You are on page 1of 1

Liwanag sa Takipsilim

ni: Renante R. Soriano

Ang bansa'y sumailalim


Sa animo'y takipsilim
Bawat isa'y naligalig
Sa pandemiyang nanaig

Takot ay mababanaag
Sa kawalan ng kalasag
Di mawari kung may lunas
Sa sakit na ubod-dahas

Ang pamumuhay sa mundo


Isang iglap ay nabago
Gawain ay limitado
Sa takot sa bawat puso

Ngunit kahit anong bagsik


Nitong COVID na matinik
Gobyerno'y di humihimpil
Hanggang bayrus ay masupil

Mga hakbang inilatag


Upang lahat makailag
Pagtalima’y ipaalam
Upang sakit ay maparam

Pinoy nga at ubod-tibay


Pag-asa'y di nawawalay
Sa dusang dulot ng sakit
Nananalig nang mahigpit

Teknolohiya’y sandigan
At sagot sa karamdaman
Ngunit dasal ay dalisay
Umusal at isabuhay.

Isang DALIT ni:

Renante R. Soriano, EdD


Punongguro I
Paaralang Elementarya ng Sampaguita
Purok ng San Pedro
Sangay ng Laguna

You might also like