You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V

__________________________________________________________________________________________________

IKATLONG MARKAHAN
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 4 (Unang Linggo)

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
PANGNILALAMAN sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

B. PAMANTAYANG Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng ibat ibang uri ng sulatin.


PAGGANAP

C. MGA KASANAYAN SA Nakapagbibigay ng hakbang ng isang Gawain (F4PS-IIIa-8.6)


PAGKATUTO

II. NILALAMAN Pagbibigay ng hakbang ng isang Gawain

III. KAGAMITANG PANTURO


A. SANGGUNIAN

1. Mga pahina sa gabay ng guro LAS Quarter 3 Linggo 1, Most Essential Learning Competencies

2. Mga pahina sa kagamitang LAS Quarter 3 Linggo 1


Pangmag-aaral
3. Mga pahina sa Textbook
4. Karagdagang kagamitan mula sa Laptop, pictures, power point presentation, at learning activity sheets
postal ng Learning Resources
B. IBA PANG KAGAMITANG
PANTURO
1. Nakasusunod ka ba sa mga panuto o hakbang na ibinibigay?
A. BALIK-ARAL SA 2. Ano ang mga ginagawa mo upang makasunod ka sa mga panuto o hakbang
NAKARAANG ARALIN AT/O na ibinibigay?
PAGSISIMULA NG BAGONG 3. Madali mo bang nasundan ang ibinigay na hakbang ng iyong guro o
ARALIN magulang? Ipaliwanag.
4. Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng panuto o hakbang?

B. PAGHAHABI SA LAYUNIN Ano ang ipinapakita ng mga larawan?


NG ARALIN

C. PAG-UUGNAY NG MGA Ano-ano ang mga hakbang sa paghahanda sa pagdating ng bagyo?


HALIMBAWA SA BAGONG
ARALIN 1. Sundan sa radio o sa telebisyon ang mahahalagang balita ukol sa pagsama ng
panahon.

2. Alamin ang plano ng komunida sa pagbibigay-babala at paglikas


3. Suriin ang bahay at kumpunihin ang mga mahina o sirang bahagi nito.

4. Mag-imbak ng mga pagkain at maghanda ng mga kagamitan tulad ng


posporo, kandila, flashlight at baterya na maaaring gamitin kung kinakailangan.

5. Manatiling mahinahon upang makaiwas sa dagdag na sakuna.

D. PAGTATALAKAY NG Ano ang nakikitang larawan?


BAGONG KONSEPTO AT
PAGLALAHAD NG BAGONG
KASANAYAN #1

Paborito nyo rin ba ang adobong manok?

MGA HAKBANG SA PAGLULUTO NG ADOBONG MANOK

Mga sangkap

* 1 kilong manok (hiwain nang ayon sa gustong laki)


* 2 pirasong patatas (hiwain ng cubes style)
* 7 kutsarang toyo
* 6 na pirasong bawang (itabi ang 3 piraso)
* 1 buong sibuyas
* 4 piraso ng dahoon ng laurel
* 7 kutsaran suka
* paminta buo at durog
* asin at asukal na pula
* 2 basong tubig
* 2 kutsarang mantika

Paraan ng Pagluluto

Una, pagsama-samahin sa isang kaserola o pan ang manok, toyo, suka, laurel,
pamintang buo, tatlong pirasong bawang na dinurog, at kalahati ng sibuyas.

Pangalawa, imarinate ng isang oras at pakuluan ito ng sampung (10) minuto sa


mahinang apoy para manuot ang lasa.

Pangatlo, isalang ang kawali at painitin ang mantika. Ilagay ang natitirang
kalahati ng sibuyas, tatlong pirasong bawang na nahiwa, at pinakuluang manok
(maliban sa sabaw) saka ito igisa. Hayaang maluto ito sa sariling mantika.

Pagkatapos, idagdag ang patatas, ilagay ang sabaw ng pinag pakuluan ng


manok, at lagyan ng dalawang basong tubig saka pakuluan ng labing limang
(15) minuto.

Panghuli, timplahan ng asin, asukal at idagdag ang pamintang durog.

Nakuha nyo ba?


Kaya bang ulitin ang mha hakbang?
Ano ang unang hakbang?
Pangalawa?
Pangatlo?
Pagkatapos?
At Panghuli?

1. Ano ang pamagat ng resipi?


2. Ano ang pangunahing sangkap?
3. Bakit kaya dapat sundin ang mga hakbang at mga parran ng pagluluto ng
isang resipi?

E. PAGTATALAKAY NG Lagyan ng bilang 1-5 ang mga paraan ng paghuhugas ng kamay.


BAGONG KONSEPTO AT
PAGLALAHAD NG BAGONG ________ Pabulain ng 15 segundo. Kuskusin sa pagitan ng mga
KASANAYAN #2 daliri, likod ng mga kamay, dulo ng mga daliri, at ilalim
ng mga kuko.

________ Maglagay ng tamang dami ng sabon.

________ Patuyuin ng husto ang kamay.

________ Basain ang kamay.

________ Banlawan ang kamay sa dumadaloy na tubig.

F. PAGLINANG SA Basahin ang kwento at guhitan ang mga salitang nagpapahiwatig ng isang
KABIHASAAN hulwaran na pagkakasunod-sunod.

Napag-utusan si Margie na hugasan ang mga plato at lahat ng ginamit sa


pagkain at pinaglutuan nito. Una, Sinalansan ni Margie ang baso at pitsel.
Pangalawa, pinagsama-sama niya ang mga kutsara, tinidor at kutsarita. Sunod,
sinalansan nya ang mga plato at platito ayon sa laki. Pagkatapos ay inihanay
niya ang mga kaldero at kawali. Sa wakas ay inilagay niya ang mga ito sa kani-
kanilang lalagyan, matapos sabunin, banlawan, at patuyuin, ayon sa ayos nito.

Tandaan:
Maayos nating nagagawa ang isang gawain kung susundin ang
tamang hakbang nito. Kapag maayos na nasusunod ang mga
hakbang naiiwasan ang pagkakalito, pagkakamali, at pagkakaalintana ng
isang gawain.

Ang pangyayari o hakbang ay inaayos nang may pagkakasunod-sunod


ayon sa panahon. Sumusunod ang kahalagahan ng isang ideya, Gawain, o
pangyayari sa isang hulwaran ng pagsasaayos.

Ang mga halimbawa ng mga salitang nagpapahiwatig ng isang hulwaran na


pagkakasunod-sunod ay:

una, pangalawa nang malaunan sa wakas


sumunod nagsimula pinakahuli
pagkatapos unang-una pinakamahalaga

G. PAGLALAPAT NG ARALIN Paano nakatutulong saiyo ang pagsunod sa mga hakbang ng isang gawain sa
SA PANG ARAW-ARAW NA inyong tahanan?
BUHAY Magbigay ng isang senaryo.

H. PAGLALAHAT NG ARALIN Bakit mahalaga ang pagbibigay ng mga hakbang sa pagsunod ng isang gawain?

I. PAGTATAYA NG ARALIN Isulat sa patlang ang una, pangalawa, sunod, pagkatapos at panghuli ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga gawain na ipinapakita ng larawan.
1.________________ 3._______________

5.
________________

2.____________ 4.____________

J. KARAGDAGANG GAWAIN Isulat ang mga hakbang ng gawain na madalas na iatas saiyo sa loob ng
PARA SA TAKDANG ARALIN tahanan. Gamitin ang mga halimbawa ng mga salitang nagpapahiwatig ng isang
AT REMEDIATION hulwaran na pagkakasunod-sunod.

V. REMARKS

You might also like