You are on page 1of 1

(#2) LAGUMANG PAGSUSULIT SA ESP – IV UNANG MARKAHAN

Pangalan: __________________________________ Petsa: _____________ Iskor: _________


A. Sagutin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag.
______ 1. Ang lakas, katatagan at tibay ng loob ay lubhang kailangan upang mapaunlad ang katangi-
tanging kakayahan.
______ 2. Ang ating mga natatanging kakayahan ay regalo mula sa sa Maykapal.
______ 3. Dapat na itago at ikahiya ang ating mga kakayahan.
______ 4. Hindi dapat ibinabahagi ang mga kakayahan ng isang tao.
______ 5. Hindi dapat magalit kung itinatama ang mga mali dahil ito ay magpapaunlad sa kakayahan.

B. Iguhit ang puso kung nagpapakita ng pagtitiyaga at kidlat sa kung hindi.


______ 6. Hinintay nina Tina at Aira si John kahit ito ay lampas na sa kanilang usapan.
______ 7. Tinapos ni Rossan ang kanyang pinag-aaralan kahit ito ay mahaba.
______ 8. May sira ang damit ni Marian, itinapon niya ito dahil walang mananahi nito.
______ 9. Masayang naghuhugas ng plato si Ana kahit may karamihan ito.
______ 10. Isa –isang pinulot ni Nica ang mga butil ng natapong bigas dahil alam niyang mahalaga ito at
wala silang sapat na salapi para ipambili ng sobra.
______ 11. Nakipag-unahan si Erick na makasakay sa jeep dahil gusto niyang makauwi ng maaga.
______ 12. Matiyagang nag-iipon ng tubig sina Jomer dahil ito lamang ang oras na may tubig sa kanilang
bahay.
______ 13. Tinahi ni Maricel ang mga pahina ng kanyang kuwaderno na wala pang sulat upang magamit
niya ito.
______ 14. Kahit tapos na ang klase, matiyagang hinihintay ni Maya ang kanyang ina upang sunduin siya.
______ 15. Inilipat ni Manuel ang channel ng telebisyon kahit nanonood ang kanyang kapatid dahil oras na
ng kanyang paboritong palabas.

C. Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang bilang kung nagpapakita ng pagiging matiisin at ekix (x) kung hindi
______ 16. Malayo ang nilalakad ni Jose papuntang paaralan, tinitiis niya ito dahil gusto niyang makatapos
ng pag-aaral.
______ 17. Gusto ni Anton na laging masarap ang kanilang pagkain kahit alam niyang sapat lamang ang
kinikita ng kanyang mga magulang.
______ 18. Kahit luma na ang tsinelas ni Mario ay patuloy pa din niya itong ginagamit dahil maayos pa
naman ito.
______ 19. Ayaw gamitin ni Leo ang bag na pinaglumaan ng kanyang kapatid, gusto niyang ibili siya ng
bago ng kanyang nanay.
______ 20. Gulay at isda ang ulam nina Coleen, ayaw niya itong kainin dahil hindi niya ito paborito.

You might also like