You are on page 1of 6

ALAMAT NI DARAGANG MAGAYON

Narrator: Ito ang Alamat ng bulkang Mayon, noong unang panahon may isang kahariang
malapit sa kapatagan ng Albay.

Narrator: Si Daragang Magayon ay isang Prinsesa sa kaharian ng Rawis. Napaka-gandang


babae ni Daragang Magayon. Walang di nakakakilala kay Daragang Magayon. Kaya’t
maraming nang liligaw sa kanya,kabilang sa mga manliligaw ni Magayon ay si Patugo

Daragang Magayon: Kailangan ko pa po ba silang harapin Ama?.

Datu Makusog: Magayon…, panahon na para maghanap ka na ng mapapangasawa, hindi kana


bumabata.

Patugo: Mga kasama! Baka gusto niyong umuwi na. Sinasayang niyo lang ang oras niyo…,at
siguradong-sigurado ako na ako ang sasagutin ni Daragang Magayon.

Kaibigan ni Patugo: Tama!

Patugo: Mahal kita at handang-handa akong pakasalan ka ngayon din.

Kaibigan ni Patugo: Baka naman eh nahihiya yong mahal na Prinsesa.

Patugo: Daragang Magayon! Wag kanang mahiya sakin. Pwede mo namang sabihin na mahal
moko at handa kang mag pakasal sakin.

Daragang Magayon: Patawad Patugo pero hindi kita gusto at hindi kita mahal.

Patugo: Daragang Magayon, sandali!.

Kaibigan ni Patugo: Kumalma ka lang, wag kanang magwala pa jan. Mas mabuti pa, bumalik
nalang tayo.

Patugo: Bat ba! , ayaw niya sakin, gwapo naman ako, anak ng sultan, dugong buga tulad nya.

Kaibigan ni Patugo: Mayabang ka kasi…

Patugo: Ano sinabi mo?


Kaibigan ni Patugo: Wala, sabi ko baka kasi kulang ang mga alahas na dala natin sa kanya. Baka
kailangan pa ng bato,diyamantee at kung ano-ano pa.

Patugo: Inaasar mo ba ako?

Kaibigan ni Patugo: Hindi pinapagaan ko lamang ang loob mo.

Patugo: Pwes, hindi gumagana kailangan kong mapakasalan si Magayon nsintindihan mo? Siya
lamang ang gusto kong pakasalan

Kaibigan ni Patugo: Kumalma kalang ha, ganito nalang ang gawin mo. Siguro bigyan mo siya ng
panahon, huwag mong kulitin ng kulitin para tsaka mo ligawan ulit, ganon.

Gabi na…

Datu Makusog: Magayon anak… wala ka paring napipili sakanila.

Daragang Magayon: Wala po ama kasi naman, hindi ko sila gusto eh. Puro yabang, puro’s iyon
nalang ang iniisip. Tsaka gusto lang naman nila ako para maipagmalaki nila ako sa mga tao,
pero hindi naman talaga nila ako mahal.

Datu Makusog: Kung ganon eh… mahihirapan tayong humanap ng mapapangasawa mo.

Daragang Magayon: Ama, pinapangako ko po sai’yo, mahahanap ko rin po yong lalaking hindi
mayabang,hindi presko,yong mamahalin talaga niya ako, pinapangako ko po iyan,darating din
po talaga iyon.

Narrator: Ang hindi alam ni Daragang Magayon, makikilala na niya ang lalakeng yon. Naka
ugalian ni Daragang Magayon ang kabuslit mula sa palasyo at maligo sa ilog ng lawa na nag
iisa. Noon ay nakita ang binatang ito

Daragang Magayon: Inaabuso mo ako no? Bastos

Ulap: Magandang umaga mahal na Daragang Magayon!

Daragang Magayon: Bastos ka!


Ulap: Pasensya na, hindi ko sinasadyang abusuan ka. Ang ibig kong sabihin hindi kita
binubusuan.

Daragang Magayon: Bastos ka!

Ulap: Pasensya na… hindi kapa kase nagbibihis eh.

Daragang Magayon: Kasalanan ko pa ngayon.

Ulap: Tulungan na kita.

Ulap: Okay kalang?

Daragang Magayon: Kasalanan mo ito eh. Kung hindi moko binusuhan, hindi sana ako nadulas.

Ulap: Daragang Magayon! Hindi naman kita binubusuhan lupamit ako para magpakilala. Ako si
Ulap, dayo galing Laguna.

Daragang Magayon: Hindi ako interesado. Maka-alis na nga. Sinisira mo ang araw ko.

Ulap: Daragang Magayon! Sandali.

Narrator: Mula narin sa araw na iyon hindi na tinigilan ni Ulap si Daragang Magayon.

Daragang Magayon: Maari niyo bang iyabot ang aking palda

Daragang Magayon: Bakit?

Narrator: Dahil nag pursigi si Ulap at naramdaman ni Daragang Magayon ang katapatan nito,
minahal narin niya ang binata.

Ulap: Alam mo na ang simpleng tao lamang ako, hindi ako prinsepe, hindi ko maibibigay ang
buong mundo sayo, pero mahal kita Magayon, iyon lamang ang maibibigay ko sayo, ang tapat
na pagmamahal, hanggang sa kabilang buhay.

Daragang Magayon: Ako, kaya kong ibigay ko sa’iyo ang buong mundo pero mas gusto kong
ibigay ang pagmamahal ko na tapat din, hanggang sa kabilang buhay.

Ulap: Maari mo ba akong pakasalan?


Daragang Magayon: Oo! Magpapakasal ako sayo kahit ilang beses pa at kahit saang simbahan pa.

Ulap: Mahal na mahal kita Magayon.

Daragang Magayon: Mahal na mahal kita, Ulap.

“Dumating na sila Magayon at Ulap sa palasyo”

Ulap: Mahal na haring Makusog, gusto ko po sanang magpaalam sayo, kung pwede po sanang
pakasalan ko po ang iyong anak. Hindi ko po, maibibigay ang buhay na ganto, pero pangako
po, gagawin ko po ang lahat para maging masaya si Magayon. Pwede ko po bang hawakan
ang kamay nya?

Datu Makusog: Edi ba hawak mo na? Binibiro lamang kita Ulap, napakaseryoso mong bata,
syempre naman sang-ayon ako na pakasalan mo si Magayon.

Daragang Magayon: Talaga ama? Maraming salamat po,maraming-maraming salamat po,


pinasaya niyo po talaga ako.

Ulap: Maraming salamat mahal na hari. Sigurado pong matutuwa ang aking magulang, kung
papayag po kayo, agad akong aalis para sunduin sila sa Laguna, Lahat po ng aking
kamag-anak.

Datu Makusog: Ipaghahandaan namin yan Ulap, ipagdiriwang ang buong kaharian ang
pamamanhikan at pagpapakasal ninyo ni Magayon.

“Sa araw na iyon nalaman ni Patugo na si Magayon ay ikakasal na sa lalake na si Ulap”

Patugo: Ano! Magpapakasal na si Magayon?

Kaibigan ni Patugo: Oo! Napakabilis ang nangyari Patugo,isipin mo ha ayon sa nasagap kong
balita, ilang linggo pa lamang magkakilala ang Ulap na iyon.

Patugo: Pinagpalit niya ako sa lalakeng yon, eh diba dayo lang yon. Wala kaya iyon sa akin.

Kaibigan ni Patugo: Eh ikaw naman kasi hindi mo kase pinagtuloy ang panliligaw sa kanya.

Patugo: Ako ba sinisisi mo? Eh diba ikaw nag payo sakin na bigyan ko siya ng kunting panahon.

Kaibigan ni Patugo: Sinabi ko ba yon?

Patugo: Sana nalang hindi na ako nakinig sayo, naturingang Dakulaon ang pangalan mo pero
napaka-liit ang utak mo.
Patugo: Hindi, hindi ako papayag na magpakasal si Magayon sa Ulap na iyon, kayo mga kasama
payag kayo?

Patugo: Pagkatapos nating paghirapan na ligawan si Magayon tapos ito ang igaganti niya
saatin, ipagpapalit tayo, tayong mga dugong bughaw, sa isang ordinaryong tao lamang.

Kaibigan ni Patugo: Tama!

: Hindi ako papayag, iniinsulto tayo ni Magayon.

Patugo: Babawiin ko si Magayon sa Ulap na iyon. Ako!, ako lamang ang dapat niyang mahalin at
pakasalan.

Babae 1: Daragang Magayon!, Daragang Magayon!, si Patugo po nilusog ang palasyo at


hinahanap niya po kayo.

Daragang Magayon: Patugo! Walang hiya ka! Ano ginagawa mo.

Patugo: Ano pa? Edi pipigilan ang pamamanhikan ng Ulap na iyon.

Daragang Magayon: Sige, hindi ako natatakot sa iyo, hindi ako magpapakasal sa’iyo.

Patugo: Hindi ka mag papakasal sakin ha.

“Hinawakan ni Patugo ang kamay ni Magayon ng mahigpit”

Daragang Magayon: Bitawan moko hindi ako mag papakasal sayo.

“Kinuha ni Dakulaon ang ama ni Magayon”

Daragang Magayon: Pakawalan mo ang akin ama Patugo.

Patugo: Pakakawalan ko siya kung magpapakasal ka sakin.

Daragang Magayon: Hindi ako magpapakasal sa iyo, hindi ako sasama sa iyo.

Patugo: Kung hindi ka magpapakasal saakin, hindi mo narin makikita ang iyong ama.”

“Inilayo ni Patugo si Magayon at naka salubong nila si Ulap.”

Ulap: Ako ang harapin mo!

“Nagsimula na nga ang digmaan nila Patugo at Ulap”


Patugo: Ano tayo!

“Isang palaso ang tumama sa likuran ni Ulap at sa harapan naman ni Magayon,at sila’y sabay
nahulog sa lupa,kina umagahan sila ay naghukay at inilibing sina Ulap at Magayon na
magkatabi.”

Babae 2: Ama, bakit sila magkasama ni Daragang Magayon at Ulap sa libingan?.

Datu Makusog: Dahil walang makakapaghiwalay sa kanila at ganon ang tunay na


pagmamahal,pinagsama sila sa buhay hanggang kamatayan.

Narrator: Ang sabi nila, perfect cone ang bulkan Mayon kaya naman maraming turista na
nagpupunta sa Albay para pagmasdan ang bulkan Mayon pero hindi yon nagustuhan ni Ulap,
sobra niyang mahal si Magayon at ayaw niyang ibahagi ito sa iba kaya bumababa ang ulap
para takpan ang perfect cone ng bulkan.

“Dito nagtatapos ang alamat ni Daragang Magayon”

You might also like