You are on page 1of 14

Liksyon 11 para sa ika-10 ng Disyembre, 2022

Nagpasimula ang makabagong espiritwalismo noong ika-31 ng Marso, 1848.


Ang lumang gawain ng pakikipag-usap sa mga espiritu ng patay ay ibinalik at
pinasikat ng higit pa kaysa dati.
Noong1888, inamin nina Margaret at Kate Fox na ang ingay ng mga espiritu sa
totoo lang ay peke. Gayunpaman, nagpatuloy parin ang kilusan ng
espiritwalismo.
Habang papalapit tayo sa katapusan, mas nagiging karaniwan ang mga
pandaraya ni Satanas. Puno nito ang mga sikat na kultura at kinikilos ang mga
tao palayo sa katotohanan.
Mga pandarayang mula sa mga demonyo:
“Totoo sa iyo kung ano ang pinaniniwalaan mo”
Buhay pagkatapos ng kamatayan
Pagkakatawang tao muli
Gawain ng demonyo:
Pagkonsulta sa patay
Pagkakita sa namatay na tao
Pagdepensa laban sa pandaraya
MGA PANDARAYANG
MULA SA MGA DEMONYO
“Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng
langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” (Mateo 7:21)

Maaaring ang isang tao ay naghuhula, nagpapaalis ng demonyo, o


gumagawa ng himala. Gayunpaman, maaari silang tanggihan ng
Dios dahil hindi sila gumagawa ng Kanyang kalooban (Mt. 7:21-23).
Kaya, mahalagang maunawaan ang kalooban ng Dios.
Ang katotohanan ay itinuturing na kani-
kanya sa lipunan ngayon. Kung ito ay kani-
kanya, gagamitin natin ang ating isip,
interes, at damdamin upang malaman ang
kalooban ng Dios. Hindi ito itinuturo ng
Biblia. Hindi nakabatay ang kalooban ng
Dios sa ating iniisip..
Hinihimok tayo ni Jesus na magtayo sa bato (Mt. 7:24-25).
Kailangan nating kumilos ayon sa Kanyang mga salita na
nasusulat sa Biblia.
“Tungkol sa akin, aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran: ako'y
masisiyahan pagka bumangon sa iyong wangis.” (Awit 17:15)
Sinusubukan ng iba na patunayan sa agham ang buhay
pagkatapos ng kamatayan. Gumagamit sila ng “mga
karanasang malapit sa kamatayan” upang gawin ito. Sa mga
karanasang iyon, ipinapaliwanag ng mga taong nakaranas
na muntik nang mamatay at naibalik ang buhay na nakakita
sila ng gaya ng ilaw, isang makalangit na nabubuhay, o isang
kamag-anak na patay na bago sila magising.
Pansinin na hindi talaga sila namatay. Dumanas sila ng
karanasan ng proseso ng pagkamatay sa mga sensory,
ngunit hind ng karanasan matapos ang kamatayan.
Malinaw na sinasabi ng Biblia na makikita lamang natin
ang mukha ng Dios kung gigisingin na Nya tayo mula sa
kamatayan sa Kanyang Ikalawang Pagparito (Aw. 17:15).
Malinaw na sinasabi ng Biblia na isang beses lang tayo
nabubuhay. Gyaunpaman, maraming mga paganong kultura (at
ilang mga Kristyano) ang naniniwala sa pagkatawang tao muli.
Ibig sabihin nito ay may ilang buhay ang mga tao na dapat
maging mas mabuti sila sa bawat buhay hanggang maging
karapatdapat sila na mamuhay sa “paraiso.” Itong doktrina ay

Ginagawang hindi na kailangan ang pagkabuhay muli at
pagtatagumpay sa kamatayan (1Co. 15:52-55)
Pinapalitan ang kaligtasan sa biyaya ng kaligtasan sa gawa (Efe. 2:8)
Ginagawang walang saysay ang Ikalawang Pagparito (2Tim. 4:8)
Nangangahulugang makakapagpasya pa tayo matapos mamatay, na
ito’y salungat sa Biblia (Heb. 9:27)
GAWAIN NG DEMONYO
“Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o
nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway, O enkantador ng mga ahas,
o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay..”
(Deuteronomio 18:10-11)
Ipinapakita ng Biblia na ang pagkonsulta sa patay sa pamamagitan ng
mga manghuhula ay panlilinlang. Ang ganitong gawain ay
ipinagbabawal sa Biblia (Dt. 18:9-14; Lv. 19:31; Lv. 20:6, 27; Is. 8:19-20).
Sa pagsunod sa prinsipyong ito, inalis ni Saulo
“ang mga manghuhula at espiritista” sa Israel (1S. 28:9).
Gayunpaman, pumunta siya sa kanila nang hindi na sya
makakuha ng sagot sa Dios, kahit alam nyang gawain ito ng
diablo (1S. 28:5-7). At nakita nya ang diablo.
Sa totoo ay hindi nakita ni Saulo si Samuel. Yung manghuhula
ang nagsabi na nakikita niya si Samuel, at ipinasa niya ang
mensahe. Alam ni satanas na iniwan na ng Dios ang hari at ang
mga resulta nito, kaya ginamit niya iyon upang madaya si
Saulo (1S. 28:11-20).
“Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga
pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa
sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.”
(Efeso 6:12)
Isang bagay ang marinig ang manghuhula na nakikita at
nakakausap nila ang mga espiritu ng mga namatay. At isa
namang bagay ang talagang makakita at makarinig ng
namatay na tao.
“Malinaw na ipinahayag ng salita ng Dios na ang mga
patay ay wala nang bahagi sa ilalim ng araw. At sinasabi ng
mga espiritista na alam ng patay lahat na nangyayari sa
ilalim ng araw, na sila’y nakikipag-ugnay sa kanilang
kaibigan sa lupa, nagbibigay ng mahahalagang
impormasyon, at gumawa ng mga himala.” (EGW. 1T, p. 298).
Maniniwala ba kayo sa Dios o kay Satanas?
Alalahaning maaaring magpakita ang demonyo sa anyo ng
mga namatay at gayahin sila (2Co. 11:14-15).
PAGDEPENSA LABAN SA
PANDARAYA
Ipinaliwanag ni Pablo sa Efeso 6:14-18 kung paano tayo makakadepensa mula sa mga masamang anghel 6:14-18:

Ang sinturon ng Ang sapatos ng


Ang baluti ng katuwiran
katotohanan (v. 14a): ebanghelyo (v. 15): dapat
(v. 14b): dapat nating
Kailangan natin kumapit sa tayong mamuhay at
katotohanan at tanggihan isuot ang katuwiran ni
ibahagi ang ebanghelyo
ang salungat dito Kristo, hindi ng sa atin
ng kapayapaan
Ang kalasag ng Ang helmet ng kaligtasan
pananampalataya (v. 16): (v. 17a): Dapat lagi
dapat gamitin natin ang
ating pananampalataya
nating alalahanin ang
upang tanggihan ang mga kaligtasang ibinigay ni
pandaraya ng kaaway Jesus s atin
Panalangin (v. 18): Ito
Ang espada ng Espiritu ang ating mahalagang
(v. 17b): Dapat nating daluyan ng
pag-aralan ang Biblia at kapangyarihan at
sundin ang mga turo nito pagtatagumpay
“Ang mismong pangalan ng pangkukulam ngayon ay
hinahamak. Ang pag-angking maaaring
makipagtalik ang tao sa masamang Espiritu ay
itinuturing na kathang isip noong Dark Ages. Ngunit
ang Espiritwalismo, na ang mga hikayat ay libo-libo,
oo, milyon-milyon, na dumaan ito sa syentipikong
pangkat, na lumusob sa mga iglesia at nakahanap ng
pabor mga mambabatas, at kahit na sa mga korte ng
mga hari—itong malaking pandaraya ay ay
pagkabuhay sa bagong pagpapanggap ng
pangkukulam na kinundina noong una.”
E. G. W. (The Story of Redemption, cp. 57, p. 395)
“Tayo ay nasa panahong ang mga pagdurusa na hindi
pa nakikita ng mundo ay mangingibabaw. ‘Sa aba ng
lupa at ng dagat: sapagka't ang diablo'y bumaba sa
inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na
kaunting panahon na lamang mayroon siya.’ Ngunit
naglagay ng hangganan ang Dios na hindi maaaring
lampasan ni Satanas. Ang pinakabanal nating
pananamplataya ang hangganang ito; at kung itatayo
natin ang sarili sa pananampalataya, magiging ligtas
tayo sa pag-iingat ng Isang Makapangyarihan”
E. G. W. (Testimonies for the Church, vol. 5, cp. 30, p. 297)

You might also like