You are on page 1of 1

1.

4 Wika at Gramatika
I. Panuto : Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang sumusunod na pahayag
upang mabuo ang diwa nito.

A. Pangatnig
1. Magbanat ka ng buto ______ maging maganda ang buhay ng pamilya
mo.
2. Pumunta sina Elaine at Angela sa mall upang kumain ____ upang
mamili ng isusuot para sa gaganaping kasal.
3. Dalawa lamang ang paglalagyan mo kung sakaling ikaw ay liliban sa
klase mamaya , ipapatawag ang magulang mo ____ wala kang
pagsusulit.
4. Tahamik na nagsusulat ang mga mag-aaral ______ may ginagawa ang
guro.
5. Nagsusumikap ang iyong magulang upang magkaroon ka ng
magandang kinabukasan ______________ mag-aral ka nang Mabuti
upang masuklian ang paghihirap na iyon.

B. Pang-angkop
6. Lagi siyang pumipili ng masarap ____ makakain.
7. Si Roseann ang naglalaba ng mga marurumi ____ damit.
8. Si Marina ay isang mapagmahal ____ ina.
9. Mabilis _____ natapos ni Liezel ang kanyang gawain.
10.Hindi Makita ni Arlyne ang mahalaga___ papel sa kanyang cabinet.

C. Pang- ukol
11.______________ batas, hindi mo maaaring saktan ang iyong asawa.
12._________________ Cristy , wala raw gagawin sa asignaturang A.P
ngayong araw.
13.Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral ________ sa aking pamilya.
14.Ang ensayo para sa sabayang pagbigkas ay gaganapin _____ Rose.
15.Walang pasok bukas _________ balita .

You might also like