You are on page 1of 3

Ang karunungang bayan ay isang sangay ng pantikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang

mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng mga tao. Nakakatulong ito sa pag-angkin ng kamalayang
tradisyunal, na nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural.

Salawikain
Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay o nagpapanuto ng magagandang
aral o gabay sa pamumuhay, sa asal, sa pakikipagkapwa.

Aanhin pa ang damo,


Kung patay na ang kabayo.
Ang ampalaya kahit anong pait,
Sa nagkakagusto’y matamis.
Ang anumang kasulatan dapat ay lalagdaan.
Ang bungang hinog sa sanga,
Matamis ang lasa.
Ang bungang hinog sa pilit,
Kung kainin ay mapait.
Ang butong tinangay ng aso,
Walang salang nalawayan ito.
Ang katotohana’y kahit na ibaon,
Lilitaw pagdating ng takdang panahon.
Ang langaw na dumapo sa kalabaw,
Mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.
Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan.
Balat man at malinamnam,
Hindi mo matitikman.
Bibig na natatakpan,
Hindi papasukin ng langaw
Ang sawikain o idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salitang
patalinghaga na nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay,
kaganapan, sitwasyon o pangyayari.

Abot-tanaw

Kahulugan: Naaabot ng tingin


Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.
2. Agaw-dilim

Kahulugan: Malapit nang gumabi


Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.
3. Alilang-kanin

Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit


walang suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.
4. Amoy pinipig

Kahulugan: Mabango, nagdadalaga


Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.
5. Amoy tsiko

Kahulugan: Lango sa alak, lasing


Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.
6. Anak-dalita

Kahulugan: Mahirap
Halimbawa: Marami akong kaibigan na anak-dalita.

7. Anak-pawis

Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao


Halimbawa: Ako ma’y anak-pawis rin.
8. Asal hayop

Kahulugan: Masama ang ugali


Halimbawa: Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.
9. Balat-kalabaw

Kahulugan: Matapang ang hiya


Halimbawa: Balat-kalabaw na talaga kahit noon pa.
10. Balik-harap

Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.


Halimbawa: Bakit kaya may mga taong balik-harap?

Ang kasabihan o saying ay isang makaluma at maiksing pariralang


nagpapahayag ng ideya na pinaniniwalaan ng nakararami na tunay o
totoo. Madalas na sinasabi ito upang magbigay ng payo o impormasyon tungkol
sa buhay at karanasan ng tao.

 Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.
 Ako ang nagbayo, iba ang nagsaing.
 Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ng tuloy.
 Kung ang pagsasama ay walang katotohanan, hindi tatagal ang samahan.
 Ang pagsintang labis na makapangyarihan, pag ikaw ay pumasok sa puso
ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
 Ang pili ng pili, natatapat sa bungi.
 Ang pag-aasawa ay hindi biro, ‘di tulad ng kanin iluluwa kung mapaso
 Batu-bato sa langit, tamaan huwag magagalit.
 Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
 Kung hindi ukol, hindi bubukol.

You might also like