You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Cordillera Administrative Region
Division of Abra
Lagangilang District

TAGODTOD ELEMENTARY SCHOOL

RADIO-BASED INSTRUCTION IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6


Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mabubuting Katangiang Susi sa Tagumpay

ACTIVITY TIME- LAPSE

SOUND EFFECTS 2 Minutes


PAUNANG SALITA
Ang RBI na ito ay ginawa upang tulungan kang mapahalagahan ang mga magagaling at
kilalang Pilipino sa pamamagitan ng pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging
susi sa kanilang pagtatagumpay. Matapos ang lesyon sa RBI na ito, inaasahang
matutuhan mo ang:
 natutukoy ang mabubuting katangian o kaugalian na naging susi sa
pagtatagumpay ng mga Pilipino; at
 naipapakita ang mabubuting katangian o kaugalian na naging susi sa
pagtatagumpay. (EsP6PPP- IIIc-d–35)

Bago natin simulan ang talakayan sa pamamagitan ng RBI na ito. Ihanda mo ang mga
sumusunod:
 modyul sa ESP 6: Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mabubuting Katangiang Susi sa
Tagumpay
 ang iyong sagutang papel at iyong panulat.

Dapat mo ding Tandaan ang mga sumusunod:


1. makinig ng mabuti sa panuto sa bawat Gawain.
2. gamitin ang pause, replay at play button sa iyong gadget kung sakaling hindi naintindihan ang
Gawain.
3. Magpatulong sa nakatatanda kung ikaw ay nahihirapan.

SOUND EFFECTS

MGA NILALAMAN

Magandang araw!
SOUND EFFECTS

Bago natin simulan ang panibagong leksiyon, natatandaan mo pa ba ang dati nating 3 Minutes
aralin? Sa ikalawang pahina. Tulungan mo ang magkapatid na Gab at Aya sa pagtukoy ng mga
magagaling at matatagumpay na Pilipino. Piliin moa ng letra ng tamang sagot na tinutukoy sa
bawat bilang.

a. Jesse Robredo c. Sharon Cuneta e. Tony Tan Caktiong


b. Efren Peñaflorida d. Nora Aunor f. Hidilyn Diaz

1. Siya ay dating nagtitinda lamang ng tubig sa may riles ng tren ngunit ngayon ay
isa ng matagumpay at sikat na aktres. Letrang D baa ng iyong sagot? Si Nora Aunor. Magaling!

2. Nagsimula ng “Kariton Klasrum” kung saan tinuturuan nila ang mga batang
mahihirap sa daan. Dahil dito ay tinanghal siyang 2009 CNN Hero of the Year.
Siya si Efren Peñaflorida. Sa letrang B. Tama baa ng iyong sagot? Magaling!
3. Isang Pilipinong bilyonaryo. Siya ang nagtayo at may-ari ng sikat na fast food
chain na Jollibee. Siya ay si Tony Tan Caktiong, Letrang E. Nakuha mo ba? Wow!

SOUND EFFECTS

Ilan ang nakuha mong tamang sagot mula sa Gawain sa Subukin? Wow! Magaling!

SOUND EFFECTS
Ngayon naman, sa ikatlong pahina. magbabasa tayo. Mahilig ka bang tumula?
Halina’t bigkasin natin nang may lakas at damdamin ang tulang inihanda ko para sa’yo. Maaari
mong ayain ang iyong mga magulang o kahit na sinong kasama mo sa bahay bilang tagapakinig

Patungo sa Tagumpay
ni Gelliza Z. Quiambao

Lahat ng tao ay nais magtagumpay,


Magkaroon ng isang magandang buhay, 5 minutes
Ngunit pagkamit nito’y hindi madali,
Sapagkat mga pagsubok ay sari-sari.

Kasipagan at edukasyon,
At tiwala sa Panginoon,
Sabay ng sikap at determinasyon,
Mga gabay ko sa pag-aksyon.

Pangarap ay pilit aabutin,


Pangako sa magulang ay tutupdin,
Aking sarili ay pauunlarin,
Tiyak tagumpay ay kakamtin.

Magaling! Ang husay mo nang tumula.


Ngayon, naunawaan mo ba ang tulang iyong binigkas?
Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong sa iyong modyul. Sa ika- apat na pahina. Isulat ang
iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Tungkol saan ang tulang iyong binasa? Ang tula ay tungkol sa pag-abot sa pangarap at
pagiging matagumpay ay hindi imposible kung sasamahan natin ito ng mga wastong pag-uugali.
.
2. Base sa tula, ano-anong mga katangian ang makatutulong sa pagkamit ng
tagumpay? Naisulat mo ba ang mabubuting katangian tulad ng pagsisikap, pagtitiyaga at
pagtitiwala sa sariling kakayahan. Higit sa lahat, huwag tayong makalimot humingi ng gabay sa
Poong Maykapal
3. Ano ang iyong pangarap? Bakit? Pakibasa ang iyong sagot. Magaling. Nawa’y makamit moa
ng iyong mimithing pangarap.

4. Anong katangian sa tula ang tinataglay mo na ngayon upang makamit ang


iyong pangarap? Ipaliwanag. Pakibasa ang iyong sagot. Magaling! Nawa’y dalhin mo ito
hanggan sa iyong at sa pagpupunyagi upang ikaw din ay maging matagumpay pagdating ng
panahon.

SOUND EFFECTS

Dumako naman tayo sa ikalimang pahina ng iyong modyul. Gawin naman natin ang
PAGYAMANIN. Hand ka na ba? Pagmasdan ang “Word Search Puzzle”. Hanapin ang 7 salita 5 minutes
na nagpapakita ng mabuting katangian tungo sa pagtatagumpay. Ang mga salita ay maaaring
makita nang patayo, pahiga o pahilis. Isulat sa iyong sagutang papel ang mahahanap na mga
salita.
Nahanap mo ba ang 7 salita? Nakutulad ng Mapagkumbaba, masipag, matiyag, pursigido,
makadiyos, makabansa, makatao. Napakahusay na bata!

SOUND EFFECTS

Balikan natin ang natalakay nating mga natatanging Pilipinong naging matagumpay.

Sino-sino sa kanila ang iyong paborito?


Sina: 3 minutes
a. Jesse Robredo c. Sharon Cuneta e. Tony Tan Caktiong
b. Efren Peñaflorida d. Nora Aunor f. Hidilyn Diaz

ay mga halimbawa ng mga pilipinng naging matagumpay sa buhay dahil sa kanilang mabuting
katangian.
SOUND EFFECTS

Ngayon naman, Itala mo ang kanilang mga katangian at kung ano ang maaari mong gawin
upang tularan sila. Gawin ang talahanayan sa iyong sagutang papel na makikita sa ika- anim na
pahina sa iyong modyul. Naisulat mo ba ang wastong pag-uugali at mabubuting katangian tulad
ng pagsisikap, pagtitiyaga at pagtitiwala sa sariling kakayahan. Higit sa lahat, huwag
tayong makalimot humingi ng gabay sa Poong Maykapal? Mahusay!

SOUND EFFECTS

Ang iyong naisulat ay magaling! Gawin naman natin ang Isaisip sa Ika-pitong pahina ng iyong
modyul. Ano-anong mabubuting katangian ang kakailanganin mong taglayin upang ikaw ay
magtagumpay? Punan ang hagdanan sa ibaba ng batang babae na makikita sa iyong modyul. 4 minutes

Ano- ano ang mga katangian na naisulat mo upang ikaw ay magtagumpay?


Meron ka abng naisulat na matiyag? Determinado? Masikap? Makadiyos, makatao?
Napakagaling! Nagpapamalas ka ng kagalingan sa pagsagot at pakikinig. Ipagpatuloy mo lang
yan para sasusunod na Gawain

SOUND EFFECTS

At para naman saiyong huling Gawain. Unawain ang mga sumusunod na pangungusap sa ibaba. 7 minutes
Gumuhit ng masayang mukha (😊) kung ito ay nagpapakita ng mabuting katangian at malungkot
na mukha (☹) naman kung hindi. Isulat muli sa iyong sagutang papel ang napili mong sagot.
Naunawaaan mo ba ang pauto sa Gawain ito? Magaling!
1. Hindi iniinda ni Rossette ang kaniyang kapansanan sa paglakad upang matupad ang pangarap
na makapagtapos ng pag-aaral.
2. Bagama’t ilang beses na nalugi ang negosyo ng mag-asawang Dela Cruz, hindi pa rin sila
pinanghinaan ng loob at patuloy pa ring nagpupursigi.
3. Madalas bumili ng mga mamahaling gamit at pagkain si Joed dahil katwiran niya ay mayaman
naman ang kaniyang mga magulang.
4. Araw-araw nag-eensayo si Kaloy ng basketball nang sa gayo’y makakuha siya ng scholarship
at maipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.
5. Masikap na hinahasa ni Joaquin ang kaniyang kakayahan sa paglangoy upang makapag-uwi ng
karangalan sa bansa.
6. Ayaw matuto ni Colin ng mga gawaing bahay dahil may katulong naman ang pamilya niya.
7. Hindi dumadalo sa pag-eensayo ng sayaw si Olivia dahil naniniwala siyang sapat na ang
kaniyang kakayahan.
8. Simula nang bumagsak si Gabriel sa kaniyang pagte-training ay tuluyan na siyang sumuko sa
pangarap na maging bumbero.
9. Pangarap ni Althea na maging isang tanyag na manunulat kaya maluwag niyang tinatanggap at
pinakikinggan ang mga puna at komento tungkol sa kaniyang gawa upang mapaunlad ang
kaniyang kakayahan.
10. Matiyagang pinagsasabay ni Basilio ang pag-aaral.
Tapos na ba? Ngayon, tignan natin kung ilan ang nakuha mong tamang sagot.

1. 😊
2. 😊
3. ☹
4. 😊
5. 😊
6. ☹
7. ☹
8. ☹
9. 😊
10. 😊

Ilan ang makuha mong tamang sagot? Magaling.

SOUND EFFECTS

Para naman sa iyong karagdagang Gawain sa ika-walong pahina. Gawin ang akrostik sa ibaba.
Magbigay ng mga salita o pahayag na may kaugnayan
sa salitang TAGUMPAY. Gawin ito sa iyong sagutang papel. At ipapasa nang iyong magulang 5 minutes
sa susunod na lingo.

PANGWAKAS NA SALITA 20 seconds

SOUND EFFECTS

Dito na nagtatapos ang ating aralin. Maraming salamat sa mahusay mong pakikinig. Nawa’y
ipagpatuloy mo ang ganyang gawain sa susunod pa nating mga leksyon. Muli, ito ang iyong
Subject Teacher- Sir Warren. Na nagsasabing ang batang maalisto, kinabukasan ay alerto!

Hanggang sa muli. Paalam!

Prepared by: Checked by:

WARREN MARK M. MANGUNE REMEDIOS O. ARTIENDA


Teacher 1 Master Teacher 2

Noted by:

ROLANDO M. TORRES
EPS

You might also like