You are on page 1of 43

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
SAMUEL CHRISTIAN COLLEGE
Navarro, General Trias City, Cavite

“PERSEPSYON NG MGA GURO AT MGA MAG-AARAL NG

SAMUEL CHRISTIAN COLLEGE SA PAGGAMIT

NG BAYBAYIN BILANG OPISYAL NA MEDYUM NG

PAGTUTURO SA PAARALAN”

IPINASA NINA: ALUINE MARRIONE CASTANEDA

CLEMENTINE LOVE DE LEON

WALTER PALABINO

INIHANDA PARA KAY: BB. RACHEL ANN MALSI

INSTRUKTOR
Kabanata I

INTRODUKSYON

Bago pa man masakop ng mga Espanyol, ang Pilipinas ay mayroon ng sariling sistema ng

pagsulat. Ang Baybayin ay isang sinaunang pre-kolonyal na iskrip na primaryang ginamit ng

mga Tagalog. Ang salitang "Baybayin" ay nagmula sa salitang ugat na "baybay" na ang ibig

sabihin sa Ingles ay "to spell", at isa ito sa maraming bilang ng mga Suyat iskrip na ginamit ng

mga ninuno noon sa araw-araw bilang pamamaraan ng komunikasyon. Ito ay labis na nirerespeto

ng mga manlalakbay na pumupunta sa kanilang isla, na siya ring dahilan kung bakit ito ay inaral

muna ng mga misyonaryong Espanyol upang maipakalat ang Kristiyanismo sa mga lokal bago

sapilitang ipagamit ang Romanong Alpabeto. Sa kabila ng pagpapanatili ng paggamit ng

Baybayin ng mga Tagalog para sa mga gawain tulad ng mga legal na paglilitis, kasulatan at

petisyon, ito ay tuluyan na ngang nakaligtaan sa pagtagal ng panahon matapos ipakilala ng mga

kolonisador ang Alpabetong Kanluranin.

Ngunit dahil sa mga millenials at sa kapangyarihan ng social media, ang Baybayin ay

muling nagbabalik. Nagsimula ito taong 2015 nang ilabas ang mobile app na "Baybayin" sa App

Store, kung saan maaaring palitan ng mga user ang kanilang keyboard sa Baybayin. Ito ay mas

naging bantog pa matapos ipag-utos ng lokal na gobyerno ng Boracay ang paggamit nito para sa

mga signages upang kontrahin ang dumaraming bilang ng mga signages na nakasulat sa Intsik

para sa mga turista sa isla. Ito ay mas napatatag nang ihain ni Pangasinan Representative

Leopoldo Bataoil sa Senado ang Panukalang Batas 1022 o mas kilala bilang "National Writing

System Act", na naglalayung paunlarin, protektahan, panatilihin at pangalagaan ang Baybayin

bilang pambansang sistema ng pagsulat sa Pilipinas, at bilang isa ring instrumento tungo sa

kultural at ekonomikong pag-unlad na siya ring lilikha ng kamalayan, respeto at karangalan sa


kasaysayan at pagkakakilanlan ng bansa. Agad na nakaani ng suporta mula sa Department of

Education, National Commission of Culture and Arts, at advocacy group na "Baybayin,

Buhayin" ang naturang panukalang batas.

Kung tuluyang maipasatupad bilang batas, maraming pagbabago ang kakailanganing

gawin. Maraming netizens din ang hindi sumasang-ayon dito sa kadahilanang ang Baybayin ay

matagal nang patay, at iilan lamang ang mga Pilipinong alam kung paano sumulat at bumasa

gamit ito. Mula sa mga pahayag na iyan, ang konklusyon na ang talagang pumipigil sa malawak

na pagtanggap nito ay ang kakulangan ng kaalaman ng mga tao ay maaaring magawa.

Samakatuwid, maaaring kailanganin ng integrasyon ng naturang sistema ng pagsulat sa

kurikulum ng edukasyon. Kung gayon, ang pagtuturo nga ba ng Baybayin ay maituturing na

isang pangangailangan? Ang paggamit nga ba nito bilang opisyal na medyum ng pagtuturo ay

talagang magiging kapaki-pakinabang?

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang pananaw ng mga guro at estudyante patungkol

sa paggamit ng Baybayin bilang isang opisyal na medium na pangturo sa eskwelahan.

Mga Layunin:

 Upang malaman ang posibleng epekto ng pagpapakilala ng hindi pamilyar na sistema ng

pagsulat sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral at pagganap ng mga guro

 Upang malaman kung bukas ba ang mga guro at mga mag-aaral sa ideya ng pagbabago

ng sistema ng pagsulat sa bansa

 Upang matukoy ang mga salik na nakakaapekto sa pag-apruba o hindi pag-apruba ng

bawat respondente sa panukala ng Baybayin bilang pambansang sistema ng pagsulat


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay magbubukas ng oportunidad upang muling mabisita ang kasaysayan

ng Baybayin na siyang magbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na higit pang magkaroon ng

kaalaman sa nasabing sistema ng pagsulat. Bukod sa pagkatuto, ang muling pagkabuhay ng

Baybayin ay magkakaroon din ng ambag sa kultura at pambansang pagkakakilanlan ng Pilipinas.

Ang mga pangunahing benepisyaryo ng pag-aaral na ito ay ang:

 Mga mag-aaral na may potensyal aralin ang Baybayin kapag naipasatupad ang

Panukalang Batas 1022

 Mga guro na may potensyal magturo ng Baybayin kapag naipasatupad ang Panukalang

Batas 1022

 Mga Pilipino, sa pangkalahatan, na maaapektuhan ng mga pagbabagong dala ng

implementasyon ng Panukalang Batas 1022

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay lilimitahan ang pag-aaral sa mga junior at senior high school na mga

estudyante at mga guro sa Samuel Christian College. Magkakaroon ng limang (5) piling mag-

aaral na junior high school, limang (5) piling mag-aaral na senior high school, at limang (5)

piling guro mula sa Samuel Christian College.


DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Bantog - pamoso , kilala, tanyag , o sikat.

Baybayin - isang sinaunang script ng pre-kolonyal na pangunahin na ginamit ng mga

mamamayang Tagalog. Ang salitang Baybayin ay nagmula sa salitang ugat na "baybay" na

literal na nangangahulugang (to spell).

Integrasyon - pagsasama-sama o paghahalo

Medyum - pamamaraan

Pre-kolonyal - panahon bago dumating mga mananakop


Kabanata II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA

PANUKALANG BATAS 1022

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News (2018), isang panukalang batas na naglalayong ideklara ang

Baybayin, isang pre-Hispanic na sistema ng pagsulat, bilang pambansang sistema ng pagsulat

ang naaprubahan ng House Committee on Basic Education and Culture. Kung maipapasabatas,

ang panukalang batas ay magrerequire ng paggamit ng Baybayin sa: mga sisidlan at tatak ng mga

produktong gawa sa Pilipinas, mga street signs, mga pampublikong gusali, pati na rin sa mga

lokal na diyaryo at pahayagan. Ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Education

at Commission on Higher Education ay aatasan ding magpakalat ng kaalaman tungkol sa

Baybayin sa lahat ng baitang sa mga pampubliko at pribadong paaralan (para. 1).

Ang House Bill 1022 na ini-akda ni Pangasinan Representative Leopoldo Bataoil ay naglalayong

ipatupad ang paglalagay ng Baybayin na salin ng mga salita sa mga sumusunod: signage sa mga

kalye, pampublikong mga pasilidad, mga gusali, mga ospital, himpilan ng pulisya at ng mga

bumbero, community centers, mga bulwagan ng gobyerno, etiketa ng mga lokal na gawang

produktong pagkain, pati na rin sa ulo ng mga pahayagan at iba pang mga publikasyon (Villa,

2018, para. 3-5).

Ayon kay Pantig (2019), "Inaprubahan ng Komite sa Batayang Edukasyon at Kultura ang isang

panukalang batas na inilaan sa pagpapanumbalik at pagtatatag ng Baybayin bilang pambansang

sistema ng pagsulat ng bansa, isang sinaunang tradisyonal na iskrip ng mga katutubo noong

panahon bago pa dumating ang mga Espanyol. Ang House Bill 1022 o ang "National Writing

System Act" na iminungkahi ni Pangasinan 2nd District Representative Leopoldo N. Bataoil ay


naghahangad na mapahusay, mapanatili at maprotektahan ang Baybayin, na agad namang

nakakuha ng suporta mula sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), National Commission for

Culture and Arts (NCCA), at advocacy group na “Baybayin Buhayin” (para. 1-2).

Ipinaliwanag ni Rosero (2018) na ang panukalang batas ay naglalayong “bumuo ng kamalayan

sa kalagayan ng Baybayin at itaguyod ang malawak na pagpapahalaga sa kahalagahan at

kagandahan nito". Ang Baybayin, ayon sa panukalang batas, ay tumutukoy sa "lahat ng umiiral

at natuklasang sinauna at tradisyonal na mga iskrip ng mga katutubong mamamayan ng

Pilipinas" (para. 4). Ayon sa kanya, sa halip na paimbabaw itaguyod ang Baybayin para lamang

sa aesthetic na paggamit, dapat ay mas pagtuunan ng pansin ang pagpapanibagong-sigla ng

nanganganib nang tradisyon ng pagsusulat ng mga katutubo. Ang mga katutubong iskrip tulad ng

Baybayin, unang-una sa lahat, ay dapat paglingkuran ang komunidad na gumagamit at

nagsusulong nito (para. 13).

Ayon kay De Los Santos (2014),”Ang Baybayin Bill ay taon-taong iminumungkahi simula 2011

ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapasabatas. Noong Pebrero 3, 2014, ang CEO ng

Baybayin Buhayin Inc. na si Pastor Jay Enage ay pribadong lumapit sa ilang mga iskolar at

artista ng Baybayin (kasama ako) at inanyayahan sila / kami na ibahagi ang aming mga input,

opinyon, at mga pagbabago (kung alinman) para sa bill bago nila ito muling ilagay sa mesa para

sa muling konsiderasyon. Pagkatapos ng pagkonsulta sa aming mga kasamahan, agad namang

naisaalang-alang ang unang draft ng mga susog at pagbabago na aming nagawa” (p. 55 ).

Ipinahayag ni Madarang (2018) na "sa sandaling maisabatas ang batas sa Baybayin, inaasahan na

ito’y magdudulot ng mga logistik na hamon na kakailanganin ng pondo. Ang mga ahensya ng

gobyerno ay kakailanganing muling mag-print, magdisenyo, at bumuo ng mga communications

materials mula sa mga architectural structures hanggang sa mga office stationery" (para. 11 ).
Iniulat ng Manila Times (2018) na ang panukalang batas ay mangangailangan ng paglalagay ng

Baybayin na salin sa tatak ng mga produktong pagkain, sa mga signages at mga pangalan ng

kalye, pati na rin sa mga diyaryo at mga magasin. (para 13).

MGA PANANAW SA BAYBAYIN

Labis-labis na ang pagtatatag ng isang sinaunang iskrip bilang pambansang sistema ng pagsulat

ng isang bansa. Tulad ng nakasaad sa isang artikulo na pinamagatang "The Philippines Wants to

Go Back to a Prehistoric Writing System" (2018):

Ang isang bansa ay nangangailangan ng isang sistema ng pagsulat na nauunawaan ng lahat.

Taglay ng Pilipinas ang adbentahe na iyan mula sa ibang kalapit nitong mga bansa sa

kadahilanang ang kasalukuyang sistema ng pagsulat nito ay nakabatay sa Latin iskrip, na

ginagawa itong katugma ng sa mga kanluraning bansa. Ang pag-aaral isulat ang alpabeto sa

iba’t-ibang wikang Filipino ay hindi gaano nalalayo sa pag-aaral magsulat sa wikang Ingles. Ang

pagbabago ng mga signage at tatak ng mga produkto ay parehong magastos. At, siyempre, ang

pagtuturo ng isang sistema ng pagsulat na ganap na dayuhan sa mga bata, kanilang mga

magulang, at kanilang mga guro ay hindi rin magiging mura. Mangangailangan ito ng

napakalaking halaga ng pera, oras at pagsisikap. Ang Kongreso ng Pilipinas ay hindi talaga kilala

sa pagpapakilala ng magagandang reporma sa pangunahing edukasyon sa Pilipinas. Sa bagong

panukalang batas na ito, muling ipinapakita kung gaano ka-out of touch ang mga kinatawan ng

ugnay. Malinaw naman na mayroong mas mahahalagang mga isyu na dapat talakayin ng mga

mambabatas ngunit mas pinipili nilang ibalik ang sistema ng edukasyon ng bansa sa sinaunang

panahon (para. 5).

Ayon kay Acosta (2018), "Inaprubahan ng House Committee on Basic Education and Culture
ang isang panukala na naglalayong gawing pambansang sistema ng pagsulat ang Baybayin para

sa bansa. Mangangailangan ito ng pagsasalin ng Baybayin para sa: mga palatandaan sa kalye;

mga pangalan ng mga pampublikong pasilidad tulad ng mga gusali, ospital, bumbero at mga

istasyon ng pulisya, mga bulwagan ng gobyerno, atbp; mga etiketa ng produkto ng pagkain; at

mga masthead ng mga pahayagan sa sandaling ipataw ang panukala. Ang mga naging sagot at

reaksyon dito ay halo-halo. Karamihan ay sumang-ayon, ngunit marami rin ang nanatiling

maingat. Dahil dito, nararapat lamang na suriin at kilatisin ang Baybayin. "Pinaniniwalaan na

ang pagpapalit sa Baybayin ng Alpabetong Romano ay naging sanhi ng pagkawala ng isang

mahalagang aspeto ng panitikang katutubo," sabi ni Dr. Lilia Quindoza-Santiago ng University

of the Philippines Diliman sa kanyang artikulong "Early Philippine Literature" sa NCCA

website. Ang ilan sa mga malakas na pagtutol sa panukalang batas ay ang magiging isang

aesthetic na pagbabago lamang ito; dapat itong ituro muna sa mga paaralan bago gamitin bilang

isang pambansang sistema ng pagsulat; at kailangan munang turuan ang mga bata nang higit pa

tungkol sa wikang Filipino. Ang isa pa ay huli na para sa atin na magkaroon ng sariling

pambansang sistema ng pagsulat, ang pagpapalit ng ating sistema ng pagsulat ng Baybayin ay

may makabuluhang implikasyon para sa kulturang Pilipino. Ayon nga sa pilosopo na si Martin

Heidegger, "Language is the house of being," (1947, para. 1), na nangangahulugan ang paraan

kung paano natin nararanasan ang mundong ito ay sa pamamagitan ng wikang ginagamit natin.

Kahit na ang ating wika at kultura ay tila nakalayo na mula sa Baybayin, hindi pa naman huli

upang ibalik ito. Tayo pa rin naman ay isang batang bansa.”(para. 1, 5, 7, 9, 11).

Isinulat ni Villa (2018) sa isang artikulo na nagkaroon ng isang kasunduan sa kabila ng

magkakaibang opinyon ng mga Pilipino na ipinahayag sa Facebook at Twitter: Ang Baybayin ay

dapat munang ipakilala sa sistema ng edukasyon bago hilingin ang malawakang paggamit nito.

Ang kakulangan ng mga guro na may sapat na kaalaman sa wika na maaaring mag-ambag sa
kahirapan ng pagtuturo nito ay binanggit din ng mga netizen. Ang katotohanan na ang mga guro

ay hindi kinonsulta tungkol sa panukala ay inireklamo rin ng ilan (para. 4-7).

Karagdagan pa, ang pagkabalisa ay ipinakita rin ng mga komentarista sa katotohanan na sa halip

na tugunan ang mas kagyat na mga alalahanin tulad ng kamakailang ipinatupad na K-12 na

sistema ng paaralan, ang mga mambabatas ay tumitingin sa mga bagay katulad nito. Ang

pagiging isang pag-aaksaya lamang ng oras at pera ng hakbang na ito, pati na rin ang mungkahi

na ang sinaunang wika ay hindi naman na ginagamit, ay itinuro din ng iba (para. 11-12).

Ang masiglang pagganap ng Baybayin ay isa pang isyu na dapat isaalang-alang sa talakayan ng

pagpapatupad nito bilang isang pambansang sistema ng pagsulat. Ayon kay Rosero (2018): sa

kasalukuyan, ang Tagalog na Baybayin ay walang laganap na kontemporaryong paggamit. Hindi

tulad ng mga wikang Silangang Asya tulad ng Korean, Japanese, at Chinese, ang Baybayin ay

hindi na ginagamit ng pamayanan kung saan ito nauugnay. Nagsisilbi lamang itong isang uri ng

ornamental font na ginagamit ng iba't-ibang mga government at non-government na

organisasyon o bilang logo ng mga komersyal na negosyo. Sa digital domain, inaalala ito ng mga

Pilipino sa pamamagitan ng mga font, tattoo at iba pang mga "paraphernalia of interest". Sa mga

paaralan naman, ito ay hindi naman talaga tinuturo sa mga bata. Hindi tinukoy ng panukalang

batas kung paano dapat isama ang Baybayin sa elementarya at sekondaryang kurikulum. Dapat

tukuyin ng panukalang batas kung paano maisasama ang Baybayin at iba pang mga katutubong

iskrip sa umiiral na mga programa ng Kagawaran ng Edukasyon, tulad ng Indigenous Peoples

Education (IPEd) at Mother Tongue-based Multilingual Education (MTBMLE) program (para.

8-9).

Sinabi ni Marikit (2018) na, "Dapat ipakilala muna ito ng gobyerno sa banayad na paraan, tulad

ng sa mga palatandaan at mga etiketa na kasama ang Romanized na kahulugan nito upang
maintindihan. Dapat din itong ipakilala sa paaralan nang maaga, simula kindergarten, habang

ang mga bata ay natututo pa lamang magbasa at magsulat, upang ang susunod na henerasyon ay

madali itong madala. Ang pag-expose sa mga tao sa Baybayin sa araw-araw ay magiging sanhi

ng pagkakaroon nila ng interes dito, at sa paglipas ng panahon ay magiging handa na rin sila na

matutunan ito" (para. 2) .

Isinaad ni Bataoil na isa sa mga layunin ng kanyang panukalang batas ay upang maitaguyod ang

pagiging makabayan. Ngunit ang paggamit nga ba ng mga etnikong alpabeto at iskrip na

binabasa at sinusulat sa iba't-ibang paraan ay magiging sanhi upang higit pa tayong maging

makabayan? ("Buy or bye for Baybayin?", 2019, para. 5).

Ipinahayag ni Miele (2017) na, "Hindi ko sinasabi na dapat itong ituro. Ang sinasabi ko ay dapat

itong maging opsyon o ituro bilang bahagi ng mas malawak na kurikulum sa kasaysayan" (para

10).

KASAYSAYAN NG BAYBAYIN

Ayon sa isang artikulo na isinulat ni Madarang (2018), ang Baybayin ay ginamit ng mga

Espanyol na prayle upang ipakilala ang Katolisismo sa mga Pilipino. Pinaniniwalaang nagmula

ito sa mga sinaunang iskrip ng India tulad ng Tagbanua sa Palawan at ng Hanunoo-Mangyan sa

Mindoro, katulad sa iba pang mga sistema ng pagsulat sa Pilipinas. Ang paggamit ng Baybayin

ay unti-unting naglaho matapos kalaunang ituro ng mga Espanyol ang wikang Espanyol at

alpabetong Latin (tulad ng nabanggit sa Pedrigal, 2019, p. 17).

Ayon kay Pedrigal (2019), "Ang pag-aaral at pag-unawa sa kasaysayan ng Baybayin, ay isang

mahalagang bahagi ng pag-aaral ng Baybayin mismo. Ang kaalaman na mayroon pa ring mga
form ng Baybayin ngayon ay patunay na ang estilo ng pagsulat ay maaari pa ring magamit sa

modernong panahon. Gayunpaman, maraming rehiyon sa Pilipinas, kung kaya’t may iba't ibang

anyo ng Baybayin, tulad ng Tagbanua at ng Hanunoo-Mangyan. Iyan ang magsisilbing

disadbentahe ng paggamit ng Baybayin bilang isang pambansang sistema ng pagsulat, dahil ang

pag-iisa ng mga rehiyonal na anyo ng Baybayin ay tiyak na magiging mahirap na gawain para sa

bansa” (p. 17)

SINTESIS

Tulad ng nakasaad sa mga kaugnay na pag-aaral, ang Baybayin ay isang sistema ng pagsulat

mula pa noong pre-kolonyal na panahon, na kalaunan ay kumupas sa kasaysayan pagkatapos ng

pagpapakilala ng wikang Espanyol at alpabetong Latin. Ito ay muling nabuhay matapos ang

pagpapasa ng mga panukalang batas na nagmumungkahi ng pagpapanumbalik nito sa Senado,

kasama ang pinakahuling ini-akda ni Rep. Leonardo Bataoil. Ang House Bill 1022 o ang

"National Writing System Act", ay may pangunahing hangarin na ibalik at maitaguyod ang

Baybayin bilang pambansang sistema ng pagsulat ng bansa. Kung pumasa bilang batas, ang

panukalang batas ay magpapatupad ng paggamit ng Baybayin sa: mga tatak ng mga produktong

pagkain na ginawa sa Pilipinas, mga palatandaan sa kalsada, mga pangalan ng mga

pampublikong pasilidad tulad ng mga gusali, ospital, at mga istasyon ng pulisya, mga bulwagan

ng gobyerno, at mga lokal na pahayagan at magasin. Ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng

Kagawaran ng Edukasyon at Komisyon sa Mataas na Edukasyon ay magkakaroon din ng

responsibilidad na mamahagi ng kaalaman tungkol sa iskrip na Baybayin sa lahat ng antas ng

edukasyon, kapwa pampubliko at pribado. Sa kabila ng pagkakaroon ng walang ibang hangarin

kundi buhayin ang isang hiyas sa kultura sa kasaysayan ng bansa at isang bahagi ng pambansang
pagkakakilanlan, ito ay patuloy na humaharap sa kontrobersya dahil sa sa iba't-ibang opinyon ng

mga mamamayang Pilipino sa pagpapatupad nito, tulad na lamang ng: kung paano ito

makakaapekto sa kasalukuyang kurikulum ng edukasyon (lalo na’t mayroong kakulangan sa

kaalaman sa wika hindi lamang ang mga mag-aaral, kundi pati na rin ang mga guro), kung

epektibo nga ba ito at may ambag sa aspeto ng pagiging makabayan, ang potensyal nito na

maging isang aesthetic na pagbabago lamang, at iba pang mga kadahilanan na nangangailangan

ng pagsasaalang-alang sa nasabing talakayan.

BALANGKAS KONSEPTWAL

INPUT PROCESS OUTPUT

- Mga adbentahe at
- Persepsyon - Interview
disadentahe ng
- Baybayin Bill questionnaires
Baybayin bilang
- Kasaysayan
pambansang
 Checklist
sistema ng pagsulat

Tinipon ng mga mananaliksik ang mga persepsyon ng mga respondente ukol sa: Baybayin bilang

pambansang sistema ng pagsulat, Panukalang Batas sa Baybayin, at kasaysayan ng Baybayin na

magsisilbing input sa pamamagitan ng proseso ng paggamit ng interview questionnaires. Ang

mga adbentahe at disadbentahe ng paggamit ng Baybayin bilang sistema ng pagsulat na

makukuha mula sa kanilang mga kasagutan ang magsisilbing output.

Kabanata III
DISENYO NG PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibo na disenyo para sa pag-aaral na ito,

isang pamamaraan ng pananaliksik na nakatuon sa paglalarawan at pagpapaliwanag ng iba't

ibang mga pag-uugali, opinyon at kilos ng tao sa isang tiyak na paksa, at ang mga dahilan na

gumagabay rito. Ito ay nakatuon sa pagkuha ng mga katangian at datos na di-nabibilang sa halip

na mga datos na numerical, ayon kay McLeod (2019). Ito ay isang basic research na

naglalayong mapalawak ang umiiral nang kaalaman sa mga pananaw ng mga guro at mga mag-

aaral ng junior at senior high school sa Baybayin bilang isang medyum ng pagtuturo. Ang pag-

aaral na ito ay isang penomenolohikal na klase ng pananaliksik, kung saan ang pagkakapareho

ng isang karanasan sa loob ng isang partikular na pangkat ay nagsisilbing pokus ng pag-aaral at

kaalaman sa napiling paksa ay taglay ng mga indibidwal na nakapanayam (Kamara, 2013).

PINAGKUHAAN NG DATOS

Ang mga mananaliksik ay kumuha ng datos mula sa secondary sources tulad ng mga PDF,

mga artikulo sa internet, at mga naunang pananaliksik. Ang primary data naman ay natipon sa

pamamagitan ng pagbibigay ng mga interview questionnaire sa mga respondente.

INSTRUMENTO SA PANANALIKSIK
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng interview questionnaire, isang form na binubuo ng

isang serye ng mga katanungan tungkol sa paksa, upang kunin ang kinakailangang datos mula sa

mga napiling respondente.

TEKNIK SA PAGPILI NG MGA RESPONDENTE

Ang purposeful random sampling ay ginamit ng mga mananaliksik, isang teknik kung

saan, ayon kay Cohen (2006), ang isang populasyon ng interes ay tinukoy at may sistematikong

paraan ng pagdaragdag ng kredibilidad sa isang sample.

DATOS NA TITIPUNIN

1. Sosyo-demograpikong propayl
Mga Mag-aaral Mga Guro

Name (optional): Name (optional):


Age: Graduated Course:
Sex: Specialization:
Grade Level: Grade Level/s Handling:
Section: Years of Teaching:
Strand (for SHS only):

2. Bilang mag-aaral / guro, sa tingin mo ba ay dapat gamitin ang Baybayin bilang medyum ng

pagtuturo sa paaralan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

3. Ikaw ba ay bukas sa ideya ng pagbabago ng ating pambansang sistema ng pagsulat sa

Baybayin? Bakit o bakit hindi?

4. Ano ang mga bagay na iyong binigyan ng konsiderasyon kaugnay ang iyong pagsang-ayon /

hindi pagsang-ayon?

PAMAMARAAN NG PAGKUHA NG DATOS

1. Bumuo ng balangkas ng talatanungan.

2. Beripikahin ang talatanungan.

3. Humanap ng mga respondente.

4. Interpretahin ang datos na nakolekta.

5. Bumuo ng buod mula sa nainterpretang datos.

Kabanata IV

Resulta at Diskusyon
Talahanayan 1: Mga Respondente

Mayroong kabuuan ng (15) na respondente sa pag-aaral na ito, (10) mag-aaral at (5) guro. Para

sa mga mag-aaral: Participant A ay isang 13 taong-gulang na baabeng mag-aaral ng junior high

school mula 8-Onyx, habang ang Participant B ay isang 14 taong gulang na lalaking junior high

school student mula 9-Bethany. Ang Participant C ay isang 15 taong-gulang na lalaking junior

high school na mag-aaral mula 9-Bethany, ang Participant D ay isang 16 taong-gulang na

babaeng junior high school na mag-aaral mula sa 10-Silvanus, kasunod ng Participant E na isang

16 taong gulang na lalaking junior high mag-aaral ng paaralan mula sa 10-Onesimus. Sa

kabilang banda, ang Participant F ay isang 16 taong-gulang na babaeng mag-aaral ng STEM

mula sa 11-Sycamore, ang Participant G ay isang 17 taong-gulang na lalaking mag-aaral sa

HUMSS 11-Poplar, at ang Participant H ay isang 17 taong-gulang na lalaki na mag-aaral sa ICT

11-Tamarix, na sinundan ng Participant I na isang 17 taong-gulang na babaeng mag-aaral na

ABM mula 12-Moriah, at ang huling Participant J, isang 17 taong-gulang na lalaki na mag-aaral

ng STEM mula 12-Hermon.

PARTICIPANT DESKRIPSYON

(ESTUDYANTE)

A 13 taong-gulang na babaeng mag-aaral sa


junior high school mula sa 8-Onyx

B 14 taong-gulang na lalaking mag-aaral sa

junior high school mula sa 9-Bethany

C 16 taong-gulang na lalaking mag-aaral sa

junior high school mula sa 9-Bethany

D 16 taong-gulang na babaeng mag-aaral sa

junior high school mula sa 10-Silvanus

E 16 taong-gulang na lalaking mag-aaral sa

junior high school mula sa 10-Onesimus

F 16 taong-gulang na babaeng mag-aaral

mula sa STEM 11-Sycamore

G 17 taong-gulang na lalaking mag-aaral

mula sa HUMSS 11-Poplar

H 17 taong-gulang na lalaking mag-aaral

mula sa ICT 11-Tamarix

I 17 taong-gulang na babaeng mag-aaral

mula sa ABM 12-Moriah

J 17 taong-gulang na lalaking mag-aaral

mula sa STEM 12-Hermon

Para sa mga guro: Ang Participant A ay nagtapos ng BSE Major sa Biological Sciences na

dalubhasa sa Science at humahawak ng grade 7, 8, STEM 11 at STEM 12 na mga mag-aaral na

may 3 taong karanasan sa pagtuturo, ang Participant B ay nagtapos ng BS Electrical Engineering

na dalubhasa sa pisika at humahawak ng mga mag-aaral sa grade 12 na may 5 taong karanasan sa

pagtuturo, ang Participant C ay fresh graduate ng BSE Major sa Biological Sciences na


dalubhasa sa Bio-Science at humahawak sa mga mag-aaral sa grade 11, ang kalahok D ay isang

nagtapos ng BSE Major sa Ingles na dalubhasa sa Ingles at humahawak sa mga mag-aaral ng

grade 11 na may 1 taong karanasan sa pagtuturo, at panghuli ang Participant E na nagtapos ng

BSE Major sa Ingles na dalubhasa sa Ingles at humahawak ng mga mag-aaral ng grade 11 at 12

na may 2 taong karanasan sa pagtuturo.

PARTICIPANT DESKRIPSYON

(GURO)

A Nagtapos ng BSE Major sa Biological

Sciences na dalubhasa sa Science at

humahawak ng grade 7, 8, STEM 11 at

STEM 12 mga mag-aaral na may 3 taong

karanasan sa pagtuturo

B Nagtapos ng BS Electrical Engineering

na dalubhasa sa Physics at humahawak sa

mga mag-aaral sa grade 12 na may 5

taong karanasan sa pagtuturo

C Fresh graduate ng BSE Major sa

Biological Sciences na dalubhasa sa Bio-

Science at humahawak sa mga grade 11

na mag-aaral

D Nagtapos ng BSE Major sa Ingles na

dalubhasa sa Ingles at humahawak sa

mga grade 11 na mag-aaral na may 1


taong karanasan sa pagtuturo

E Nagtapos ng BSE Major sa Ingles na

dalubhasa sa Ingles at humahawak

grade 11 at 12 mga mag-aaral na may 2

taong karanasan sa pagtuturo

Sosyo-demograpikong Propayl ng mga Estudyante

Edad Ipinapakita ng Talahanayan 1 ang dalas at porsyento ng mga respondente ayon sa

kanilang edad. Batay sa talahanayan, ang nakararami sa mga sumasagot sa pag-aaral na ito ay

mula 15-16 taong gulang at 17-18 taong gulang na kapwa naka kuha ng 40 porsiyento ng

kabuuan ng sumasagot, at pagkatapos ay sinusundan ng edad 13-14 taong gulang na bumubuo ng

20 porsiyento ng kabuuang respondente.

Talahanayan 1 Pamamahagi ng mga respondente ayon sa kanilang edad

EDAD KADALASAN PORSIYENTO


13-14 2 20%

15-16 4 40%
17-18 4 40%

KABUUAN 10 100%

Kasarian Ipinapakita ng talahanayan 2 ang dalas at porsyento ng mga respondente ayon sa

kanilang kasarian. Batay sa talahanayan, ang mga sumasagot sa pag-aaral na ito ay binubuo ng

pantay na bilang ng lalaki at babae na kapwa may kabuuang 50 porsyento mula sa (10)

respondente.

Talahanayan 2 Pamamahagi ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian

KASARIAN KADALASAN PORSIYENTO


Babae 5 50%

Lalaki 5 50%

KABUUAN 10 100%

Baitang Ipinapakita ng Talahanayan 3 ang dalas at porsyento ng mga respondente ayon sa

kanilang baitang. Batay sa talahanayan, ang karamihan sa mga sumagot sa pag-aaral na ito ay

mga mag-aaral mula sa grade 11 na bumubuo ng 30 porsyento ng kabuuang porsyento ng mga

sumagot, at sinusundan ng grade 9, 10 at 12 na nga mag-aaral na may 20 porsiyento, at huli ang

grade 8 na mag-aaral na bumubuo ng 10 porsyento.

Talahanayan 3 Pamamahagi ng mga respondente ayon sa kanilang baitang


BAITANG KADALASAN PORSIYENTO
Grade 8 1 10%

Grade 9 2 20%

Grade 10 2 20%

Grade 11 3 30%

Grade 12 2 20%

KABUUAN 10 100%

Seksyon Ipinapakita ng Talahanayan 4 ang dalas at porsyento ng mga respondente ayon sa

kanilang seksyon. Batay sa talahanayan, ang karahiman sa mga sumagot sa pag-aaral na ito ay

mula sa Bethany na may 20 porsyento ng kabuuan na sumasagot, at sinusundan ng Onyx,

Silvanus, Onesimus, Sycamore, Poplar, Tamarix, Moriah at Hermon na pare-parehong bumubuo

ng 10 porsyento.

Talahanayan 4 Pamamahagi ng mga respondente ayon sa kanilang seksyon

SEKSYON KADALASAN PORSIYENTO

Onyx 1 10%

Bethany 2 20%

Silvanus 1 10%

Onesimus 1 10%

Sycamore 1 10%
Poplar 1 10%

Tamarix 1 10%

Moriah 1 10%

Hermon 1 10%

KABUUAN 10 100%

Strand Ipinapakita ng Talahanayan 5 ang dalas at porsyento ng mga respondente na senior

high school ayon sa kanilang strand. Batay sa talahanayan, ang karamihan sa mga sumasagot sa

pag-aaral na ito ay mula sa STEM na may 40 porsyento na kabuuhan na sumasagot, at

pagkatapos ay sinusundan ng ICT, ABM at HUMSS na pare-parehong bumubuo ng 20

porsiyento ng kabuuan.

Talahanayan 4 Pamamahagi ng mga respondente ayon sa kanilang strand

STRAND KADALASAN PORSIYENTO


STEM 2 40%

ICT 1 20%

ABM 1 20%

HUMSS 1 20%

KABUUAN 5 100%
Sosyo-demograpikong Propayl ng mga Guro

Natapos na Kurso Ipinapakita ng Talahanayan 1 ang dalas at pamamahagi ng porsyento ng

mga respondente ayon sa kanilang kurso na tinapos. Batay sa talahanayan, ang karamihan sa mga

sumagot sa pag-aaral na ito ay mga nagtapos ng Bachelor of Secondary Education Major sa

Ingles at sa Biological Science na kapwa may 40 porsiyento ng kabuuang respondente, at

pagkatapos ay sinundan ng isang nagtapos ng Bachelor of Science in Electrical Engineering na

bumubuo ng 20 porsiyento ng kabuuang respondente.

Talahanayan 4 Pamamahagi ng mga respondente ayon sa kanilang natapos na kurso

NATAPOS NA KADALASAN PORSIYENTO

KURSO
BSE Major in Biological 2 40%
Sciences

BS Electrical Engineering 1 20%


BSE Major in English 2 40%
KABUUAN 5 100%
Specialization Ipinapakita ng talahanayan 2 ang dalas at porsyento ng mga respondente

ayon sa kanilang specialization. Batay sa talahanayan, ang karamihan sa mga sumagot sa pag-

aaral na ito ay dalubhasa sa Ingles at sa Biology, kapwa bumubuo ng 40 porsyento ng kabuuan

ng mga sumagot, at pagkatapos ay sinusundan ng isang dalubhasa sa Pisika na bumubuo ng 20

porsiyento ng kabuuan.

Talahanayan 4 Pamamahagi ng mga respondente ayon sa kanilang specialization

SPECIALIZATION KADALASAN PORSIYENTO


Biology 2 40%
Physics 1 20%
English 2 40%
KABUUAN 5 100%

Baitang na Hawak Ipinapakita ng Talahanayan 3 ang dalas at pamamahagi ng porsyento ng

mga respondente ayon sa kanilang baitang na pinangangasiwaan. Batay sa talahanayan, ang

karamihan sa mga respondente na guro sa pag-aaral na ito ay humahawak sa mga mag-aaral ng

grade 11 na may 44.44... porsyento ng kabuuan ng mga sumagot, at sinusundan ng grade 12 na

may 33.33... porsyento, at parehong grade 7 at grade 8 na pantay na bumubuo ng 11.11...

porsyento ng kabuuang respondente.

Talahanayan 4 Pamamahagi ng mga respondente ayon sa kanilang baitang na hawak

BAITANG NA KADALASAN PORSIYENTO


HAWAK
Grade 7 1 11.11…%
Grade 8 1 11.11…%
Grade 11 4 44.44...%
Grade 12 3 33.33…%
KABUUAN 9 100%

Years of Teaching Ipinapakita ng Talahanayan 4 ang dalas at pamamahagi ng porsyento ng

mga respondente ayon sa kanilang tagal ng pagtuturo. Batay sa talahanayan, ang karamihan sa

mga sumasagot sa pag-aaral na ito ay nagtuturo 0-1 taon nang nagtuturo pati na rin sa 2-3 taon

nang nagtuturo na kapwa may 40% porsyento ng kabuuan ng mga sumagott, at sinusundan ng 4-

5 na taon ng karanasan sa pagtuturo na bumubuo ng 20% porsyento ng kabuuang respondente.

Talahanayan 4 Pamamahagi ng mga respondente ayon sa kanilang tagal ng pagtuturo

TAGAL NG KADALASAN PORSIYENTO

PAGTUTURO
0-1 years 2 40%
2-3 years 2 40%
4-5 years 1 20%
KABUUAN 5 100%

Table 5 Upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng Baybayin bilang

medyum ng pagtuturo at kung sa tingin ba nila ay makakaapekto ito sa kanilang akademikong

pagganap

PARTICIPANT PAHAYAG
A “Hindi po, dahil ang ibang estudyante ay

hindi pamilyar sa Baybayin.”

“Hindi ito makakaapekto dahil hindi

natin ginagamit ang Baybayin sa panahon

ngayon.”

B “For me, yes because it would make our

culture be graceful and be use more

often.”

“For me, it will not affect that bad, for me

it will help me recognize my culture

more.”

C “No, because it will be an additional

headache for us students.”

“It might pull down our grades and make

us sad.”

'D “It can be used as instruction but I think it


will be hard at first and it shows our love

for our own.”

“It will be hard for me and also for other

people because it is an adjustment.”

E “No, it will give a big adjustment to

everyone.”

“Since Baybayin is very sensitive (from

translating and even in writing) there will

be a confusion especially in answering

questions.”

F “Yes. Dapat naman talaga na ginagawang

medium yun sa school kahit dati pa

sapagkat sariling atin yon. Tinatangkilik

dapat natin yung mga bagay na

nagpasimula sa bansa natin tulad nga

nitong paggamit ng Baybayin.”

“Kung bago lang na ipapatupad man ito,

mahihirapan mag-adjust ang mga tao lalo

na ang mga estudyante sapagkat di naman

lahat magaling sa pagbabaybay ng mga

salita tulad ng mga English words na

walang katumbas na Tagalog words.”

G “I believe that Baybayin should be used

as a medium of instruction in the Filipino


subject since it is a part of our history,

and Baybayin is specifically made for

Tagalog–the dialect which served as a

basis for the Filipino language.”

“It would not have a direct effect on my

academic performance, may it be positive

or negative.”

H “Yes. Because if we use this, things

might be different. Using this will

represent as a respect to our culture.

Using our own language might help our

country to prosper.”

“Students are not aware of this, and if this

will be suddenly implemented, the

student might get confused that results to

poor academic performance.”

I “Yes, but first start slowly. An extra

Baybayin subject can be added first, and

eventually, use Baybayin for Filipino

subject.”

“It would affect my academic

performance a bit poorly as I have to

fully adjust to a new style of reading and


writing.”

J “No, because in our school we have

different religion and belief, so that it is

not necessary to be a medium instead it is

acceptable to be part of the subject to

practice Baybayin, in other words, we

have many languages for example the

Muslims has its own language and its

own words (writings).”

“It might affect my academic

performance because hindi ko nakagisnan

ang Baybayin because we use English

and Filipino in daily communication and

writing.”

Table 6 Upang malaman ang pananaw ng mga guro sa paggamit ng Baybayin bilang medyum

ng pagtuturo at kung sa tingin ba nila ay makakaapekto ito sa kanilang pagganap

PARTICIPANT PAHAYAG
A “Not yet, I believe our educational system

is not yet ready for uniform medium in

discussion. It will be more effective to

use the "mother tongue" ex. Luzon -


Tagalog, Visayas - Bisaya, etc.”

“Using a medium that I am not familiar

with will directly affect my teaching

performance. Language is the bridge for

learning. Miscommunication will have

significant decrease in teacher-student

performance.”

B “It will depend on the subject. Physics is

not effective if Baybayin will be used.”

“It would largely affect my teaching

performance.”

C “No, even though we must patronize our

own language, we cannot use Baybayin

as the medium of instruction because,

first: we must undergo trainings to master

Baybayin; secondly, you cannot use

Baybayin in speaking.”

“Since I'm not in favor, it would be much

easier to communicate using the language

we used to have.”

D “In current generation, I think it can be

taught in specific subject but cannot be

used as medium of instruction because

the language we must use is based on the


generation we are living.”

“Since Baybayin had been part of the

past, it can greatly affect the present

because it has complicated structure and

cannot be used easily. If I'm going to use

it in teaching/discussion, my students will

have a hard time in comprehending my

thoughts.”

E “No. We are now moving in a globalized

world and somehow the use of Baybayin

as a medium of instruction would hinder

our progress in this aspect.”

“As an English teacher, it would make it

difficult for me to develop English

literary skills among my students since

English uses Roman Alphabet. The two

alphabets are contradicting.”

Table 7 Upang malaman kung bukas ba ang mga mag-aaral sa ideya ng pagbabago ng sistema

ng pagsulat sa bansa

PARTICIPANT PAHAYAG
A “No dahil mas mahihirapan ang mga
estudyante ngayon dahil hindi sila

pamilyar sa baybayin.”

B “It takes a lot of time to change it , but for

me I would not, because we are now

familiar to the alphabet.”

C “No, because it will be too expensive to

change the text in everything .”

D “Yes because it is our own medium back

then but it must be taught well for us to

adapt faster.”

E “I am not open to this idea . Like what I

said on first question it will just give us

big adjustments.”

F “Yes, open naman ako sa idea na yan as

long as mabibigyan ng sapat na oras, taon

para makapag-adjust ang mga tao

sapagkat iba ito sa mga nakasanayan ng

mga Pilipino.”

G “No since there are many words that we

use that cannot be written in Baybayin

and words that cannot be directly

translated to Filipino.”

H “Yes of course, if we use our own writing

system, our system in our country might

prosper and be independent on its own.”


I “Yes, as it would show our culture more.

It would give a clearer sense of identity

for us Filipinos.”

J “No, because it is a big adjustment to us

in the writing system, instead of changing

the country's national writing, we should

preserve it to the tribes to have their own

writing system.”

Table 8 Upang malaman kung bukas ba ang mga guro sa ideya ng pagbabago ng sistema ng

pagsulat sa bansa

PARTICIPANT PAHAYAG
A “Agree! I believe as a country, we are

lacking with personal identity. Starting

with our roots will result to more

nationalism and appreciation of our roots

and culture.”

B “As of now, we're not yet ready. It will

direct confusion.”

C “Since it is just an idea, why not? It

would be meaningful if we can maintain

our original writing system.”

D “Not really, because we will have a hard


time accepting and utilizing the

Baybayin.”

E “Yes, because it would preserve our

culture and identity as Filipinos.

However, studies should be done first,

and appropriate implementation should

be applied.”

Table 9 Upang matukoy ang mga salik na nakakaapekto sa pag-apruba o hindi pag-apruba ng

bawat respondente sa panukala ng Baybayin bilang pambansang sistema ng pagsulat

PARTICIPANT PAHAYAG

(ESTUDYANTE)

A “Ang mga tao ay mas madadalian sa

ginagamit natin ngayon.”

B “Well, some are not familiar about

Baybayin, because of only few Filipinos

know Baybayin.”

C “I can’t approve it because it can be too

much of a burden, if our country is rich, I

might approve it.”

D “It is our own and because other

countries use their own writing system so


why don't we use ours too.”

E “Someones’ ability to adapt specifically

in changing national writing system into

Baybayin.”

F “Yung sa approval, tulad ng sinabi ko

kanina ay matatangkilik natin ang

produkto natin, mapapakita natin yung

pagsuporta at may bago na naman na

matutunan ang mga mamayanan. Sa side

naman ng disapproval ay matatagalan

mag-adjust ang mga tao sa pagpapalit ng

national writing system ng bansa.”

G “The current vocabulary that the Filipino

community would use, proposals that

may seem nice but would actually be

problematic when put into practice, and

technical terms or jargon used by

professionals.”

H “Confusion on the first time it will be

implemented.”

I “The factors I considered are the

Filipinos straying away from our culture,

and it being revived in recent times

(which is why I think more people would

be open to it).”
J “In cultural factor in tribes, it is necessary

to preserve their writing system to be able

that they their own.”

PARTICIPANT PAHAYAG

(MGA GURO)

A “Preparedness of our educational system,

lacking of implementing guidelines how

this program will be conducted, how it

will contribute to our identity as a nation

and as a human race, “uniform" medium

impact to teacher-student performance”

B “Readiness, big adjustment”

C “Competitiveness, practicality”

D “The current generation, the language

system we are enjoying right now, and

the approval of the youth.”

E “Insufficient researches/studies”
Kabanata V

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

LAGOM

Ang pananaliksik na ito ay may pangkalahatang layunin na alamin ang persepsyon ng mga guro

at mag-aaral sa paggamit ng Baybayin bilang isang opisyal na medium ng pagtuturo sa paaralan.

Nilimitahan ng mga mananaliksik ang kanilang pag-aaral sa mga guro at sa mga mag-aaral sa

senior at junior high school ng Samuel Christian College, (5) respondente mula sa bawat

kategorya. Kwalitatibong disenyo ng pananaliksik ang ginamit, isang pamamaraan kung saan

ang paglalarawan at pagpapaliwanag ng iba't ibang mga pag-uugali, opinyon at kilos ng tao

patungo sa isang tiyak na paksa ay ang pangunahing pokus ng pag-aaral (McLeod, 2019). Upang

mahanap ang ninanais na respondente, ang mga mananaliksik ay gumamit ng purposeful random

sampling technique, isang pamamaraan kung saan kinikilala ang isang populasyon ng interes at

ang mga respondente ay kinuha mula sa target na populasyon.

Ang unang layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang mga posibleng epekto ng pagpapakilala ng

hindi pamilyar na sistema ng pagsulat sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral at mga guro.
Nilalayon nitong tuklasin ang iba't ibang pananaw at opinyon sa proposisyon na paggamit ng

Baybayin sa pagtuturo sa paaralan.

Ang pangalawang layunin ng pag-aaral na ito ay ang alamin kung ang mga mag-aaral at mga

guro ba ay bukas sa ideya ng pagbabago ng sistema ng pagsulat ng bansa. Dahil sa House Bill

1022 na kilala rin bilang "National Writing System Act", hindi imposibleng ipasa ang Baybayin

bilang pambansang sistema ng pagsulat ng Pilipinas sa hinaharap, ang pagsang-ayon/hindi

pagsang-ayon ng mga respondente rito ay sinuri ng mga mananaliksik.

Ang pangatlong layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang mga salik na nakakaapekto sa pag-

apruba o hindi pag-apruba ng bawat respondente sa panukala ng Baybayin bilang pambansang

sistema ng pagsulat. Ang mga dahilan sa likod ng kanilang paninindigan sa paksa at ang mga

rason na nakaimpluwensya sa kanilang pagsang-ayon/hindi pagsang-ayon ay kinilala ng mga

mananaliksik.

KONKLUSYON

Ang sosyo-demograpikong propayl ng mga mag-aaral ay nagpapakita na may pantay na bilang

ng lalaki at babae, at ang karamihan sa mga sumagot ay mula sa edad 15-16 taong gulang at 17-

18 taong gulang, na karamihan ay nagmula sa baitang 11. Maliban sa 2 mag-aaral mula sa

seksyon ng Bethany, ang natitirang mga respondente ay nagmula sa iba't-ibang seksyon.

Karamihan sa mga senior high school na respondente ay nagmula sa strand ng STEM. Sa

kabilang banda, batay sa sosyo-demograpikong propayl ng mga guro, ang karamihan sa kanila
ay nagtapos ng kursong Bachelor in Secondary Education. Karamihan sa kanila ay dalubhasa sa

Ingles at Biology. Sa kabila ng ilan sa mga guro ay humahawak ng maraming baitang, karamihan

sa kanila ay humahawak sa mga mag-aaral sa ika-11 na baitang. Para sa kanilang taon ng

pagtuturo, ang karamihan sa kanila ay pumapailalim sa kategorya ng pagkakaroon ng 0-1 taon

o 2-3 taon ng karanasan sa pagtuturo.

Para sa unang katanungan na may layunin na alamin kung paano nakikita ng mga respondente

ang panukala na paggamit ng Baybayin bilang isang daluyan ng pagtuturo sa paaralan, ang

karamihan sa mga mag-aaral ay sumang-ayon sa panukala, na sinuportahan nila ng mga

argumento tulad ng kung paano ito makakatulong sa pagpapahalaga at pagkilala sa kulturang

Pilipino, kung paano ito nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa sariling atin, kung paano

nito binibigyang diin ang kasaysayan ng bansa, at ang kahalagahan nito sa wikang Filipino. Ang

ilan ay sinamahan ng mga kondisyon ang kanilang pagsang-ayon, tulad ng dapat itong ipatupad

nang dahan-dahan, halimbawa bilang pagdaragdag nito bilang isang asignatura muna, at na tiyak

na magiging mahirap ito sa una. Sa kabilang dako, ang lahat ng mga guro naman ay hindi

sumasang-ayon sa panukala. Sila ay nagsaad ng mga pangangatwiran tulad ng ang kurikulum ng

edukasyon ng Pilipinas ay hindi pa handa para sa iisang medyum ng pagtuturo, ang iskrip na

Baybayin ay maaaring maituro/isama lamang sa mga espesipikong asignatura, ang ang paggamit

ng " mother tongue " para sa pagtuturo ay mas epektibo, ang nasabing paraan ng pagsulat ay

hindi na katugma sa kasalukuyang henerasyon, at ang Pilipinas ay gumagalaw na sa isang

globalisadong mundo at ang paggamit ng Baybayin ay maaaring makahadlang sa pag-unlad ng

bansa.
Para sa pahabol na katanungan tungkol sa kung paano nila iniisip na maaaring makaapekto ito sa

kanilang akademikong pagganap/pagtuturo, ang karamihan sa mga mag-aaral ay sumagot na

maaaring magkaroon ito ng negatibong epekto dahil sa katunayan na ito ay magdudulot ng

malaking pagbabago, hindi sila pamilyar sa wastong paggamit ng Baybayin, at maaaring

magdulot ito ng pagkalito lalo na sa pagsalin sa mga salita at maaaring magresulta ng mababang

mga marka. Karamihan sa mga guro ay sinabi din na magkakaroon ito ng direktang negatibong

epekto, dahil sa mga kadahilanang hindi sila pamilyar sa paggamit ng Baybayin gayundin ang

mga mag-aaral, maaari itong maging sanhi ng maling impormasyon at lubosna makaapekto sa

pagka-epektibo ng mga guro sa mga estudyante, dahil nga ang Baybayin ay hindi madaling

gamitin, may kumplikadong istraktura, at sumasalungat sa karamihan ng mga asignatura na

gumagamit ng alpabetong Romano.

Para sa pangalawang tanong na may layunin na alamin kung ang mga mag-aaral at guro ba ay

bukas sa ideya ng pagbabago ng sistema ng pagsulat ng bansa, ang karamihan sa mga mag-aaral

ay nagpahayag ng hindi pagsang-ayon. Ang pagdudulot ng panukala ng malaking pagbabago

dahil sa kanilang hindi pagkapamilyar sa Baybayin at ang kahirapan ng paggamit nito dahil may

mga salitang ginagamit ngayon na hindi maaaring isulat ng direkta sa Baybayin ay ang

nagsilbing kanilang mga pangunahing argumento. Sa kabilang banda, ang karamihan sa mga

guro ay sumang-ayon sa ideya. Kanilang isinadd na bibigyan nito ang Pilipinas ng mas personal

na pagkakakilanlan bilang isang bansa at magdudulot ng nasyonalismo dahil ang mga ugat at

kultura ng bansa ay mapapangalagaan.

Para sa pangatlong tanong na may layunin na tukuyin ang mga salik na nakakaapekto sa pag-
apruba o hindi pag-apruba ng bawat respondente sa panukala ng Baybayin bilang pambansang

sistema ng pagsulat, ang mga kadahilanan na isinasaalang-alang ng karamihan ng mga mag-aaral

na nagpahayag ng hindi pagsang-ayon ay ang mga malaking pagbabago na kakailanganing gawin

at ang paghihirap at pagkalito na maaaring lumitaw sa sandaling ipatupad ito, habang ang mga

kadahilanan na isinasaalang-alang ng karamihan sa mga guro na nagpakita ng pag-apruba ay ang

kontribusyon nito sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino bilang isang bansa at bilang isang lahi ng

tao, pati na rin ang pagiging mapagkompitensya nito. Sa kabila ng pagsang-ayon sa panukala,

nagbigay ang mga guro ng mga salik na kailangang suriin munang mabuti bago ipasa ang

Baybayin bilang isang pambansang sistema ng pagsulat, tulad na lamang ng pagkahanda ng

sistema ng edukasyon, kakulangan ng mga patnubay sa pagpapatupad nito, ang hindi sapat na

bilang ng mga pagaaral sa paksang ito, ang praktikalidad nito, at ang pangkalahatang epekto nito

sa pagganap ng mga guro at mga estudyante.

REKOMENDASYON

Batay sa naging resulta ng pananaliksik na ito, nabuo ng mga mananaliksik ang konklusyon na

karamihan ng mga respondente ay sumusuporta sa muling pagkabuhay ng Baybayin, lalo na

dahil ito ay isang hiyas sa kultura at bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas, ngunit hindi

sumusuporta sa paggamit nito bilang isang opisyal na medyum ng pagtuturo. Ang naging

pangunahing sanhi ng kanilang pagdadalawang-isip sa panukala ay ang kanilang kawalan ng

sapat na kaalaman at pamilyaridad sa Baybayin at sa wastong paggamit nito, dahil nga sa

katunayan na hindi na ito ginagamit sa kasalukuyang panahon. Inirerekomenda ng mga

mananaliksik na ang Baybayin ay dapat na unti-unti munang ipasok sa kurikulum ng edukasyon,

halimbawa bilang isang asignatura o di kaya ay bilang isang aralin sa Filipino, sapagkat ang
agarang paggamit nito sa pagtuturo nang wala man lang kaalaman ang mga estudyante at hindi

pa gaano dalubhasa ang mga magtuturo ay tiyak lubos na makakaapekto sa pagiging epektibo

nito. Isa pang rekomendasyon ay mag-implementa ang gobyerno ng mga training kung saan

sasailalim ang mga piling guro para sila ay talagang masanay at maging dalubhasa sa paggamit

ng Baybayin upang epektibo nila itong maituro sa mga estudyante, at para na rin maiwasan ang

maling impormasyon at pagkalito sa naturang pamamaraan ng pagsulat. Kung tuluyan ngang

ideklara ng gobyerno ang Baybayin bilang pambansang sistema ng pagsulat, iminumungkahi ng

mga mananaliksik na mamahagi sila ng sapat na impormasyon tungkol sa mga alituntunin at

probisyon nito upang alam ng mga mamamayan kung ano ang kanilang dapat asahan. Ang

kaalaman ng mga tao sa Baybayin ay dapat na unahin dahil karamihan sa mga pagbabagong

magaganap ay mawawalan ng silbi kung karamihan sa mga tao ay hindi rin naman ito

mauunawaan. Panghuli, inirerekomenda rin ng mga mananaliksik na magkaroon ng sapat na mga

pag-aaral tungkol sa integrasyon ng Baybayin sa kasalukuyang sistema ng edukasyon, dapat

mainam na suriin ang pagkahanda nito, praktikalidad nito, at ang magiging epekto nito sa kalidad

ng edukasyon, isinasaalang-alang ang mga posibleng epekto na maaari o hindi maaaring maging

sanhi ng mga kompromiso.

You might also like