You are on page 1of 1

Kapag ang isang tao ay nalampasan ang pisikal na adiksyon, mahalagang

matutunan kung paano manatiling malinis na sa droga at alak para hindi na maling
bumalik sa bisyo. Ang pinakamabuting paraan para magawa ito ay ang matuto ng
mas mabuting mga paraan para kayanin ang pakikipagsapalaran sa buhay. Hindi ito
madaling gawin at kakailanganin ng panahon.

Ang babaeng nalulong sa alak at droga ay madalas na nakadarama na siya walang


kakayahan at ng matinding kahihiyan. Kinakailangan nyang malaman na may
kakayahan siyang mabago ang kanyang buhay. Ang isang paraan ay simulan niya
ang mga pagbabago na tutulong magpatunay sa kaniyang sarili at sa iba, na kaya
niyang harapin ang mga problema.

Ito ang ilan sa mga nakatulong sa mga kababaihan na magkaroon ng kakayahan:

 Matapos huminto sa pag-inom, sa lalong madaling panahon, kumain ng mga


pagkaing masustansya sa protina, bitamina at mineral. Ang mga pagkaing ito
ay tinutulungan ang katawan gamutin ang sarili: atay, yeast, tinapay mula sa
whole wheat, iba pang pagkaing mula sa butil, beans, at mga berdeng gulay.
Kung hindi makakain, makakatulong ang bitamina. Uminom ng multi-vitamin o
B-complex vitamin na may folic acid.
 Gumawa ng grupong magbibigay suporta mula sa mga taong malapit sa iyo,
at hingin ang kanilang tulong kung kakailanganin mo. Mas madaling isipin
ang problema at simulang lutasin kung makikipag-usap at makikipag-trabaho
kasama ang ibang tao.
 Lutasin ang mga problema ng paisa-isa lamang. Sa gayong paraan, ang mga
problema ay hindi magmumukhang-malaki na hindi mo kakayanin.
 Subukang magsabi sa kaibigan ng mga bagay na nakakabahala,
nakakapagpalungkot o nakakapagpagalit sa iyo. Magsisimula mo nang
maiintindihan kung bakit ganoon ang iyong nararamdaman at ano ang iyong
magagawa para gumihawa ang iyong pakiramdam.
 Makipagtulungan sa isang proyekto na makakapagpabuti ng inyong
pamayanan. Ito ay patunay sa iyo at sa iba na kaya mong gumawa para sa
pagbabago. Makikita mo rin na sa paggawa nito, makakatulong din sa
pagbabago ng iyojng sarili.
 Makisalimuhang madalas sa mga taong nagsisikap manatiling malinis sa alak
at droga.
 Umiwas sa mga lugar na maaring maghikayat muli sa iyo sa alak at droga.
Makipagtulungan sa iba na mag-plano ng pagtitipon kung saan walang droga
at alak na ginagamit.

https://drive.google.com/drive/folders/1mIYpgIxqFmawPV83S64hk7Ne8bqfXsoc?usp=sharing

You might also like