You are on page 1of 1

Organiko Tungo sa Pagbabago

Ni: Julia Jesselie B. Ranjo

Cire: Uy dzai, ‘di na hiyang ang mukha


ko sa ginagamit kong sabon.
Voyd: Talaga ba dzai? Ako rin nga eh!
Tignan mo, puno na ng mga tigyawat
ang pagmumukha ko.

“Kojic na puti, Kojic na kinis”, iyan ang madalas nating naririnig sa mga telebisyon na
adbertismo. Pinaniniwalaan na ito ay tumutulong sa pagtanggal ng tigyawat at pampaputi. Sa
ngayon, naglalakihang numero na ang gumagawa ng mga produktong ganito. Upang maiwasan
ang peste sa mukha, gumagamit ng kahit anong sabon ang indibidwal. Hindi nila iniisip ang
maaaring masamang epekto nito, ang tinitiyak lamang nila ay ang maaaring makabubuti sa
kanilang hitsura.

Nagtapos si Johaira B. Sabal bilang isang estudyante ng “University of Southern Mindanao”


saklaw sa BS Biology. Isa siyang tagasuri ng halal at kaligtasan ng pagkain sa Maynila. Ngayon
ay naging negosyante na dahil sa kanyang gawa. Lumikha siya ng isang produkto na gamit
lamang sa mga organikong sangkap. Partikular na mahahanap sa kusina, kagaya lamang ng
kape, uling, thyme, rosas, kalamansi, bigas, niyog at iba pa. Hindi lang isa, dalawa kundi apat
na sabon ang ginawa niya, na mayroong partikular na paggamit. Ang kape at thyme ay
tumutulong upang tanggalin ang mga dumi sa mukha at tumutulong ito upang magkaroon ng
maputi na balat. Ang uling naman, ay pinatuyo at dinikdik upang maging sabon na ang
partikular na gamit nito ay ang tanggalin ang sobrang langis sa mukha, at pinakikinis rin nito
ang buong hitsura.

Hindi akalain ni Sabal na magiging negosyante siya sabay sabi “Mayroon akong trabaho
ngayon, ngunit hindi ko iniisip na gawin ito dahil ito ang aking pagnanasa. Inialay ko ito sa USM
at sa mga propesor ko na nagkaroon ng oras na turuan ako. Ngayon ito ang aking pagkakataon
na makakatulong sa komunidad.” Naninigurado si Sabal na ang lahat ng sangkap na ginagamit
niya ay organiko, halal at ligtas.

Ang mga malalaking kumpanya ay hindi tumitigil sa paggawa ng kanilang sariling produkto. Ang
mga epekto nito ay maaaring makatulong o makasira. Nasa kamay ng tao ang pagpili ng wasto
o di wasto, organiko o kemikal. Meron naman ring maliliit na kumpanya pero nakakasigurado ka
na hindi masisira ang hitsura mo. Kapag alam mo kung ano ang gagamitin mo para sayo, at
organiko ito, tiyak na magiging “cool” ang hitsura mo. #

You might also like