You are on page 1of 1

Pandemya at Ako

Isinulat ni Tricia Ann S. Fidel


Pulo Elementary School

Distansya yan ang sinasabing sandata


Laban sa sakit na hindi nakikita
Bukas ang isip at dilat ang mga mata
Ang pangyayaring ito'y naging banta

Niyanig at nagulantang ang bawat nilalang


Ginising sa katotohanan na ang buhay ay hiram lang
Mga frontliners ang nagsilbing katuwang
Sila'y mga bayaning naging pananggalang

Bata man o matanda'y nataranta at nagimbal


Pandemic na ito'y nagturo ng aral
Na araw-araw laging magpasalamat at magdasal
Matutong manalangin sa Poong Maykapal

Kaya buhay natin ay pakaingatan


Manatili na lamang sa loob ng tahanan
Ang paglabas ay ating iwasan
Upang magkaroon ng sapat na kaligtasan

You might also like