You are on page 1of 2

Acosta ,Mary Joy O.

B.E.Ed – 1

Panuto. Magbigay ng Halimbawa patungkol sa mga napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal.

 Konsepto ng “Bayani”

Ang bayani ay taong may malasakit sa kanyang kapuwa. Gumagawa sila ng pagtulong ng
walang anumang kapalit.  Itinataguyod ng isang bayani  ang mga bagay tungkol sa kanyang
pinagmulan. Hindi lamang ito pagpapakita nga  katapangan kundi sa talino, katapatan at
kakayahan.  Nasusubukan at napapanday sa aktwal na labanan ang isang bayani.

Halimbawa: madaming konsepto ng pagiging bayani isa rin dito ay ang pagtulong sa kapwa
isang kabayanihan sa panahon ngayon sapagkat madami ang naghihirap at matatawag na
ring bayani ang mga fronliner dahil sa pag bubuwis ng buhay at sama na rin ang mga
sundalo

 Kalagayan ng serbisyong pabahay, pangkalusugan,transportasyon,edukasyon atbp.

Kalagayan ng serbisyong pabahay - Ang karapatan sa pantay na pagtatrato nang walang


diskriminasyon ay naaangkop kapag nagpapaupa o bumibili ng isang yunit (halimbawa, sa
isang mataas na gusaling apartment, kondo, ko-op o bahay). Ang karapatang ito ay
naaangkop rin sa pagpili o pagpapalayas ng mga nangungupahan, mga patakaran at mga
regulasyon ng isang pabahay, mga pagkukumpuni, sa paggamit ng kaugnay na mga
serbisyo at mga pasilidad, at sa pangkalahatang pagkalugod sa lugar.

Pangkalusugan - Ang pangangalagang pangkalusugan o pangangalaga ng


kalusugan (Ingles: health care o healthcare) ay ang pagpapanatili ng kalusugang pang-
isipan at pangkatawan sa pamamagitan ng pag-iwas o paggamot sa mga sakit sa
pamamagitan ng mga serbisyong inaalok ng propesyong pangkalusugan at ng mga tauhan
nito. Kabilang sa pangangalagang pangkalusugan ang lahat ng makatuwiran at kailangang
tulong na pangmedisina, pagsusuring pampanggagamot, paglulunas na pangmedisina,
diyagnosis na medikal, mga ebalwasyong pangmedisina, at mga serbisyong pangmedisina. 

Transportasyon - Ang transportasyon (Ingles: transportation; Kastila: transporte) ay
ang paggalaw ng mga tao at bagay mula sa isang pook hanggang isa pang pook. Mula ito
sa salitang Latin na trans, na nangangahulugang sa kabila, at portate, na
nangangahulugang dalhin. Sa ganitong paraan, dalhin sa kabila ang literal na
pagsasalinwika ng transportasyon..

Edukasyon - Malaki ang epekto sa pamumuhay ang pandemyang [COVID-19]. Lahat tayo
nahihirapan sa sitwasyon, subalit ang pag -aaral o pagkatuto ay hindi dapat isawalang
bahala. Karapatan ng mga kabataan na makapagaral. May kasabihan nga, “Ang kabataan
ang pag-asa ng bayan”. Kaya naniniwala ako na kahit anong hirap ng sitwasyon natin,
marami namang paraan upang matugunan ang pag-aaral ng mga kabataan. Ang mahalaga
ay hindi masasayang ang isang taon sa buhay ng mga mag –aaral. Upang matagumpayan
ito kailangan magtulong-tulong ang bawat isa.

 Bagyo,baha,polusyon,mabilis na urbanisasyon,malawakang pag ka wasak ng /sa kalikasan, climate


change atbp.
- Hindi namimili ang salitang 'trahedya,' at hindi rin dapat namimili ang salitang 'kaligtasan'
Kapag ang ating pamahalaan at media ay may balita tungkol sa sakuna, kadalasang
gumagamit ang mga ito ng mga siyentipiko at teknikal na salita. Sa pagkakaalala ko
noon sa Super Typhoon Yolanda, ilang beses ibinalita sa telebisyon ang salitang “storm
surge” – subalit maraming kababayan natin ang hindi nakaunawa at hindi pamilyar sa
terminong ito. Ang akala nila ay humahagupit na bagyo at malakas na pag-ulan lamang
ang maaaring dumating at mawawala rin ito

 Kahirapan,malnutrisyon(kawalan ng)siguridad sa pagkain.

- Tila karaniwang eksena sa nagdaang tatlong buwan ang mga larawan at bidyo ng mga
namamalimos at humihingi ng tulong para may makain ang kanilang pamilya. Marahil, ang
kalakhan sa mga ito ay kabilang sa sinasabi ng Philippine Statistics Aurthority na mahigit
pitong milyong manggagawang nawalan ng trabaho at kabuhayan bunsod ng pandemyang
Covid-19.

Malaking kabalintunaan na maging ang mga prodyuser ng pagkain ay nawalan ng


kaseguruhan sa pagkain sa panahon ng pandemya. Sa taya ng Ibon Foundation,
mayroong 2.5 milyong magsasaka, manggagawang bukid at mangingisda ang naapektuhan
ang kabuhayan noong lockdown. Bukod sa hindi pinapayagang magtrabaho sa sakahan at
pangisdaan, maging ang kanilang produkto ay pahirapan, kundi man pinagbabawalan,
maiangkat mula probinsiya tungo sa Maynila o sa iba pang mga sentro ng kalakalan.

You might also like