You are on page 1of 17

GINAGAMIT MULI

NG DIYOS
NASIRANG PALAYOK
1Sinabi sa akin ni Yahweh, 2“Magpunta
ka sa bahay ng magpapalayok, at may
ipahahayag ako sa iyo.” 3Kaya nagpunta
naman ako, at dinatnan ko ang
magpapalayok sa kanyang gawaan.
4Kapag ang ginagawa niyang
palayok ay nasira, hinahalo niyang
muli ang putik, at hinuhugisan
nang panibago.
Jeremias 18:1-4
5Pagkatapos, sinabi sa akin ni Yahweh,
6“O Israel, wala ba akong karapatang
gawin sa iyo ang ginawa ng
magpapalayok sa putik na iyon? Kayo'y
nasa mga kamay ko, tulad ng putik
sa kamay ng magpapalayok.
Jeremias 18:5-6
Ang Palayok: Ang ating
makalupang pagkatao ay tulad
ng isang palayok na luad na
walang laman
Ang pagkatao nating makasalanan!
Plastik, Mapagpaimbabaw,
Mapagsinungaling, Mapagmataas,
Mayabang, Mapagkunwari,
Mapagpahalaga sa sariling kapakanan...
KALOOBAN NG DIYOS NA BASAGIN
AT SIRAIN ANG ATING PALAYOK
UPANG MABUO NIYA MULI TAYO
AYON SA KANYANG KALOOBAN
“NAIS BAGUHIN NG DIYOS ANG
ATING PAGKATAO AYON SA
PAGKATAO NI JESUS”
PAGBABAGO NG ISIP
“26Bibigyan ko kayo ng bagong puso
at bagong espiritu. Ang masuwayin
ninyong puso ay gagawin kong pusong
masunurin. 27Bibigyan ko kayo ng
aking Espiritu upang makalakad kayo
ayon sa aking mga tuntunin at
masunod ninyong mabuti ang aking
mga utos. “
Ezekiel 36:26
Mayroong karapatan ang
Diyos sa Kanyang nilikhang
palayok na bumuo muli ng
mamahalin o mumurahing
PALAYOK mula sa iisang
tumpok ng putik
20Tao ka lamang, sino kang
mangangahas na sumagot nang ganoon
sa Diyos? Masasabi kaya ng isang
hinuhubog sa kanyang manghuhubog,
“Bakit ninyo ako ginawang ganito?”
21Wala bang karapatan ang
gumagawa ng palayok na bumuo ng
mamahalin o mumurahing sisidlan
mula sa iisang tumpok ng putik?
Roma 9:20-21
Ang Poot at Habag ng Diyos
22Kaya, kahit nais nang ipakita
noon ng Diyos ang kanyang poot at
ipakilala ang kanyang
kapangyarihan, buong tiyaga pa
rin niyang pinagtiisan ang mga
taong dapat sana'y parusahan at
lipulin.
Roma 9:22
Hindi Na Nagpapatuloy Sa
Pagkakasala Ang Mga Anak Ng Dios
“18Alam nating ang mga anak ng Diyos
ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala,
sapagkat iniingatan sila ni Jesu-Cristo,
at hindi sila maaaring galawin ng
diyablo. 19Alam nating tayo'y mga anak
ng Diyos, kahit na ang buong
sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng
diyablo.”
1 Juan 5:18-19
OUR GOD DESIRES TO BREAK
OUR OLDSELF “LUMANG
PAGKATAO” TO MAKE US A NEW
CREATION IN CHRIST JESUS
22 Iwanan na ninyo ang dating pamumuhay.
Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao
na napapahamak dahil sa masasamang
pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at
pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay ang
bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng
Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na
pamumuhay ayon sa katotohanan.
29Sapagkat sa mula't mula pa'y alam
na ng Diyos kung sino ang magiging
kanya at ang mga ito'y pinili niya
upang maging tulad ng kanyang
Anak. Sa gayon, ang Anak ang
naging panganay sa lahat ng
maraming magkakapatid.
Roma 8:29
ANG PAGHUBOG SA
UGALI NG KRISTIYANO
MATULAD KAY CRISTO
AY ANG DAKILANG
LAYUNIN NG DIOS !!
6Sapagkat ang Diyos na nagsabing,
“Mula sa kadiliman ay sisilang ang
liwanag,” ay siya ring nagbigay
liwanag sa aming isip upang
makilala namin ang kaluwalhatian
ng Diyos na nahahayag sa mukha ni
Cristo.
2Corinto 5:6
7Ngunit kaming pinagkalooban
ng kayamanang espirituwal na
ito ay hamak na sisidlan lamang
tulad ng mga palayok, upang
ipakilalang ang dakilang
kapangyarihang ito ay sa Diyos, at
hindi sa amin.
2Corinto 5:7
Galatians 2:20
Namatay na akong kasama ni Cristo
sa krus. 20Hindi na ako ang
nabubuhay ngayon kundi si Cristo
na ang nabubuhay sa akin. At
habang ako'y nabubuhay pa sa
katawang-lupa, mamumuhay ako sa
pananalig sa Anak ng Diyos na
umibig sa akin at naghandog ng
kanyang buhay para sa akin.

You might also like