You are on page 1of 1

“KAALAMAN AY PAUNLARIN, BAYANIHAN AY PAGTIBAYIN”

Isinulat ni: Michaela M. Santos

Sino-sino ba ang mga bayani? Maituturing ko bang bayani ang sarili ko? Si Dr. Jose Rizal ang
pinaka tanyag na bayani na ating kilala sapagkat inalay niya ang kaniyang buhay para mailigtas ang
bansang Pilipinas. Ngunit sa panahon ngayon na tayo ay may kinahaharap na digmaan na hindi natin
nakikita. Mga doktor, nurse, pulis, guwardya, brgy.tanod at iba pa. Lahat sila ay kaagapay sa
paglaban at pagsugpo sa covid. Sila ngayon ang maituturing na bayani sa ating pamayanan. Ikaw
kaya? May nagawa ka ba? Kahit na tayo ay isang mag-aaral maaari rin ba tayong maging bayani?
Hindi ba’t sa ating pambansang bayani na mismo nanggaling na “Ang kabataan ang pag-asa ng
bayan”. Ngunit sa paanong paraan natin ito maipapakita? Sapat na ba na tayo ay nag-aaral para sa
bayan?

Bilang isang mag-aaral, tuwing Marso ating iginugunita sa paaralan ang “Fire Prevention Month”,
dahil sa buwan na ito ay naitatala ang pinakamaraming kaso ng sunog. Kaya naman sa pangunguna
ng ating mga guro, kasama ang bombero, at kawani sa munisipyo ay pinalalaganap ang Disaster
Risk Reduction and Management (DRRM), kanilang itinuturo ang mga dapat na gawin habang may
sunog halimbawa; kung tayo ay nasa gusaling nasusunog at tayo ay nahihirapan huminga kumuha
ng bimpong basa at itakip sa ilong at bibig. Isa lamang ito sa mga dapat gawin kapag may sunog.
Hindi biro ang ginagawang sakripisyo lalo na kung naatasan sa lugar na may malalaking sunog
at may limitadong suplay ng tubig. Itinuturing bayani ang isang tao kapag iniaalay nito ang kaniyang
buhay para sa ikabubuti ng pamayanan kaya minsan napapaisip tayo kung sino nga ba ang
maituturing nating bayani? Napagtatanto ba natin kung walang bombero sa isang komunidad? Sa
mga ganitong pagkakataon, kinakailangan ang pagdadamayan ng pamayanan. Tayo ay kanilang
sinasagip sa panganib na dulot ng sakunang hindi inaasahan. Sa panahon ngayon na laganap ang
sunog sino ang nais mong tumulong sa’yo?

Likas na sa ating mga Pilipino ang pagtutulungan higit lalo sa panahon ng pangangailangan.
Ilang beses na itong napatunayan kapag may mga kababayan tayong naaapektuhan o nagiging
biktima ng sakuna, trahedya, at mga ‘di inaasahang pangyayari. Bago pa man dumating ang tulong
na ating inaasahan, karaniwan na may mga kababayan tayo na handang kumilos upang tumulong.
Bayanihan ang kailangan ito ang solusyon sa lahat ng trahedyang kinakaharap. Pagtutulungan ay
dapat isagawa upang maresolba ang sunog na dumadating ng ‘di mo inaasahan. Isa rin sa
magagawa o maitutulong ng mamamayan upang maiwasan ang sunog ay ituro o italakay sa mga
bata ang hindi nila dapat gawin upang hindi magkaroon ng sunog. At pati na rin ang pagtuturo sa
kapwa nila mamamayan ng mga dapat at hindi dapat gawin upang maiwasan ang sunog. Sa
pagtutulungan ng mga bombero at pamayanan ay mas mapapadali ang trabaho sa pagsugpo ng
apoy at maililigtas ang mga buhay na nasa panganib. Minsan kahit anong ingat pa natin, nangyayari
talaga ang mga hindi inaasahang bagay. Isa na rito ang pagkakaroon ng sunog sa ating mga
tahanan. Nakakatuwang sa oras ng mga sakuna ay nagkakaisa ang bawat Pilipino sa pagtulong sa
kapuwa. Ang espiritu ng bayanihan; isa sa maraming magagandang bagay na pag-aari ng mga
Pilipino at maaaring ipagmalaki. Base sa kasaysayan ang karaniwang dahilan ng alitan ay kawalan
ng pagmamahal sa bayan at malasakit sa kapwa. Bayan muna bago ang sarili. Subalit kung ang
pagkilos ay para lamang sa sarili malilimutan mo ang iyong kapuwa. Ang ating pagdadamayan ay
nagpapakita ng ating malasakit sa isa’t isa. Hindi mo kailangan mamatay para maging bayani.

Alam naman natin na ang bombero ay isang dakilang propesyon, bagamat alam natin ang
panganib na dulot ng trabahong ito. Tandaan na ang mga bayani ay mga Pilipino na nagmamahal sa
bayan. Maaari tayong maging bayani sa simpleng hindi paglalaro ng posporo, at paninigurado na
maayos ang kable ng ating mga charger sa bahay. Sa gawaing ito, matutulungan natin ang mga
bombero sa kanilang trabaho dahil maiiwasan natin ang pagkakaroon ng sunog. Sabi nga nila
“Prevention is better than cure”, mas mainam na mapigilan agad ang isang trahedya bago pa man ito
mangyari, kaysa ayusin ang pinsala nito pagkatapos mangyari. Sa pagpapaalala at pagbabahagi ng
kaalaman kung paano maiiwasan ang sunog ay isang malaking tulong na sa pamayanan.

You might also like