You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY


Bayombong, Nueva Vizcaya

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Pangalan : John I. Ringor


Kurso : BSED FILIPINO
Asignatura : SEC FIL 108 (Introduksyon sa Pamamahayag)
Guro : Dongpan Crusaldo P. Oligario
Petsa : June 11, 2022
GAWAIN # 8 (Lathalain)

a. Lathalaing Nagpapabatid
DEPRESYON

Ang depresyon ay isang uri ng sakit sa utak. Ito ay sanhi ng


pagkakaroon ng matinding pagkakalugmok o kalungkutan. Madalas
nagkakaroon nito ay ang mga kabataan. Sila ay nakararanas ng
mababang antas ng kasiglahan o kasiyahan.
Ito ay nagdudulot ng malawakang epekto sa buhay ng isang
kabataan, naaapektuhan nito ang kaniyang pag-aaral,
pakikipagkapwa-tao at pagganap sa responsibilidad bilang isang anak.
Karaniwang sanhi ng pagkakaroon ng matinding kalungkutan ay dala
ng mga problema sa pamilya, pag-aaral at sa pakikisalamuha sa ibang
tao.
Madalas itong nag-uudyok sa pagpapatiwakal ng isang
kabataan. Nawawalan ito ng kontrol sa kaniyang emosyon o aksyon.
Gayunpaman, bilang mga mas nakauunawa sa kanilang mga
nararamdaman, sikapin natin silang kausapin, pasiyahin at pagaanin
ang kanilang mga nararamdaman. Iwasan nating maramdaman nila
ang pag-iisa.
Samakatuwid, bilang payo sa mga kabataan, huwang mong
puwersahin ang isang bagay. Huwag mo masyadong dibdibin ang
pagkasawi, pagkatalo o pagkadapa. Matuto kang tumayo ng may
tapang at lakas upang harapin ang anumang dagok na iyong
mararanasan. At higit sa lahat, umiwas sa mga bagay na
makapagdudulot sa iyo ng mga negatibong emosyon o malulungkot na
karanasan.

b. Lathalaing Pansariling Karanasan/Kakatwa

KAPRE
Bata pa lamang ako nakakarinig na ako ng mga kwento tungkol
sa mga engkanto, kapre, aswang at multo. Simula noon, nag-umpisa na
akong makaramdam ng takot, kaba at kilabot. Hindi ko pa man minsan
naranasan ang makakita ng isa sa mga ito, ngunit paniwalang-paniwala
akong ang mga ito ay totoo.
Hanggang isang araw, naiwan akong mag-isa sa bahay, wala sila
mama at papa. Habang nakaupo at nagseselpon, nakarinig ako ng
malakas na kalabog mula sa likod ng bahay, labis ko itong ikinagulat.
Inakala kong isa lamang itong pusa ngunit wala. Makalipas ang ilang
minuto, muli akong makarinig ng malakas na tunog sa bubong. Animo'y
merong bumato ng malaking bato. Labis akong kinilabutan sa
pagkakataong iyon, napatayo ako sa aking kinauupuan at dali-daling
tumakbo sa kalsada. Nang tinanong ko ang mga nakatambay kung may
narinig ba silang tunog ng pagbato at sinabing wala. Doon na ako
nagsimulang kilabutan at matakot, hindi muna ako pumasok sa loob ng
bahay sa mga tagpong iyon. Nanatili ako sa kalsada hanggang
dumating sila mama at papa.
Sa karanasan kong ito, dito ko napatuyang totoo nga ang mga
sabi-sabi ng mga matatanda tungkol sa kababalaghan at tungkol sa
kapre na nakatira sa isang matandang puno ng sampalok sa tabi ng
aming bahay. Para sa akin, hindi naman masama ang maniwala basta
alam natin sa sarili natin kung paano respetuhin at igalang ang mga hindi
natin nakikita. Upang hindi tayo makagambala kaninuman sa kanila.

You might also like