You are on page 1of 2

Annotation on Student-Centered

Teaching Philosophy

Ang guro ay gumamit ng Pilosopiyang “Progressivism”, “Constructivism” at “Social Reconstructivism” sa


kabuoan ng banghay-aralin. Makikita sa layunin o kasanayan sa pagkatuto:
1. Nabibigyang-kahulugan ng salita batay sa konteksto ng pangungusap.
2. Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa napakinggang maikling kuwento.
3. Nahihinuha ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa kuwento.
4. Naiaangkop sa sariling katauhan ang kilos, damdamin at saloobin ng tauhan sa napanood na dula
gamit ang mimicry.
Ang mga layuning ito ay ang nais maisakatuparan ng guro sa buong aralin.

Sa bahagi ng Pagganyak na may estratehiyang “#Style ko, Rampa ko!”, mababasa sa panuto na; Bihisan ang
manikang papel gamit ang damit na likha sa papel at pagkatapos ay i-rampa ito sa harapan ng klase. Dito ay
may Kalayaan ang mga mag-aaral na bihisan ang kanilang mga manikang papel ayon sa kanilang istilo at
kagustuhang damit.
Sa bahagi ng Paglinang sa Talasalitaan na may estratehiyang “#Saradong Damitan, Susian ng Kaalaman”
batay sa pangungusap, hahayaan ng guro ang mga mag-aaral na bigyang kahulugan ang mga salitang
nakasalungguhit. Dito ay malilinang ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman sa mga malalalim na salita.

Sa bahagin ng Pagpapalalim, upang makamit ang mga layunin ng aralin, ang guro ay mayroon hinandang
kolaboratibo/pangkatang Gawain. Ang bawat pangkat ay may iba’t ibang Gawain: ang unang pangkat ay
paghahambingin ang mga tauhan sa napanood na maikling kuwento. Gamitin ang grapikong representasyon
na ibibigay ng guro sa pagsagot: ikalawang pangkat, magsasagawa ang mga mag-aaral ng paghihinuha sa
maaaring kahinatnan ng kuwento sa pamamagitan ng pag-arte sa loob ng isa o dalawang minuto; at ang
ikatlong pangkat ay iuugnay ang kanilang karanasan sa naging karanasan ng pangunahing tauhan sa akda –
ang batang babae at pupunan nila ang compare at contrast chart na ibibigay ng guro. Ang mga gawaing ito ay
nakabatay sa mga layunin ng aralin.
Annotation on Student-Centered
Teaching Philosophy

Sa mga naunang bahagi ng banghay aralin ay guro ay gumamit ng mga pilosopiyang “Progessivism” at
“Constructivism”. Ayon kina Smerdon at Burkam (1999) sa halip na magtalakay lamang sa mga mag-aaral,
sinisikap ng mga guro na maghanap ng mga mas kawili-wiling paraan upang maiparating ang mahahalagang
pamamaraan sa pag-aaral at ito ay "nagbibigay ng mga pagkakataon sa mga mag-aaral na tuklasin ang mga
ideya at bumuo ng kaalaman batay sa kanilang sariling mga obserbasyon at karanasan" Ang constructivism
ay isang pilosopiyang nakasentro sa mag-aaral na binibigyang-diin ang mga kamay sa pag-aaral at ang mga
mag-aaral na aktibong nakikilahok sa mga aralin. Naniniwala ang mga constructivist na ang mga mag-aaral
ay dapat na makatuklas ng mga aralin sa kanilang sarili sa pamamagitan ng hands on activity dahil ito ang
pinakaepektong paraan ng pagkatuto at itinuturing na tunay na pagkatuto. Ang constructivism, bilang isang
teorya sa pag-aaral, ay nagpapahiwatig na ang mga mag-aaral ay nag-iisip ng pag-unawa at bumubuo ng
kahulugan sa pamamagitan ng isang timpla ng kanilang sariling umiiral na base ng kaalaman, kanilang mga
aksyon, at kanilang mga indibidwal na karanasan. Sa madaling salita, ang bagong nakuhang impormasyon ay
bubuo sa dating nakuhang kaalaman upang makabuo ng mas malawak na kaalaman.

Sa bahagi ng Paglalapat ay gumamit ang guro ng Pilosopiyang “Social-Reconstructivism”. Ang guro ay


mayroong isang pahayag na pinasagot sa mga mag-aaral na “Kung ikaw ang batang babae sa akda, paano
mo haharapin ang mga kamag-aral mong nanunukso sa iyo?”. Ang mga mag-aaral ay may kalayaang
sumagot ayon sa kanilang sariling opinion at paningin sa tanong. Ayon kina Sadker at Zittleman (2007), Ang
pangunahing pokus ng pilosopiyang ito ay upang matulungan ang mga mag-aaral na makahanap ng mga
paraan upang mapabuti ang lipunan. Nais ng guro na bigyang-halaga ng mga mag-aaral ang lipunan, matanto
na may hindi patas sa mundo, mahalagang magkaroon ng kamalayan at kumilos bilang tagapagtaguyod para
sa mga hinuhusgahan.

You might also like