang mabuti.
•Si Ana ay masayahin ganun din ang aking
bunsong kapatid.
5. Paglalahat – bilang paglalahat, sa kabuoan,
samakatwid

6. Pagtitiyak o pagpapasidhi – siyang tunay,


walang duda.
Pangkatang gawain
 Panuto: Hatain ang klase sa apat na pangkat at gumawa ng mga
iskrip/pahayag na nagpapakita ng hudyat sa pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari sa pamamagitan ng pagsasadula.
 
P1- Mga hakbang sa paghuhugas ng pinggan.
P2 – Mga hakabang sa pagsasayaw ng paru-paro g (dance
tutorial)
P3- Mga hakbang sa paglalaba ng mga damit.
P4- Mga hakbang sa pagpunta sa El Nido.
Gawain
Panuto: Piliin ang tamang panandang kokompleto sa diwa ng pangungusap sa
bawat bilang.Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

1. _________ ay mahirap talaga ang magsagawa ng pagbabago sa


mga pangkat-etniko.
2. Kailangan nating ___________ ang mga bagay na makatutulong
para sa kabahayan nating minorya.
3. ____________ ng pagbibigay-pansin ang pagpapaayos sa mga
kalsadang nagdurugtong ng kanilang pamayanan sa pamilihan.
4. ____________ ang pagtulong ay hindi dapat matapos sa
pagbibigay lang sa kanila ng pagkain kundi suporta upang
makapaghanapbuhay sila nang maayos.
5. Ang pag-alam sa kanilang pangangailangan ay
_____________ na simula ng magandang pagbabago sa kanilang
buhay.

You might also like