You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
CASAT NATIONAL HIGH SCHOOL
Casat, Bayombong, Nueva Vizcaya

RESOLUSYON BLG. 2023-03-15

LUBOS NA PASASALAMAT KAY MAYOR ANTONIO G.


BAGASAO PARA SA KANIYANG KATANGI-TANGING PAGTUGON
SA AMING KAHILINGAN PARA SA PAGPAPATAYO NG
KARAGDAGANG GUSALI PARA SA MGA KAGAMITANG
GAGAMITIN NG MGA COOKERY STUDENTS.

SAPAGKAT, si Kgg. Antonio G. Bagasao, na bagong halal


noong 2022, ay maglilingkod bilang Alkalde pagkatapos ng nakaraang
Eleksyon at isa sa mga itinuturing na manunungkulan sa kasalukuyang
kasaysayan;

SAPAGKAT, si Mayor Bagasao ang siyang may kakayahan at


karapatang humiling kay Kgg. Carlos M. Padilla, ang Gobernador ng
Probinsya ng Nueva Vizcaya, ng karampatang tulong para sa
kahilingang ito ng Casat National High School.

SAPAGKAT, si Mayor Bagasao ay lagging kabalikat at


tagapagtaguyod ng kaunlaran at kapakanan ng buong Munisipyo ng
Bayombong, Nueva Vizcaya sa anumang kakailanganin ng kaniyang
mga nasasakupan at mga kasamahan sa serbisyo.

NGAYON, DAHIL DITO, bilang pagsasaalang-alang sa nauuna,


pinagtitibay ng lupon ng paaralang ito sa kaniyang pulong ang
pagpapahayag ng lubos na pasasalamat kay Mayor Bagasao para sa
kaniyang napakahalagang ambag sa pagpapatayo ng gusali para sa
mga kagamitang gagamitin ng mga Cookery student ng Casat National
High School.

Pinagtibay sa Casat National High School, Casat, Bayombong,


Nueva Vizcaya ngayong ika-15 ng Marso, 2023.

JOHN I. RINGOR
Punong Guro

KELLY JADE P. BARDILLON JINNE-LAYE D. PASCUAL


Teacher II Teacher I

You might also like