You are on page 1of 20

Tatlong Pangunahing

Teorya ng Pagkatuto at
Ugnayan sa Kagamitang
Panturo
Reggie O. Cruz, EdD PhD LPT CHRP
Propesyunal na Lektsurer
Central Mindanao Colleges
Mga Layunin

• Maunawaan ang tatlong pangunahing teorya ng pagkatuto

• Maiugnay ang mga teorya ng pagkatuto sa kagamitang panturo

• Masuri ang mga karanasan ng paggamit ng kagamitang panturo at nagiging bisa nito sa
pagkatuto (gaya ng paggamit ng tanaw-dinig na kagamitan at iba pa)

• Magamit ang mga banghay-aralin sa pagtukoy sa mga kagamitang panturo na nagiging


epekto ng mga pangunahing teorya ng pagkatuto.
Mga Panimulang Katanungan

• Kapag may mag-aaral na hindi marunong magbasa, ano ang mga una mong ginagawa?
Mga Panimulang Katanungan

• Maganda bang mangopya na lamang ng banghay-aralin sa kapwa guro sa iisang baitang?


Bakit?
Mga Panimulang Katanungan

• Kung gagamit ng kagamitang panturo, madalas ba iisa na lamang o iba-iba bawat klase?
Palawakin ang pinili.
Teorya at ang ugnayang pagkatuto
• Ang teorya bilang pangkalahatang pagpapakahulugan ay nagbibigay ng pangkalahatang
obserbasyon na nabuo sa mahabang panahon.

• Ang teorya ay nagpapaliwanag ng isang mahihinuhang pag-uugali. Hindi ito naging


maayos kung wala ring mga pagdududa kaya maaari pa ring mabigyan ng modipikasyon.
May pagkakataon na ito ay dumaraan sa mga kapagsubukan na tinatanggap at maari ring
hindi tanggapin.
Teorya at ang ugnayang pagkatuto
• Nararapat na ang isang guro sa Filipino ay may kakayahang maunawaan ang mga teorya
ng pagkatuto upang may masubukan ang mga umiiral na pangkaisipang konsepto sa
paglikha ng mga kagamitang panturo.

• Ang isang gurong may malalim na pag-unawa sa mga teoryang pagkatuto ay isang
gurong kompleks dahil hindi basta nagsasagawa ng pagtuturo na hindi isinasaalang-alang
ang teorya sa praktika ng paggamit ng kagamitang panturo.

• Ang isang kagamitang panturo ay hindi lamang isang gamit sa klase kundi isang gamit na
may saysay at halaga upang makatulong na maunawaan pa ang mga aralin sa klase.
Ang Guro bilang tapagpasa ng kaalaman
at kakayahan

Pagtuturo ng
Kaalaman

Kagamitang Panturo

Pagtuturo ng
Kakayahan
Tatlong Pangunahing Teorya ng
Pagkatuto
Beheybyorismo

Kontstraktibismo Kognitibismo
(Schuman, 1996)
Teorya ng Pagkatuo • Beheybyorismo- naipapamalas na pagbabago ng
pag-uugali. Ito ay tumutuon sa bagong pag-uugnay
ng pag-uugali (behavioral pattern) na umuulit
hanggang ito ay nagiging nakasanayan na.
Halimbawa ng Beheybrorismo sa
pagtuturo ng Filipino
Pagtuturo ng tunog ng mga titik sa alpabetong Filipino at pag-uulit ito upang may
retensiyon (Primarya)

Pagtuturo ng mga aspekto ng pandiwa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng


mga kilos upang maunawaan ang pangnagdaan, pangkasalukuyan at
panghinaharap (Intermidyeyt)

Pagsasagawa ng role playing sa pag-unawa sa binasa sa mga obra maestra gaya


ng Noli Me Tangere upang magkaroon ng retensiyon sa binasa (Junior
Hayskul)

Pagtuturo ng Tekstong Prosidyural sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga


hakbang sa pagluluto ng adobo (Senior Hayskul)
(Schuman, 1996)
Teorya ng Pagkatuo
• Kognitibismo- Batay sa iniisip na proseso na
kaakibat ng pag-uugali. Ang pagbabago ng
pag-uugali ay naipapakita at nagagamit ang mga
salik na ito sa mga nangyayari sa loob ng kaisipan
ng mag-aaral .
Halimbawa ng Kognitibismo sa klase sa
Filipino
Pagrehistro ng mga simbolo sa bawat titik (Primarya)

Pagbatid sa pagkasunod-sunod ng pagsulat sa balitang tuwiran at


balitang lathalain (Intermidyeyt)

Pagbatid sa kultura ng mga Muslim sa Sanaysay na binasa sa


pagbibinyag bilang bahagi ng pag-unawa sa Panitikan ng
Mindanao (Junior Hayskul)

Pag-unawa sa pagsulat ng lakbay-sanaysay bilang bahagi ng


paghahasa ng akademikong kakayahan (Senior Hayskul)
(Schuman, 1996)
Teorya ng Pagkatuo
• Konstraktibismo– nakatuon sa paghahanda sa mga
mag-aaral na makapaglutas ng problema sa isang
sitwasyong hindi inaasahan. Ang teoryang ito ay
makabuo ng mga perspektiba sa mundo mula sa
mga kaniya-kaniyang karanasan at ang paggamit
ng iskema.
Pagbuo ng simpleng pangungusap sa kanilang
karanasan sa pagtuturo ng simuno at panaguri
(Primarya)

Paglikha ng liham kaibigan mula sa kanilang sariling


karanasan sa pagsasagawa nito sa pagpapadala sa
Halimbawa ng gmail (Intermidyeyt)
Kontraktibismo
sa klase sa Pagbabahagi ng mga kuwentong-bayan na naririnig sa
Filipino mga lolo at lola upang maiugnay ang mga sinaunang
panitikan ng Pilipinas (Junior Hayskul)

Pagbuo ng konseptong papel mula sa mga


napapanahong isyu sa kasalukuyan (Senior Hayskul)
Kapag nagdidisenyo ng kagamitang panturo sa aspeto ng
beheybyorismo at kognitibismo ang tagapagdisenyo ay
sinusuri ang sitwasyon at nagtatakda ng layunin. Ang
mga gawaing indibidwal ay nalilinang mula sa mga
Ugnayang layuning hinati mula sa iba’t ibang Gawain.
Beheybyorismo
at Kognitibismo
at Kagamitang
Ang pagtataya ay mula sa mga layuning nakatakda. Ang
Panturo ganitong pagdulog ay tinatakda ang paglilipat ng
kaalaman sa mga mag-aaral. Ang kabuuang kagamitang
panturo ay nasa closed system na nagbibigay din ng
puwang para sa pagreremedyo at pag-uugnay sa iba pang
larang ngunit ito ay nakapaloob sa naisin ng tagadisenyo.
Ugnayang
Konstraktibismo sa
Kagamitang Panturo
• Kung magdidisenyo sa pagdulog konstraktibismo ay
masasabing ito ay may kalikasang maging pasiliteytib
kaysa preskriptib. Ang nilalaman ay walang nakalagay
na nakakontrol na mga salik gaya ng pagbibigay ng
kongkretong panuto at takdang-oras. Ang pagtataya ay
subhektibo na nakadepende sa pansariling pagtataya ng
mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ang magtatakda ng
kanilang pagtataya.
• Ginagamit ang mga hindi nakasanayang pagsusuri ng
kakayahan mula sa pansariling lektura, mga burador,
pinal na produkto, dyornal at mga kaugnay na
pagtataya.
Kongklusyon
• 1. Ang mga teorya ng pagkatuto ay kinakailangang mabatid bilang bahagi ng kognisyon
ng guro lalo na sa pagtuturo ng Filipino.

• 2. Ang mga teorya ng pagkatuto ang magiging pundasyon upang mabatid ang
kinakailangang kagamitang panturo sa klase.

• 3. Ang mga kagamitang panturo sa klase ay maaring preskritibo o malaya. Nakadepende


pa rin ito sa tunguhin ng klase mula sa kognisyon ng guro at mga eksternal na salik na
kinakailangan sundin gaya ng pampaaralang kalagayan, polisiyang ipapatupad na mula sa
kagawaran.
Mga Katanungan para sa Malayang Talakayan
sa Klase

• Ano-ano ang mga pangunahing teorya ng pagkatuto?

• Paano ang mga pangunahing teorya ng pagkatuto ay mabisang naiuugnay sa mga


kagamitang panturo?

• Bakit kinakailangan na ang isang guro ay may malalim na pundasyon sa mga


pangunahing teorya ng pagkatuto at ano ang ugnayan nito sa kagamitang panturo lalo na
sa pagtuturo ng wika, panitikan at iba pang intra at interdisiplinaryong pagtuturo ng
Filipino?
Maraming Salamat!

You might also like