You are on page 1of 3

蘭佬中華中學

LANAO CHUNG HUA SCHOOL


Pala-o, Iligan City

Ikatlong Markahang Pagsusulit, School Year 2023-2024 Subject: ESP


Teacher: Bb.Franchezca Andrea S. Alcuizar Grade: 6
Name of Student: ___________________________ Date: _______________
Score: ______________

I.Unawain ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba. Isulat ang P kung ito ay
nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga Pilipinong matagumpay at H naman kung
hindi.
______1. Ibinabahagi ni Wilson ang mga posts sa Facebook tungkol sa mga Pilipinong
atletiko na nag-uwi ng medalya para sa bansa.
______2. Nagbabasa si Joven ng mga magasin tungkol sa kaniyang iniidolong
negosyanteng Pilipino.
______3. Masikap na nag-eensayo ng taekwondo si Isabel upang matupad ang
pangarap na mairepresenta ang bansa sa South East Asian (SEA)
Games.
______4. Hindi tumutulong si Marcus sa proyekto ng kanilang grupo tungkol sa mga
bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan.
______5. Kinaiinggitan ni Emma ang kababata niyang nanalo sa isang sikat na
paligsahan sa telebisyon.
______6. Inspirasyon ni Norman si Manny Pacquiao dahil sa sakripisyo at pagtitiyaga
nito upang maiahon ang pamilya sa hirap.
______7. Mahilig magbasa si Ray ng mga talambuhay ng mga bayaning Pilipino.
______8. Mas kinagigiliwan ni Lorien ang mga Koreana at Amerikana kaysa sa
kababayang Pilipino.
______9. Pinamamarisan ni Nami ang kasipagan at pagkamadasalin ng kaniyang
Pilipinong idolo.
______10. Ipinagawa si Sanji sa kaniyang kapatid ang takdang-aralin na tungkol sa
mga matatagumpay na Pilipino dahil wala siyang alam tungkol dito.

II.Iguhit ang puso (♡) kung ang pahayag ay karapat-dapat pahalagahan at ekis (✗)
naman kung hindi. Isulat ang sagt sa patlang bago ang bilang.
_____11. Si Nora Aunor ay dating nagtitinda lamang ng tubig sa may riles ng tren. Sa
kaniyang pagtitiyaga ay naging matagumpay at sikat na aktres.
_____12. Si Ninoy Aquino na nagbuwis ng buhay at matapang na nanindigan sa
kaniyang prinsipyo na ipagtanggol ang kalayaan ng Pilipinas mula sa
pamahalaang diktatoryal.
_____13. Si Jiro Manio na dating sikat na artista ngunit napariwara ang kaniyang buhay
at nakulong.
_____14. Si Rolando Navarette ay isang sikat na boksingero subalit nalulong siya sa
masamang bisyo at tuluyang nalugmok ang kaniyang buhay.
_____15. Si Gabriela Silang na namuno ng rebolusyon matapos mapatay ang asawang
si Diego Silang.
______16.Si Efren Peñaflorida ay isang dating batang kalye noon ngunit naging guro
ng mga bata na nasa lansangan.
______17.Si Jericho Rosales galling sa mahirap na buhay ay naging sikat na actor
dahil sa pagsisikap.
III. Unawain ang mga sumusunod na pangungusap sa ibaba. Gumuhit ng masayang
mukha (😊) kung ito ay nagpapakita ng mabuting katangian at malungkot na mukha (☹)
naman kung hindi.

______18. Hindi iniinda ni Rossette ang kaniyang kapansanan sa paglakad upang


matupad ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.
______19. Bagama’t ilang beses na nalugi ang negosyo ng mag-asawang Dela Cruz,
hindi pa rin sila pinanghinaan ng loob at patuloy pa ring
nagpupursigi.
______20. Madalas bumili ng mga mamahaling gamit at pagkain si Joed dahil katwiran
niya ay mayaman naman ang kaniyang mga magulang.
______21. Araw-araw nag-eensayo si Kaloy ng basketball nang sa gayo’y makakuha
siya ng scholarship at maipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.
______22. Masikap na hinahasa ni Joaquin ang kaniyang kakayahan sa paglangoy
upang makapag-uwi ng karangalan sa bansa.
______23. Ayaw matuto ni Colin ng mga gawaing bahay dahil may katulong naman ang
pamilya niya.
______24. Hindi dumadalo sa pag-eensayo ng sayaw si Olivia dahil naniniwala siyang
sapat na ang kaniyang kakayahan.
______25. Simula nang bumagsak si Gabriel sa kaniyang pagte-training ay tuluyan na
siyang sumuko sa pangarap na maging bumbero.
______26. Pangarap ni Althea na maging isang tanyag na manunulat kaya maluwag
niyang tinatanggap at pinakikinggan ang mga puna at komento
tungkol sa kaniyang gawa upang mapaunlad ang kaniyang kakayahan.
______27. Matiyagang pinagsasabay ni Basilio ang pag-aaral at pagtatrabaho upang
maiahon niya sa kahirapan ang kaniyang pamilya.
______28.Kahit may kapansan si Michael ay nagsisikap siyang mag-aral kasabay ng
pagtulong sa kanyang nanay sa palengke sa pagtitinda kapag siya
ay walang pasok.
III.Isulat ang WASTO kung ang isinasaad sa pangungusap ay tama at DI – WASTO naman
kung hindi.

_____29. Pinapalitan ng mga taga-Sitio Mabuhay ang mga punong kahoy sa kagubatan
na ginagamit nila sa paggawa ng mga kasangkapan.
_____30. Pinapayagan ng Barangay Matiwasay ang pagkakaingin sa kanilang
kabundukang nasasakupan.
_____31. Mahigpit na pinagbabawalan ang mga mangingisda sa paggamit ng dinamita.
_____32. Dahil sa kakulangan sa suplay ng tubig ay ginagamit pandilig sa halaman ni
Ella ang pinag-unaban ng bigas.
_____33. Sa tuwing pupunta ng palengke si Aling Nida ay may dala-dala siyang bayong
upang maiwasan ang paggamit ng plastik.
_____34. Nakasanayan na ng pamilya ni Erik ang pagbubukod ng mga basura mula sa
nabubulok at di-nabubulok.
_____35. Sumama si Lina at ang kaniyang mga kaibigan sa Tree Planting Program ng
kanilang barangay.
_____36. Tuwing araw ng Sabado ay itinatapon ni Marissa ang kanilang basura sa
katabing ilog.
_____37. Gumawa ng compost pit si Mang Ruben sa kanilang bakuran upang gawing
pataba ang mga nabubulok na basura.
_____38.Patuloy ang pagmimina nila Mang Pedro sa kuweba ng walang pahintulot sa
kinauukulan.
_____39.Ipinagbabawal na ang paggamit ng plastic straw sa mga kainan sa lungsod
upang mabawasan ang sobrang paggamit ng plastik.
_____40.Ang mga boteng plastik na nakita ni Manuel sa parke ay kaniyang inuwi at
pinagtaniman niya ng mga halaman.

You might also like