You are on page 1of 10

Holy Cross College

Sta. Ana, Pampanga


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Self-Learning Module:
FILIPINO SA PILING LARANGAN
(AKADEMIK)
Inihanda ni:
JOSELITO T. MACAPAGAL, LPT
Holy Cross College
FIDES. CARITAS. LIBERTAS

Talaan ng Nilalaman
Introduksyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3
Grading System . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4
Aralin 1 : Kahalagahan ng Pagsusulat at Akademikong Pagsulat . . . . . . . . . . . . 5
Aralin 2 : Pagbuo, Pag-uugnay at Pagbubuod ng mga Ideya . . . . . . . . . . . . . . 9
Aralin 3 : Pagsulat ng Bionote . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Aralin 4 : Pagsulat ng Talumpati . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 18
Aralin 5 : Pagsulat ng Posisyong Papel . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 22
Aralin 6 : Pagsulat ng Replektibong Sanaysay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 24
Aralin 7 : Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 28
Aralin 8 : Pagsulat ng Larawang-Sanaysay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 31
Aralin 9 : Pag-unawa sa Paksa at Pagtitipon at Pag-oorganisa ng Datos:
Pagsulat ng Ulat . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 35
Aralin 10 : Pagsusuri ng Gawang Malikhain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 36
Aralin 11 : Pagbuo ng Panukalang Saliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 39
Aralin 12 : Pagbabahagi ng Produkto ng Gawaing Akademiko:
Ilang Paraan ng Presentasyon ng Saliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 40
Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 41

Self-Learning Module: Filipino sa Piling Laranangan (Akademik) Pahina | 2


Holy Cross College
FIDES. CARITAS. LIBERTAS

Introduksyon
Ang modyul na Filipino sa Piling Larangan: Akademik ay sadyang inihanda para sa
mga mag-aaral sa Grade 12 ng Holy Cross College Senior High School upang patuloy na
makaangkop sa mga pangangailangang pang-akademiko sa antas sekondarya kahit na
sila ay nasa bahay lamang dahil sa pansamantalang wala munang nakasanayang face-
to-face na modal ng pag-aaral sanhi ng kinakaharap nating pademyang krisis na COVID19.

Ang modyul na ito ay iniangkop at tinutugunan ang mga kahingian ng kurikulum na


inilatag ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay naglalaman ng maraming karagdagang
kaalaman at pagsasanay mula sa kanilang gagamiting aklat na Filipino sa Piling Larangan:
Akademik ng Rex Book Store, Inc. Ang mga gawaing ito ay nakatuon pa rin sa mga makrong
kasanayan na pagbasa, pagsulat, pasalita kasama na ang pananaliksik at paglinang ng
talasalitaan. Ang mga kasanayang ito ay makatutulong upang lalong malinang ang mga
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagpapahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop
na pagsusulat sa piniling larangan.

Sinikap ng mga guro ng Holy Cross College Senior High School na makapagbigay ng
mga paksang sadyang tutugon sa mga kailangan ng bawat mag-aaral na kanilang
magagamit sa kasalukuyang takbo ng pamumuhay at umaasa na sa tulong ng modyul na
ito ay mabibigyan ng sapat na kalinangan ang akademikong pagganap ng mga mag-
aaral.

Self-Learning Module: Filipino sa Piling Laranangan (Akademik) Pahina | 3


Holy Cross College
FIDES. CARITAS. LIBERTAS

Grading System
In compliance to DepEd Order No. 31 Series of 2021 - INTERIM GUIDELINES FOR
ASSESSMENT AND GRADING IN LIGHT OF THE BASIC EDUCATION LEARNING CONTINUITY PLAN
- the quarterly assessment shall not be administered and therefore will not be included in the
grading system for the current school year.

There will be two major components for computation of grades comprising the
Written Outputs and Performance Tasks of the learners.

Table 1. Weight Distribution of the Summative Assessment Components for Senior High School

Technical/Vocation and
Academic Track Livelihood (TVL)/Sports/
Arts and Design Tracks
Assessment Core
Work Immersion/ Work
Components Subjects
Research/ Immersion/
All other All other
Business Enterprise Research/
Subjects Subjects
Simulation/ Exhibit Exhibit /
/ Performance Performance
Written Works 40% 40% 50% 30%

Performance Tasks 60% 60% 50% 70%

Note: Filipino sa Piling Larangan (Akademik) is under Academic Track – All other subjects
(Applied Subject).

Self-Learning Module: Filipino sa Piling Laranangan (Akademik) Pahina | 4


Holy Cross College
FIDES. CARITAS. LIBERTAS

Aralin 1 Kahalagahan ng Pagsusulat at Akademikong Pagsulat

• ABOT-TANAW

Pagkatapos ng aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga


sumusunod:
• Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat;
• Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa; Layunin, Gamit,
Katangian at Anyo; at
• Nakapagsasagawa ng pananaliksik kaugnay sa kahulugan, kalikasan at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.

PAGLILINANG

PAGKILALA SA PAHAYAG

PANUTO: Tukuyin kung TAMA o MALI ang inilalahad sa bawat pahayag.Isulat ang sagot sa
patlang bago ang tambilang.

________1. Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng


nagsasagawa nito.

________2. Ito ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat na maaaring panlipunan o sosyal


kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw,
karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat.

________3. Ang pagsusulat ay hindi nakatutulong upang tayo ay magkaroon ng malikhaing


pag-iisip.

________4. Ang isang indibidwal ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa


kanyang isipan mula sa kasanayang pagsusulat.

________5. Ito rin ay mental na aktibiti dahil gumagana ang ating isip sa pagsusulat.

________6. Walang kahalagahan sa pakikipag-ugnayan sa kapwa tao ang pagsusulat.

________7. Ang pagsusulat ay pisikal na aktibiti dahil ginagamit natin ang ating kamay at
mata.

________8. Ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap matamo.

________9. Ang pagsulat ay isang ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao
mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.

________10. Ang pagsusulat ay nagdudulot ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong


kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa
lipunan.

Self-Learning Module: Filipino sa Piling Laranangan (Akademik) Pahina | 5


Holy Cross College
FIDES. CARITAS. LIBERTAS

PAGHAHASIK

I. MGA TERMINONG MAHALAGANG TANDAAN


• Akademikong sulatin. Ito ay isang pormal na sulatin o akdang isinasagawa sa isang
akademikong institusyon sa isang partikular na larangang akademiko.
• Basic Interpersonal Communication Skills (BICS). Ito ay ang mga kasanayang di-
akademiko na batay sa mga usapan, praktikal, personal at impormal na mga
gawain.
• Cognitive Academic Language Proficiency (CALP). Ito ay mga kasanayang
akademiko. Ito ay pormal at intelektuwal.
• Malikhaing pag-iisip. Ito ang kakayahang isaalang-alang ang isang bagay sa isang
bagong paraan.
• Mapanuring pag-iisip. Ito ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga
at talino upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-
akademiko at sa mga gawaing di-akademiko.
• Pagsulat. Iton ay gawaing pagsasalin sa papel o sa anomang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at
ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayagang nasa kanyang
kaisipan (Sauco, et al., 1998).

II. PAGTALAKAY SA ARALIN


Basahin ang pahina 2-8 sa inyong aklat na Filipino sa Piling Larangan (Akademik) para
pagtalakay.

III. KARAGDAGANG KAALAMAN


Kahulugan at Kahalagahan ng Pagsulat
Ang pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at
kaalaman katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap
matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong
ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang salita
mula sa mga titik, at ng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita.
Ito ay isang pisikal na aktibiti dahil ginagamit natin ang ating kamay, at mata. Ito rin
ay isang mental na aktibiti dahil gumagana ang ating isip sa pagsusulat. Sa pagsusulat din
tayo ay nagiging malikhain dahil pinag-iisipan nang mabuti ang isinusulat at tayo ay
nakakapagmunimuni dahil gumagana ang ating malikhaing pag-iisip.

Mga Gamit at Pangangailangan sa Pagsulat


Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng tao ay may
kakayahang lumikha ng isang makabuluhang akda o komposisyon. Kaya naman upang
makabuo tayo ng isang magandang sulatin ay kailangang mapukaw ang ating interes.
Kailangan nating mabatid ang mga dapat tandaan sa pagsusulat partikular ng
akademikong pagsulat. Narito ang mga iilan:

1. Wika. Ito ang nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,
damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat.
Dapat matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maunawaan sa uri

Self-Learning Module: Filipino sa Piling Laranangan (Akademik) Pahina | 6


Holy Cross College
FIDES. CARITAS. LIBERTAS

ng taong babasa ng akda. Nararapat magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at
payak na paraan.

2. Paksa. Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang


magandang simula dahil dito iikot ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat
na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan at wasto ang mga datos na
ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.

3. Layunin. Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng
iyong isusulat.

4. Pamaraan ng Pagsulat. May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman
at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat.

A. Impormatibo. Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong


impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.

B. Ekspresibo. Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon,


paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay
sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.

C. Naratibo. Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga


pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.

D. Deskriptibo. Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian,


anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig,
natunghayan, naranasan at nasaksihan. Ito’y maaaring obhetibo at subhetibo.

E. Argumentatibo. Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.


Madalas, ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o
pag-usapan.

5. Kasanayang Pampag-iisip. Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang


masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na ilalapat sa pagsulat. Kailangang
makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag
at maging obhetibo sa sulating ilalahad.

6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat. Dapat na isaalang-alang sa pagsulat


ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong
paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng
talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang
mahusay na sulatin.

7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin. Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag


ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos,
organisado, obhetibo at masining na pamamaraan ang isang komposisyon.

MGA URI NG SULATIN


1. Akademiko. Ito ay may layuning pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan. Ito ay maaring kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento,
term paper o pamanahong papel, tesis. Itinuturing rin itong isang intelektwal na pagsulat.

Self-Learning Module: Filipino sa Piling Laranangan (Akademik) Pahina | 7


Holy Cross College
FIDES. CARITAS. LIBERTAS

2. Teknikal. Ito ay nagsasaad ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-


solusyon sa isang komplikadong suliranin. Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na
tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal sa pagbibigay ng impormasyon na
pangangailangan ng mga mambabasa, at minsang, maging ng manunulat mismo.

3. Journalistic. Ito ay pampamamahayag na uri ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng


mga mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorya, kolum,
lathalain at iba pang sulatin na karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

4. Reperensyal. Ito ay isang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang


reperens o sors hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod o pinaiikli ng isang manunulat
ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon.

5. Propesyonal. Ito ay nakatuon sa isang tiyak na propesyon. Maituturing na halimbawa nito


ang pagsulat ng police report ng mga pulis, investigative report ng mga imbestigador.

6. Malikhain. – Ito ay masining na uri ng pagsulat dahil ang mismong pokus nito ay ang
imahinasyon ng manunulat, bagama’t maaaring piksyonal at dipiksyonal ang akdang
isinusulat. Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng mambabasa.

PAGSUSUHAY

PAGSUSURI AT PAGKILALA SA AKDA AT URI NG PAGSULAT

PANUTO: Basahing mabuti ang inilalahad na akda at sagutin ang mga sumusunod na
tanong patungkol dito.

Labis na Pagkakalulong sa Paglalaro ng Mobile Legends:


Hindi Madaling Takasan Ngunit Posible

Kung hindi ka magpipigil, malululong ka talaga.

Wala sigurong tao ngayon lalo na ang kabataan ang hindi nakakaalam ng Mobile Legends
(ML) Bang Bang, naglalaro man o hindi dahil sa kasikatan nito. Wala namang masama kung
maglalaro nito at ng iba pang mobile games pero katulad ng ibang mga teknolohiya, kailangan
ang pagpipigil upang maiwasan ang mga negatibong epekto nito.

Ang Mobile Legends (ML) ay halimbawa ng isang mobile game katulad ng Clash of Clans,
Call of Duty, at Rules of Survival. Nilikha ito ng Moonton na isang game developer na nakabase sa
Malaysia.

Sa isang pag-aaral na isinagawa sa Polytechnic University of the Philippines- Laboratory High


School, wala naman naging masamang epekto ang paglalaro ng ML sa pag-aaral ng mga mag-
aaral. Pagdating naman sa pakikisalamuha, napag-alaman din ng pag-aaral na positibo rin ang
epekto nito sa pakikisalamuha ng mga mag-aaral sa kanilang mga kaklase at kaibigan.

“Nakatutulong po ‘yong paglalaro ng ML kasi strategy game po ito. So parang bonding na


rin po naming magkakaibigan kasi nagtutulungan kaming magkakaibigan para manalo,”
paglalahad ni Lee, isang Grade 10 student ng Montessori De Sagrada Familia (MDSF). “Ngayong
semester, hindi ako halos nakapaglaro kasi may research kaming ginagawa. So, kapag aral, aral
talaga, saka na ang laro,” dugtong naman ni Nat-Nat, isang Grade 12 student.

Bagama’t may nagpapatunay na walang negatibong epekto ito sa pag-aaral o


pakikisalamuha ng isang tao, maaari pa rin itong magdulot ng negatibong epekto sa mga
naglalaro lalo na kung walang gagabay sa kanila. Marami pa ring mag-aaral ang gumugugol ng
maraming oras sa pag-aaral katulad na lamang ni James, isang Grade 8 student. “Minsan po ay
naglalaro ako ng ML ng 8-12 hours sa isang araw,” pagtatapat niya.

Ayon kay Mary Joys Mendoza, Counselling and Testing Officer ng MDSF, nalululong ang mga mag-
aaral sa paglalaro ng ML dahil sa ranking feature ng larong ito. “Maraming kabataan ang
Self-Learning Module:
nalululong sa paglalaro ng Filipino
ML dahil itosa
ayPiling Laranangan
nakakapagbigay (Akademik)
ng instant gratification sa kanila.
Pahina |Ito
8
ay isang online game kung saan ang isa sa mga goal ng player ay tumaas ang kanyang ranking
Holy Cross College
FIDES. CARITAS. LIBERTAS

Ayon kay Mary Joys Mendoza, Counselling and Testing Officer ng MDSF, nalululong ang mga
mag-aaral sa paglalaro ng ML dahil sa ranking feature ng larong ito. “Maraming kabataan ang
nalululong sa paglalaro ng ML dahil ito ay nakakapagbigay ng instant gratification sa kanila. Ito
ay isang online game kung saan ang isa sa mga goal ng player ay tumaas ang kanyang ranking
kaya mas nahuhumaling silang maglaro nito,” paliwanag niya.

Bukod dito, isa pang negatibong nararanasan ng isang manlalaro sa paglalaro ng ML ay ang
“trash talking” na kung saan ay nakakapagsambit ang mga manlalaro ng mga negatibong salita.
“Minsan ‘yong trash talk nila sumosobra. Kaya ‘yong ibang trash talk parang nagiging personal na
rin at nagiging sanhi ng init ng ulo,” kwento ni James.

Pero higit sa lahat, dahil sa labis na paglalaro ng ML, nauubos ang oras ng isang mag-aaral
na sana ay maaari niyang ilaan para sa pamilya. “May times na nagtatampo sa akin at nagagalit
‘yong mama ko sa akin kasi, puro na lang daw ako ML. Tapos nauubos na lang daw lagi pera ko
kasi bili ako nang bili ng skin ng heroes ko sa ML,” salaysay ni Erick, Grade 7 student.

‘Wag mong Hayaang Kontrolin ka Nito

Limitasyon talaga ang kailangan. Wala namang masamang maglaro ng ML, pero kung
hindi pipigilan ang sarili, maaaring magdulot ito sa pagkalulong hanggang sa mahirap na itong
takasan. Tandaan, lahat ng sobra ay masama.

“Limitahan ang sarili sa paglaan ng ilang oras lamang sa paglalaro nito. Maghanap ng
ibang mapaglilibangan bukod sa paglalaro ng online games tulad ng sports o pakikihalubilo sa
pamilya o mga kaibigan. Kung sa tingin nila ay labis na ang pagkalulong sa paglalaro ng ML mas
mabuting burahin muna ang game na ito at kailangan din ang tulong ng mga magulang upang
makaiwas sa pagkalulong sa ML dahil maaari nilang kunin ang cellphone o gadget sa pag-iwas
sa paglalaro,” pagtatapos ni Mendoza.

Mga tanong:
Ni: Hasmina Kyla T. Sarip

1. Anong uri ng pagsulat ayon sa layunin ang binasang teksto? Bakit?


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

2. Ano ang pangunahing kaisipan ng teksto?


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mag nag-uumpugang ideya na nailahad sa teksto?


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

4. Nasusunod ba ang pangangailangang “kaalaman sa wastong pamamaraan ng


pagsulat at kasanayan sa paghahabi ng buong sulatin” sa binasang akda? Patunayan.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Self-Learning Module: Filipino sa Piling Laranangan (Akademik) Pahina | 9


Holy Cross College
FIDES. CARITAS. LIBERTAS

PAGHAHAWAN

I. PANUTO: Tukuyin kung ano inilalahad sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang tambilang.
______________1. Isang uri ng pananaw kung saan may interaksiyon ang mambabasa sa
teksto.
______________2. Ito ang pinakatesis o pokus ng pag-aaral o paksa.
______________3. Ito ang pinakahuling bahagi ng teksto na isinasagawa sa pamamagitan
ng pagbubuod, pagrebyu ng mga tinalakay, paghahawig o kaya’y
paghamon, pagmungkahi, o resolusyon.
______________4. Isang uri ng pananaw kung saan matatagpuan na sa teksto ang lahat ng
ideya, impormasyon, at kahulugan para sa mambabasa.
______________5. Uri ng estruktura na kung saan wala itong pinapanigang isyu o katuwiran.
Isa lamang itong ulat.
______________6. Isang uri ng estratehiya na kung saan ito ang talakayan ng grupo upang
makapagbigay input ang bawat miyembro at magkaroon ng
pangkalahatang ideya kaugnay sa teksto.
______________7. Ito ay isang estratehiya kung saan bubusisiin muna ang lahat nang isinulat
at huling bahagi ng artikulo.
______________8. Isang uri ng pananaw na kung saan ang pangunahing katangian nito ang
pag-iisip kung ano ang ginagawa habang nagbabasa.
______________9. Isang uri ng estratehiya na kung saan hindi babasahin ang kabuuan ng
teksto ngunit titingnan ang mga pangunahing bahagi upang magkaroon
ng pangkalahatang kaalaman sa tekstong binasa.
______________10. Sa bahaging ito pinauunlad at nagsusulat ng mga talata.

II. PANUTO: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag, at kung MALI
salungguhitan ang salita o pariralang nagpapamali rito at isulat sa patlang
bago ang tambilang ang wastong salita o parirala.
______________11. Kailangan sa mapanuring pagsulat ang isang mapanuring pag-iisip.
______________12. Isa sa mga hindi maiiwasang gawain sa loob ng akademiya ang pagsulat.
______________13. Sa bawat asignaturang kinukuha at pinapasukan ng mag-aaral, may mga
libro, manwal, artikulo, report, at iba’t ibang anyo ng sulatin at gawain na
kailangang basahin at gawin.
______________14. Ang mapanuring pag-iisip ay hindi gumagamit ng datos o batayan na
pahayag o katuwiran na mapagkakatiwalaan at naaayon lamang sa
haka-haka o pamamalagay.
______________15. Ang mapanuring manunulat ay tinatalakay ang mga ideya sa paraang
organisado, malinaw at masusi.

Self-Learning Module: Filipino sa Piling Laranangan (Akademik) Pahina | 10

You might also like