You are on page 1of 4

Lecture in

science

1. Madali ang mahirap magpakatao

maging tao,

2. Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak


3. Kung ano ang puno, siya ang bunga

4. Kung walang tiyaga, walang nilaga

5. Ang taong nagigipit,, sa patalim kumakapit

6. Ang mabigat ay gumagaan, kng pinagtutulungan

7. Bago ka bumati ng sa ibang uling, pahirin mo muna ang iyong uling

8. Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi

9. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sarili

10. Ang pili ng pili, natatapat sa bungi

1. Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.
2. Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.
3. Alilang-kanin
Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.
4. Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.
5. Amoy tsiko
Kahulugan: Lango sa alak, lasing
Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.
6. Anak-dalita
Kahulugan: Mahirap
Halimbawa: Marami akong kaibigan na anak-dalita.
7. Anak-pawis
Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao
Halimbawa: Ako ma’y anak-pawis rin.
8. Asal hayop
Kahulugan: Masama ang ugali
Halimbawa: Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.
9. Balat-kalabaw
Kahulugan: Matapang ang hiya
Halimbawa: Balat-kalabaw na talaga kahit noon pa.
10. Balik-harap
Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa: Bakit kaya may mga taong balik-harap?

Halimbawa ng Kasabihan
 Ang batang makulit, napapalo sa puwit.
 Ang batang matalino, nag-aaral ng husto.
 Ang batang iyakin, nagiging mutain.
 Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
 Dapat lahat tayo ay magpakabuti, sapagkat ang kamatayan ay nakasunod parati.
 Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.
 Ang batang hindi matapat, ay masahol pa sa isang ahas sa gubat.
 Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
 Ang nagsasabi ng tapat, ay nagsasama ng matagal.

 Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.
 Ang buhay parang gulong, minsan sa ibabaw, minsa sa ilalim
 Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
 Magsipag tayo hanggang bata, para puro biyaya sa ating pagtanda.
 Ang batang malinis ang katawan, ay malayo sa karamdaman.
 Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
 Ang malinis at maayos, malapit sa Diyos.
 Ang kalinisan ng kapaligiran, ay magandang pagmasdan.
 Ang masamang ugali ay isusuka ng lipunan.
 Ang mabuting ugali ay patunay, ang maraming kaibigan
 Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.
 Sundin mo ang sinasabi ko, hindi ang ginagawa ko.
 Ang batas ay hindi na kailangan, sa mga taong hindi gumagawa ng kasalanan.
 Kung walang katahimikan, walang pagsulong ang bayan.
 Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.
 Ang mayaman ay lalong yayaman, kung sakim at walang pakialam.
 Ang taong walang tiyaga, ay walang yamang mapapala.
 Kung may tiyaga, may nilaga.

You might also like