You are on page 1of 9

IETI COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY, INC

BRGY. MAGSAYSAY, SAN PEDRO CITY

FILIPINO SA PILING LARANGAN


MODYUL – UNANG MARKAHAN

TechVoc
PANG-ISANG LINGGO Eksklusibo lamang sa IETI College of Science and Technology – SENIOR HIGH SCHOOL
TALAAN NG NILALAMAN
Yunit I: Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng Pagsulat ng Sulating-
Teknikal

PANIMULA Modyul 1: Mga Pananaw, Kahulugan at kasaysayan ng


Komunikasyong Teknikal
Modyul 2: Ang Awdyens bilang mambabasa at ang Kahalagan ng
Ang pagsulat ay isa sa limang makrong kasanayan; pagsasalita, pagbasa, Kolaboratibong Pagsulat
pagsulat, pakikinig at panonood na siyang nililinang sa isang indibidwal. May
Modyul 3: Mga Elemento at Etika ng Komunikasyong Teknikal sa
kakayahan ang bawat isa na sumulat ng isang akda, pang-akademiko man o para
Lokal at Pandaigdigang Pakikipagkomunikasyon
sa pansariling kahingian lamang. Pinagagana nito ang ating isipan, ang lawak ng
ating kaalaman at ang likot ng ating imahinasyon. Yunit II: Mga Pormal na Sulating Pangnegosyo
Sa asignaturang ito Filipino sa Piling Larangan – TechVoc, aalamin natin Modyul 4: Liham Pangnegosyo
ang mga salik na dapat ninyong matutunan hinggil sa iba’t ibang teknikal-
bokasyunal na mga sulatin gayundin aalamin natin ang kahulugan, kalikasan, Modyul 5: Liham Aplikasyon at Resume
kaanyuan at layunin ng mga ito. Isa sa mga layunin ng asignaturang ito na ikaw ay Modyul 6: Pagsulat ng Memorandum
makalikha ng isang teknikal-bokasyunal na sulating naaayon sa kahingian ng
iyong napiling propesyon o disiplina. Pauunlarin natin ang iyong kaalaman hinggil Yunit III: Pagbuo ng Pangnegosyong Promosyunal
sa mga teknikal na pagsulat at kung paano ito susuriin ayon sa disiplina. Ilalahad Modyul 7: Deskripsyon ng Produkto
din sa asignaturang ito ang mga pamamaraan kung paano tayo makasusulat ng
planong proyekto para sa ating magiging negosyo sa hinaharap. Sinisikap din ng Modyul 8: Pagbuo ng mga Elementong Biswal
asignaturang ito na mapatatag ang inyong kaalaman sa mga konseptong teknikal- Modyul 9: Flyers at Leaflets
bokasyunal na pagsulat tungo sa paglinang ng kakayahang makasulat nito.
Modyul 10: Paalala, Babala at Anunsyo
Ilan sa mga inaasahang output na iyong magagawa ay ang mga
sumusunod: Liham Pangnegosyo, Liham Aplikasyon at Resume, Memorandum, Yunit IV: Pagsulat ng Piling Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal
Deskripsyon ng Produkto, mga Elementong Biswal, Flyer at Leaflets . Mapag- Modyul 11: Naratibong Ulat
aaralan din natin sa asignaturang ito ang iba’t ibang anyo ng sulating teknikal-
bokasyunal gay ana lamang ng Naratibong Ulat, Panukalang Proyekto, Feasibility Modyul 12: Panukalang Proyekto
Study at ang Pagbuo ng Manwal.
Modyul 13: Feasibility Study
Modyul 14: Pagbuo ng Manwa

PANG-ISANG LINGGO Eksklusibo lamang sa IETI College of Science and Technology – SENIOR HIGH SCHOOL
PARA SA MGA MAG-AARAL: MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Ang modyul na ito ang magsisilbi mong gabay sa pag-aaral habang ikaw ay PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAGGANAP
nasa inyong tahanan. Nilalaman ng modyul na ito ang iba’t ibang gawain at aralin PANGNILALAMAN (Performance Standards)
na marapat mo lamang matutunan. Bilang pasimula, narito ang ilang mga bagay (Content Standards)
na dapat mong maunawaan nang sa gayo’y maging matagumpay ang daloy ng
iyong pagkatuto. Ang bawat aralin ay kakikitaan ng iba’t ibang bahagi at icon na Nauunawaan ang kalikasan, layunin Nasusuri ang kahulugan at kalikasan
dapat mong maunawaan: at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
anyo ng sulating ginagamit sa pag- sulatin
Sa bahaging ito nakalahad ang mga aaral sa iba’t ibang larangan
dapat mong mapagtagumpayan
TUNGUHIN matapos ang bawat aralin.
Natitiyak ang angkop na proseso ng Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa
Sa bahaging ito, tayo ay magkakaroon pagsulat ng piling sulating nakalistang anyo na nakabatay sa
ng isang gawain upang magkaroon ka akademiko pananaliksik
na ng pahapyaw na introduksyon para
TUKLASIN sa aralin.
Nagagamit ang angkop na format at Nakagagawa ng palitang pagkikritik
Sa bahaging ito, atin ng tatalakayin teknik ng pagsulat ng akademikong (dalawahan o pangkatan) ng mga
TALAKAYIN ang mga konsepto hinggil sa ating sulatin sulatin
paksa. Magkakaroon na rin dito ng
elaborasyon.
Binubuo ng bahaging ito ay ang ilang
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
TANGHALIN mga pagsasanay nang sa gayo’y
magkaroon ng pagpapanatili ng aralin Likhang-sulat (Written Works)
sa iyong kaisipan. - Mga awtput, pagsusulit, pagsasanay, takdang aralin 20%
Sa bahaging ito ating susukatin ang iyong Gawaing Pagganap (Performance Task)
TAYAIN natutunan batay sa aralin na ating - Indibidwal na gawain, iba’t ibang akdang sulatin 60%
natapos nang talakayin. -
Karagdagan: Pangunahing Pagsusulit (Major Exam)
Sa bahaging ito, nakalista ang mga - Midterm at Final na pagsusulit 20%
TALASANGGUNIAN pinagbatayan para sa mga -
impormasyong ating nakalap. Pangkabuuan 100%

PANG-ISANG LINGGO Eksklusibo lamang sa IETI College of Science and Technology – SENIOR HIGH SCHOOL
TAYAIN

GABAY SA PAG-AARAL  Maging tapat, ang mga gawain na nakalatag sa modyul na ito ay hindi
nangangailangan na lahat ng kasagutan ay makikita sa modyul na ito,
Upang matiyak ang iyong tagumpay bilang isang mag-aaral ng kursong ito,
hindi masamang ikaw ay kumuha ng mga ideya sa iba’t ibang
ang mga sumusunod ay ang mga bagay na gagabay sa iyong pag-aaral; sa
reperensiya pakatatandaan lamang na marapat mong bigyang pagkilala
pagkumpleto ng iyong mga itinalagang gawain; at sa pagharap sa mga
ang orihinal na awtor ng iyong mga kinuhang reperensiya.
konsepto o aralin sa paksang ito.
 Sanayin ang sarili sa pagbabasa, siguraduhing ikaw ay maglalaan ng  Humingi ng tulong kung kinakailangan, hindi madali ang iyong
oras sa pagbabasa ng mga materyales na ibinabahagi ng iyong guro, prosesong mapgdadaanan upang mapagtagumpayan ang kursong ito,
bagamat may mga pagkakataon na may mga bahagi kang hindi lubos na hindi masamang magtanong o magpatulong sa mga taong nakapaligid
maunawaan, basahin mong muli ito at lagyan ng tanda nang sa gayo’y sa iyo, nariyan ang iyong pamilya at ang iyong guro. Hanggat maaari
madali mo itong makikita. Suriin at alamin ang kahulugan ang mga kung may nais bigyang linaw, huwag mahihiyang magtanong.
kahulugan ng mga salitang hindi lubos naunawaan nang sa gayo’y
maging sistematiko ang iyong pagbabasa hinggil sa paksa.  Maging handa sa bawat pagkakataon, sa pagsisimula ng isang
bagong aralin ikaw ay nangangailangan na nasa magandang kondisyon,
 Magtala ng mga mahahalagang detalye o paksa, sa bawat talakayan hindi tinatamad, hindi nag-iisip ng iba’t ibang gawain at kailangang
at aralin na iyong napagtatagumpayan, siguraduhin na mayroon kang nakatuon ang iyong isipan sa bawat tunguhin na makikita sa bawat
mga tala sa iyong kwaderno ng mga mahahalagang detalye na marapat aralin. Sapagkat isa sa mga gantimpala na matatamasa mo ay ang
mong matandaan hinggil sa paksang tinalakay. makita mo ang iyong progreso.

 Huwag ipagpaliban ang mga gawain, tiyaking ikaw ay nakasunod sa  Maging positibo, naway ang bawat gawain na nakalathala rito’y maging
bawat petsa na ibinibigay ng iyong guro, huwag hahayaan na matabunan kawili-wili, may mga pagkakataon na ikaw ay makararamdam ng hirap
ang mga dapat na maunang gawain, sundin ang iyong study schedule. ngunit laging isaisip na ang bawat hamon na ating nararanasan ay may
kalakip na tagumpay.

PANG-ISANG LINGGO Eksklusibo lamang sa IETI College of Science and Technology – SENIOR HIGH SCHOOL
GABAY SA PAGSUSULIT
Ang iyong responsibilidad bilang isang mag-aaral ay hindi lamang tumitigil E. Pangongopya (Plagiarism) - pagsipi ng kopya ng ibang may-akda na
sa pagkumpleto ng iyong mga nakatalagang gawain ngunit umuusbong din sa hindi nabigyan ng nararapat na pagkilala.
pagsasagawa nito ang buong katapatan at integridad, sa pamamagitan ng
pagsunod sa mga patnubay sa ibaba: F. Sabotage - kapag pinipigilan ng isang mag-aaral ang iba na
makumpleto ang kanilang gawain
1. HUWAG MANDAYA! Sa kahit na anong paraan o pamamaraan huwag na
huwag mandaya! Ang mga sumusunod ay mga pamamaraan o paraan na
maituturing na pandaraya:
Bilang bahagi ng mga panuntunan at regulasyon ng paaralan ang
bawat paglabag ay may kaukulang parusa na maaaring saklaw ang mga
A. Hindi pagiging matapat sa aspetong akademiko - kasama rito ang
sumusunod:
hindi sinasadyang pagkuha ng mga larawan ng mga sagot at
pagpapadala nito sa isang kaibigan habang ang pagsusulit ay a. Pagbabawas ng puntos sa pagsusulit;
kasalukuyang nagaganap. Maaari ring isama rito ang b. kumperensya ng magulang / tagapag-alaga;
pakikipagtalastasan tungkol sa parehong pagsusulit kasama ang ibang c. serbisyo sa komunidad;
mag-aaral mula sa ibang klase sa magkakaibang oras. d. pagsuspinde;
e. pagpapatalsik sa paaralan.
B. Panlilinlang - pagbibigay ng maling impormasyon sa isang guro
patungkol sa pormal na akademikong pagsasanay, pagbibigay ng hindi Ang iyong kredibilidad bilang isang mag-aaral ay nasa mataas na
ttama at / o hindi tapat na mga dahilan. peligro sa tuwing ikaw ay lumalabag sa mga panuntunan ng paaralan at kahit
na sa tingin mo ito ay kanilang karaniwang ginagawa – piliin mong laging
pumanig sa katotohanan!
C. Pagmamanipula ng impormasyon- may kasamang pagdaraya ng
data, impormasyon o pagsipi sa anumang pormal na pang-akademikong
pagsasanay.

D. Panggagaya (Impersonation)- isang anyo ng pagdaraya kung saan


ang ibang tao ang tumatapos ng mga gawain o kaya’y pagsusulit na
hindi naman niya pagmamay-ari.

PANG-ISANG LINGGO Eksklusibo lamang sa IETI College of Science and Technology – SENIOR HIGH SCHOOL
Mahalaga rin na ang impormasyon ay nakasentro sa mga mambabasa
nito upang maging episyente, madaling maunawaan, marating at
INTRODUKSYON SA makatugon sa kinakailangan nila.
TEKNIKAL NA PAGSULAT
MGA SUSING PATNUBAY SA KOMUNIKASYONG TEKNIKAL SA
ARALIN 2 ANG AWDIYENS BILANG MODERNONG PANAHON
MAMBABASA AT ANG KAHALAGAN
NG KOLABORATIBONG PAGSULAT Interaktibo at Angkop

Pokus sa Mambabasa

Nakabatay sa Kolektibong
Gawain
KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL Biswal

Etikal, Legal, at Politikal na


Katanggap-tanggap
TUNGUHIN
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pandaigdigan at Tawid-Kultural
 Natutukoy ang halaga ng awdiyens bilang mambabasa;
 Naiisa-isa ang mga paraan ng pagtatasa sa profile ng PAGTUKLAS BLG. 1
mambabasa;
Panuto: Magbigay ng genre ng isang sulatin na kung saan ay kinahihiligan
 Naikakategorya ang mga uri ng mambabasa ng
mong basahin, pagnilayan ang kasagutan at talakayin ang mga sumusunod
komuniaksyong teknikaly; at
na katanungan sa ibaba:
 Nagagamit ang pangunahing kaalaman at kaisipan sa
kolaboratibong gawain. 1. Bakit ito ang kinahiligan mong basahin?
2. Ano ang naidudulot nitong kasiyahan sa tuwing binabasa mo ang genre na
ito?
Ipinapaliwanag sa mga susing gabay na ito ang komunikasyong teknikal 3. Paano nagsimula ang hilig mong magbasa ng ganitong uri ng genre?
TUKLASIN
bilang espesyalisadong disiplina. Kailangang may lubos na kasanayan GENRE o KATEGORYANG PINILI: ______________________________
ang mga taong sumusulat ng komunikasyong teknikal upang maintindihan
ng babasa at maisagawa ang pagkilos na inaasahan.
______________________________________________________________
______________________________________________________________

PANG-ISANG LINGGO Eksklusibo lamang sa IETI College of Science and Technology – SENIOR HIGH SCHOOL
______________________________________________________________ 3. Tersiyaryang Mambabasa- sila ang mga maaaring may interes sa
______________________________________________________________ impormasyong matatagpuan sa dokumento. Nagsisilbi rin silang
______________________________________________________________ ebalweytor o interpreter gamit ang iba’t ibang perspektiba.
______________________________________________________________ 4. Gatekeepers- sila ang namamahala sa nilalaman ng dokumento
____________________________________________________________ gayundin sa estilo nito bago pa man ito ipahatid sa primarying
TALAKAYIN mambabasa
PAGSASANAY BLG. 1
ANG AWDIYENS BILANG MAMBABASA AT ANG KAHALAGAHAN NG Panuto: Balikan ang iyong mga pamamaraan ng pagbabasa, suriin kung
KOLABORATIBONG PAGSULAT
anong katangian ng mambabasa ka nabibilang, ilahad ang iyong kasagutan
Ang Awdiyens bilang Mambabasa sa ibaba at bigyang argumento ang iyong kasagutan.
Ang pagkilala at pagtukoy sa iyong awdiyens bilang mga mambabasa ay
isang napakahalagang salik na nararapat mong isaalang-alang sa pagbuo ng
anumang uri ng sulatin.
Bawat babasahin ay may nakatakdang awdiyens. Ito ang pangunahing
tuntuning hindi mo dapat makaligtaan. Dahil ditto, mahalaga ang pag-alam sa
profile ng iyong awdiyens bago ka lumiha ng anumang uri ng komunkiauon. Paano
mo ng aba sila kikilalanin? Narito ang ilang gabay na maaaring pagnilayan:
1. Sino ang magbabasa?
2. Ano ang akialngan nilang impormasyon?
3. Saan nila ito babasahin?
4. Kailan nila ito babasahin?
5. Bakit kailangan nilang basahin ang impormasyon?
6. Paano nila ito babasahin at uunawain?

Apat na Uri ng Mambabasa


1. Primaryang Mambabasa- sila ang mga tuwirang pinatutunguhan ng
iyong mensahe na umaaksiyon o nagbibigay-pasya.
2. Sekondaryang Mambabasa- sila ang mga nagbibigay-payo sa
primarying mambabasa. Karaniwang, ang mga sekondaryang
mamababasa ay mga ekspertong may espesyal na kaalaman upang
matulungan sa pagpapasya ang primarying mambabasa.

PANG-ISANG LINGGO Eksklusibo lamang sa IETI College of Science and Technology – SENIOR HIGH SCHOOL
4. Performing- ang pagbabahaging tunguhin, paghahati-hating Gawain,
pagtugon sa mga tunggalian, at pagkakaiba-iba ng pananaw ng bawat
miyembro.

ANG KOLABORASYON ANIM NA HAKBANG SA FORMING BILANG


MAESTRATEHIYANG PARAAN NG PAGPAPLANO
Susi sa isang matagumpay na proyekto ang pagkakaroon ng kolektibo at
kolaboratibong pagkilos. Ang estratehiyang ito ay matagal nang napatunayang 1. Pagtukoy sa Misyon at Layunin ng Proyekto
mabisa ng napakarami at malalaking kompanya sa daigdig. 2. Pagtukoy sa Kalalabasan ng Proyekto
Ilan sa mga bentahe ng kolaboratibong Gawain ay ang sumusunod: 3. Pagtukoy sa Responsibilidad ng mga Miyembro
Petsa: ika-15 ng Hulyo, 2015
4. Paglikha
Para sa: Lahat ng Iskedyul ng Proyekto
ng Opisyales ng Samahan ng mga Mag-aaral sa
1. Nakasentro sa kalakasan ng bawat miyembro – Napaghahati-hati
5. Pagbuo ng Plano
Filipino (SMF)
nito ang kompleks na Gawain sa pamamagitan ng wastong distribusyon.
6. Pagsang-ayon
Mula Kay: Bb. Kristina sa Pagresolba
de Guzman ng Tunggalian
2. Napalulutang ang pagkamalikhain- nagagawa nitong mabigyang-diin Pangulo, SMF
ang magkakaibang perspektiba ng bawat miyembro na nagpapalakas Kaugnay: Pulong para sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa
sa kaalamang panggrupo. TANGHALIN Agosto 2015
3. Napakalakas ang paniniwalang pansamahan- Sa kasalukuyan, Panuto: Basahin ang memorandum at sagutin ang mga katanungan sa
--------------------------------------------------------------------------------------------
malakas ang impact ng pananaw na shared responsibilities sa alinmang ibaba nito.maalab na pagbati!
Isang
larangan. Sa pamamagitan nito, nagiging kaaya-aya ang daloy ng
Ang lahat ay malugod na inaanyayahang dumalo sa pulong hinggil sa
proyekto.
gagawing pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2015. Ito ay gaganapin sa
APAT NA YUGTO NG KOLABORASYON ika-20 ng Enero sa ganap na ika-1 ng hapon sa Gusali ng Wika.
Tatalakayin sa pulong ang inaasahang mga gawain para sa buong
Kaakibat ng salitang kolaborasyon ay ang pagtatakda ng tunguhin at buwan ng Agosto na lalahukan ng gma administrador, mga guro,
layunin na nais matamo ng isang organisasyon o grupo. Kung kaya, narito ang mga mag-aaral, at ang mga panauhing pangdangal.
pundamental na yugto sa mahusay na kolaborasyon.
Umaasa ako sa inyong positibong pagtugon sa bagay na ito.
1. Forming- ang pagbibigay-buhay sa misyon, pagtatakda ng mga layunin,
pagtukoy sa mga responsibilidad at pagmamapa ng iskedyul. Maraming Salamat!
2. Storming- tumutukoy sa wastong pamamahala ng mga tunggalian,
tensiyon sa pamumuno at pamamahala at pagkadismaya.
3. Norming- pagtasa sa kaisahan ng grupo, sa napagkasunduan,
pagpapakinis ng mga itinakdang lahunin, pagpapatibay ng samahan, at
pagpopokus sa papel na ginagampanan ng bawat miyembro.

PANG-ISANG LINGGO Eksklusibo lamang sa IETI College of Science and Technology – SENIOR HIGH SCHOOL
TAYAIN
MGA KATANUNGAN: Panuto: Punan ang mga patlang ng tamang sagot upang mabuo ang
diwa ng kabuuang talata.
1. Sino ang primarying awdiyens ng memorandum na ito?
Sa pag-aaral ng komunikasyong teknikal, napakahalaga ng
________________________________________________________
ginagampanang papel ng awdiyens bilang mga mambabasa o tagatanggap ng
________________________________________________________
mensahe. Sila ang pangunahin nating isinasaalang-alang lalo’t higit ang
________________________________________________________
komunikasyong teknikal ay isang ispesyalisadong larangan. Ilan sa mga gabay
________________________________________________________
na nararapat nating ikonsidera ay ang sumusunod: (1) Sino ang mambabasa?
________________________________________________________
(2) Ano ang kinakailangan nilang ____________________________? (3) Saan
2. Bakit sila ang ipinatawag ng pangulo ng SMF upang makibahagi sa
nila ito babasahin? (4) Kailan nila ito babasahin? (5) Bakit kailangan nilang
gagawing pulong?
basahin ang impormasyon? At (6) Paano nila ito babasahin at
________________________________________________________
_________________________?
________________________________________________________
Mayroon ding mga uri ang mambabasa. Ang
________________________________________________________
___________________________ ay ang siyang tuwirang pinatutunguhan ng
________________________________________________________
iyong mensahe. Samantalam ang sekondaryang mambabasa ang sinasabi
________________________________________________________
nating eksperto sa larangan na may espesyal na kaalaman gaya ng:
3. Ano-ano ang maitutulong nila sa nasabing pulong?
___________________, ___________________, ____________________,
________________________________________________________
______________, at marami pang iba. Ang ______________________ naman
________________________________________________________
ay ang mga taong maaaring may interes na matatagpuan sa dokumento. Kung
________________________________________________________
minsan, sila rin ay gumaganap bilang ebalweytor.
________________________________________________________
________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, sino ang maaaring maging sekondarya at
tersiyaryang mambabasa ng memorandum na ito?
________________________________________________________
TALASANGGUNIA
Francisco, Christian George C. (2017), Filipino sa Piling Larangan-
________________________________________________________ TechVoc, Rex Book Store, Inc.,Quezon
________________________________________________________ City.
________________________________________________________
________________________________________________________

PANG-ISANG LINGGO Eksklusibo lamang sa IETI College of Science and Technology – SENIOR HIGH SCHOOL

You might also like