You are on page 1of 5

Sanayang Papel sa Filipino 9

Kwarter 1, Ikatlong Linggo

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Seksyon:


_______________
Guro: ______________________________________________ Petsa: _____________________________

Mahahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat. HUWAG LALAGYAN
NG ANUMANG MARKA O SUSULATAN ANG ANUMANG BAHAGI NG SANAYANG PAPEL. ISULAT SA
ISANG BUONG PAPEL ANG LAHAT NG SAGOT SA PAGSASANAY NA ITO. Ibalik ang sanayang papel na
ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay at maging ang
sagutang papel.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


MELC 6: Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pag-ugnay
(F9WG-Ia-b-41)

Simulan mo!

May kasabihan sa Ingles na “Give a man a fish and he will live for a day. Teach a
man how to fish and he will live for a lifetime.” Sa kaso ng mga taong naghihirap at
nagugutom, ang pinakamabuti pa ring pangmatagalang solusyon ay bigyan sila ng
kabuhayan. Halimbawa, kung bibigyan si Pak Idjo at ang kanyang pamilya ng isang bag
ng groseri para maibsan ang kanilang gutom, ito ay tatagal lang ng isa hanggang
dalawang araw. Ang pinakamabuting solusyon ay mabigyan sila ng puhunan at gamit
para sa pagtitinda ng mga pagkain sa kalye tulad ng mga inihaw at iba pang tanyag na
pagkain sa mga kalye ng Jakarta. Kailangan din silang maturuan kung paano magluto
ng masarap na paninda para balik-balikan sila ng kanilang mga suki.

Naririto ang paraan ng pagluluto sa isa sa mga paboritong pagkaing inilalako nila
sa kalye, ang Indonesian Sate. Suriin mo ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga
paraan sa pagluluto nito.

 Una, sa isang malaking mangkok ay paghalo-haluin ang toyo, tomato sauce,


mantika mula sa mani, bawang, paminta, at cumin.

 Sunod na iligay sa pinaghalo-halong sangkap ang manok upang mababad.


Ilagay sa ref sa loob ng 15 minuto.

 Sunod na sindihan ang ihawan o grill. Hayaan lang ito para uminit.

Page 1 of 5
 Habang pinaiinit ang ihawan ay isalang ang kawali sa kalan na may
katamtamang apoy. Igisa ang bawang at sibuyas sa isang kawali. Ilagay na ang
tubig, peanut butter, toyo, at asukal. Hayaang kumulo habang hinahalong
mabuti ang mga sangkap. Tanggalin sa kalan. Ilagay ang katas ng dayap at
itabi.

 Balikan ang pinainit na ihawan. Pahiran ito ng kaunting mantika at saka isa-
isang ilagay ang manok na ibinabad. Ihawin ng tig-limang minute ang bawat
bahagi hanggang maluto ang manok.

 At panghuli, hanguin ang inihaw na manok at ihain kasama ang peanut sauce.

Napansin mo ba kung paano pinagsunod-sunod ang mga paraan sa pagluluto ng


Indonesian Sate? Ano-anong salita o pahayag ang napansin mong nagpapakita ng
pagkakasunod-sunod ng mga paraan ng pagluluto? Mahalaga ang mga salitang ito
upang magbigay ng signal sa mambabasa kung paano pagsunod-sunurin ang mga
pangyayari.

Alam ba?

Basahin…

Mga Salitang Hudyat ng Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari

Sa maraming pagkakataon, tayo ay nagbibigay ng mga pagkakasunod-sunod ng


mga bagay, pangyayari, panuto, at iba pa. mahalaga kung gayon na alam natin ang
mga salita, kataga, o pahayag na nagpapakita ng wastong pagkakasunod-sunod para
magamit natin ayon sa pangangailangan.

 Kapag ang pinagsunod-sunod ay mga pangngalan, gumamit ng mga pang-uring


pamilang na panunuruan o ordinal. Ang mga bilang na ito ay makapagpapakita
ng pagkakasunod-sunod ng mga tao, hayop, lugar, at gawain.

Halimbawa: Una si Doris, pangalawa si Mario, pangatlo si Anna sa rank.

 Kapag ang pinagsunod-sunod ay proseso o paraan ng pagsasagawa ng isang


bagay tulad ng sa pagluluto, paglalaba, pagkukumpuni ng sasakyan, o paggawa

Page 2 of 5
ng iba’t ibang bagay, o iyong mga tinatawag na tekstong prosidyural,
makatutulong ang paggamit ng sumusunod:

 Mga salitang napapakita ng pagkakasunod-sunod tulad ng una, kasunod,


panghuli, at iba pa.

 Paggamit ng mga salitang hakbang + pang-uring pamilang o ang salitang


step + pang-uring pamilang.

Halimbawa:
o STEP 1, STEP 2, STEP 3
o Unang hakbang, ikalawang hakbang, ikatlong hakbang

 Kapag naman pangyayari sa kuwento ang pinagsusunod-sunod ay hindi na


ginagamitan ng mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod o time
sequence subalit mahalagang nabasa at naunawaang mabuti ang kuwento
sapagkat mga pangyayari lang ang ilalahad na kailangang ayusin ayon sa kung
paano paano naganap sa binasa.

Magtulungan tayo!

Gawain 1

Panuto: Ayusin ang mga pangyayari sa akdang “Takipsilim sa Dyakarta” ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod nito. Gumamit ng pamilang na 1 hanggang 5 batay sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

______ a. Tumama sa pulang Cadillac ang kalesa at sumira sa ilang bahagi nito.
Lumabas mula sa restawran ang may-ari ng Cadillac na si Raden Kaslan at
galit na galit na sinigawan ang takot na takot na si Pak Idjo.

______ b. Luhaang nagpaliwanag si Pak Idjo sa pulis na wala talaga siyang ibabayad sa
nasirang sasakyan kaya’t sa huli’y nagdesisyon si Raden na hayaan na ito at
pumasok na lang muli sa restawran nang galit na galit pa rin.

Page 3 of 5
______ c. Pumarada ang pulang-pula at bagong-bagong Cadillac sa harap ng restawran
na maraming nakaparadang kotse. Bumaba mula sa sasakyan ang mag-
asawang kakikitaan ng yaman at luho o marangyang pamumuhay.

______ d. Nagpatawag ng pulis si Raden Kaslan upang ituro at mapapanagot sa


pagkasira ng kanyang kotse na si Pak Idjo.

______ e. Samantala, isang lumang kalesa na walang sakay at hila ng isang payat na
kabayo ang dumaan sa harap ng restawran sakay ang natutulog na kutsero.
Nagulat ang kabayo at umalma dahil sa naghahabulang aso’t pusa kaya’t bigla
itong nadapa.

Magagawa mo!

Gawain 2

Panuto: Mag-isip ng limang resipe na alam mo. Isulat ang mga hakbang o proseso kung
paano lutuin ang mga napiling resipe. Gumamit ng mga salitang hudyat sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari katulad ng halimbawa sa pahina 1.
Ilagay ito sa scrap book. Lagyan din ng mga larawan ang napiling resipe.
Maging malikhain sa paggawa ng scrap book. Ito ay magsisilbing proyekto mo
sa unang markahan.

AKLAT

Page 4 of 5
o Julian, Ailene Baisa, et. al. Pinagyamang Pluma 9 (K to 12) Aklat 1. Phoenex Publishing
House, Inc. 2015.

Filipino 9 Susi sa
Pagwawasto
Gawain 1:
3 a.
5 b.
1 c.
4 d.
2 e.

Page 5 of 5

You might also like