You are on page 1of 11

Session 3: Ang Kasalukuyang Kalagayan at Pangarap ko sa Aking Pamilya

Tagalized by:
Artem Reynald S. Makipagay
SWO III – POO Batangas Cluster 4

Ang pamilya ay may mahalagang papel na ginagampanan sa paghubog ng isang indibidwal pagdating sa
usaping biyolohikal, sikolohikal, at mga sosyokultural na katangian ng mga miyembro ng sambahayan. Ito
ang nagsisilbing pangunahing pinagmumulan ng mga impluwensya sa pagbuo o pagpapaunlad ng kanilang
mga pinahahalagahan, mga plano, at vision para sa kanilang pamilya.

Napakahalaga na masuri ang antas ng pag-unawa at kamalayan sa kasalukuyang sitwasyon ng pamilya


bago tuluyan nilang harapin ang kanilang mga vision at mga plano para sa kanilang pamilya. Ang mga
resulta ito ang syang gagamitin upang makalikha ng mga vision o layunin ng pamilya para sa pitong taong
pananatili nila sa programa. Ang pagtatakda ng layunin, bilang isang proseso ay mahalaga para sa pamilya
at indibidwal dahil ito ang humuhubog at nakakaimpluwensya sa pamilya tungo sa pagkamit ng kanilang
mga pangarap at mithiin

Sa pamamagitan ng sesyon na ito, makakabuo ang mga benepisyaryo ng 4Ps ng kanilang mga layunin at
makakapagtukoy kung paano nila makakamit ang mga ito sa hinaharap. Sila ay bibigyang laya na gamitin
ang mga prosesong ito kasama ang kanilang mga miyembro ng sambahayan o pamilya upang lumikha ng
kanilang sama-samang vision.

LAYUNIN

Pagkatapos ng sesyon, inaasahan sa mga kalahok ang mga sumusunod:

1. Maunawaan ang konteksto at kahulugan ng vision, at kung paano ito iuugnay sa kanilang pang-
araw-araw na buhay
2. Masuri ang mga kasalukuyang kondisyon at potensyal na paraan upang malutas ang kanilang
mga isyu at mga problema
3. Maikonekta ang kanilang kasalukuyang sitwasyon sa kanilang mga layunin sa hinaharap;
4. Maisali ang kanilang mga miyembro ng pamilya sa pagbuo ng vision ng pamilya; at
5. Makalikha ng isang paunang vision sa pamamagitan ng family visioning exercise

INAASAHANG PAGBABAGO SA PAG-UUGALI

Pagkatapos ng sesyong ito, inaasahan sa mga benepisyaryo ng 4Ps na magkaroon ng Family Visions bilang
gabay sa kanilang pagpaplano ng kanilang pag-unlad

Tagal ng Sesyon: 2 ½ oras

Materyales:
• Metacards
• Manila Paper/Cartolina
• Pen markers
• Materyales para sa collage making (lumang dyaryo, magasin, craft paper)
• Crayons
• Pandikit (Paste)
• Masking Tape

AKTIBIDAD 1: LADDER OF PROGRESS

Paalala sa tagapagpadaloy
1. Ang tagapagpadaloy ay kinakailangang may sapat na kaaalaman at karanasan sa pagsasagawa ng
Social Welfare and Development Indicator (SWDI)
2. Tiyakin na ang mga acronym at teknikal na mga salita o termino ay mahusay at malinaw na
maipaliwanag
3. Tiyakin na ang mga gawain at mga pamamaraan na nakatala sa modyul na ito ay sanggunian o
gabay lamang
4. Bilang tagapagpadaloy, maaari kang gumamit ng iba pang estratehiya sa pagsasagawa ng aktibidad
o sesyon depende sa pangangailangan ng mga kalahok. Maging malikhain!

Tagal ng aktibidad: 20 minuto

Materyales:
• Manila paper/cartolina
• Meta cards
• Pen markers
• Masking tape

Pamamaraan:

1. Hatiin sa limang grupo ang mga kalahok na benepisyaryo at ipamahagi ang mga materyales sa
bawat grupo. Kung presentation slides ang gagamitin, ilahad ang presentation slides sa plenaryo.
Tiyakin na ang laki ng mga letra o mga salita ay nakikita ng lahat ng kalahok.

2. Hilingin sa bawat grupo na talakayin ang kanilang mga sitwasyon sa pamilya noong nagsisimula
pa lamang sila sa programa, at isa-isahin ang kanilang mga sitwasyon ayon sa taon ng pananatili
nila sa programa (1 hanggang 7 taon). Halimbawa: wala pa silang trabaho sa kanilang unang taon,
o ang kanilang mga anak ay hindi madalas pumapasok sa paaralan, at pagkatapos ay ilahad din
ang mga nangyaring pag-unlad o pagbabago sa bawat sitwasyon

3. Upang matulungan ang bawat grupo na magawa ang aktibidad, maaari mong ibigay ang mga gabay
na mga katanugan:
a. mga sitwasyon patungkol sa edukasyon ng kanilang mga anak – pagpapatala sa
eskwelahan (enrollment), pagdalo (attendance), pagtugon sa mga kinakailangang gamit
sa paaralan, badyet para sa baon at pagtugon sa mga proyekto, atbp.

b. Kalusugan at nutrisyon ng pamilya – ilang beses kumakain sa isang araw, pagpili ng


pagkain, timbang at tangkad ng mga bata, atbp.

c. Backyard edible gardening

d. Akses sa palikuran at tubig


e. Bank account at ipon

f. Negosyo o trabaho

g. Relasyon ng magulang at anak (closeness)

h. Mga istilo o paraan ng pagdidisiplina sa mga bata

4. Atasan ang lahat ng grupo na magkaroon ng maikling talakayan sa bawat halimbawang sitwasyon
na ipinakita sa taas at sagutin ang tanong na: “Kung ito ang sitwasyon ng iyong pamilya, paano mo
malalaman na ang iyong sitwasyon/antas ng inyong kagalingang pamumuhay ay bumubuti mula
sa ika-1 taon hanggang ika-7 taon?” Ang tanong na ito ay maaaring makatulong sa kanilang
talakayan upang mas mapagisipan ang kanilang hangarin/vision sa pag-unlad o pagpapabuti ng
antas ng pamumuhay ayon sa mga nailahad na sitwasyon.

5. Hilingin sa mga grupo na isulat ang kanilang mga sagot sa cartolina o meta card mula sa ibinigay
na talahanayan o table. Bigyang panuto ang bawat grupo na ikategorya ang kanilang mga sagot na
nakabalangkas kada taon (Taon 1, Taon 2, atbp.)

6. Hilingin sa bawat grupo na ipakita at ilahad ang kinalabasan ng kanilang gawain sa plenaryo.
Maglaan ng tatlo (3) hanggang limang (5) minuto para sa bawat grupo.

LADDER OF PROGRESS (Sample)

Unang Taon Ikalimang Taon Ikapitong Taon


Ang apat na anak ay nasa Dalawa sa apat na mga anak ay Isa sa dalawang anak na nasa
elementarya nasa sekundarya na sekundarya ay nakatapos na ng
may karangalan
Isang bese lamang kumakain sa
isang araw
Walang palikuran
Walang ligtas at malinis na
pinagkukunan ng tubig
Walang kuryente
Ang tatlong anak ay
malnourished
Walang nagtatrabaho sa
miyembro ng pamilya

TALAKAYAN
1. Ano ang naramdaman mo matapos ang ginawa nating aktibidad?
2. Ano ang mga obserbasyon at mga napagtanto mo sa sitwasyong iyong ibinahagi?
3. Ano sa palagay mo ang mga bagay na nagpapadali at nakahahadlang para makamit mo ang pag-
unlad na iyon?
4. Paano mapapabuti ang kasalukuyang kalagayan ng iyong pamilya?
TALAKAYAN 1 – Ang Social Welfare and Development Indicator

Paalala sa tagapagpadaloy

1. Upang ipakilala ang susunod na paksa, ipaalala sa mga kalahok ang kanilang mga naging tugon sa
aktibidad kung paano nila sinusukat ang kanilang pag-unlad bilang isang pamilya.
2. Banggitin na ginagamit ng 4Ps ang social case management strategy upang tulungan ang pamilya
sa pagpapabuti ng kanilang pamumuhay sa loob ng pitong taon, at ito ay nangangailangan ng
buong kooperasyon at partisipasyon mula sa kanila.

Pagkatapos ng talakayan, hikayatin ang lahat na magsagawa ng self-monitoring ng kanilang mga pag-
unlad gamit ang Social Welfare and Development Indicators (SWDI).

Paano natutukoy ng 4Ps nangyayaring pag-unlad sa kagalingang pamumuhay ng mga benepisyaryo?


• Ang programa ay gumagamit ng Social Welfare and Development Indicator (SWDI) upang masuri
at masubaybayan ang kagalingang pamumuhay ng mga benepisyaryo
• Ikinakategorya ng SWDI ang mga sambahayanang benepisyaryo sa tatlong antas ng kagalingan:

SURVIVAL SUBSISTENCE SELF-SUFFICIENCY


LEVEL 1 LEVEL 2 LEVEL 3

Ang pinakamahirap sa Mga pamilyang 4Ps na Mga pamilyang 4Ps na


pamilyang 4Ps bahagyang mayroong kakayahang
natutugunan ang pangunahing suportahan
pangangailangan. at mapanatili ang mga
pangangailangan
ng kanilang miyembro ng
pamilya
Food Poor / Chronic Income Poor Near Poor / Transient
Poor Poor
• Hindi natutugunan ang • Kayang matugunan • Kayang matugunan
pangunahing ang ang pangangailangang
pangangailangan sa pangunahing pagkain at iba pang
pagkain pangangailangan sa mga pangangailangan
• Mababang kalidad ng pagkain (non-food needs)
kalusugan at • Bahagyang • Bulnerable sa mga
nutrisyon, edukasyon, natutugunan ang iba panganib at shocks;
at mga kasanayang pang pangunahing nanganganib na mag-
magagamit sa pangangailangan (hal. back slide o bumalik sa
pagtatrabaho edukasyon, kalusugan, pagiging mahirap
• Karamihan ay nasa at trabaho) • Nangangailangan ng
GIDA areas na ang • Nangangailangan ng matatag na
pangunahing tulong para sa isang mapagkukunan ng
pinagkakakitaan ay matatag na karagdagang kita, ipon,
pagsasaka pagkukunan ng kita
• Nangangailangan ng (trabaho o at insurance para sa
agarang tulong (cash pangkabuhayan) panahon ng
assistance), akses sa emergency.
mga pangunahing
serbisyo, at pagbuo ng
kapasidad (capacity
building)

Ang Social Welfare and Development Indicators

Ang mga sumusunod ay nagbibigay ng paglalarawan sa mga indicator na syang sinusubaybayan o


minomonitor ng SWDI na syang ding dapat maging layunin ng mga benepisyaryo ng 4Ps:

1. Economic Sufficiency

1.1 Employable Skills – mayroon kahit isa sa miyembro ng pamilya (18 taong gulang pataas) na
nagtataglay ng mga propesyonal, teknikal, o occupational na kasanayan o mayroong
karanasan sa trabaho na hindi bababa sa 6 na buwan
1.2 Employment – Estado o katayuan ng pagtatrabaho ng miyembro ng pamilya na may edad 18
taong gulang pataas. Ang mga nagtatrabaho na nasa hustong gulang (working adults) ay
kinakailangang may trabaho (employed) o kumikita sa pamamagitan ng trabaho o Negosyo.
1.3 Income
1.3.1. Salary and wages from employment – kita na nagmumula sa trabaho
1.3.2. Income from Livelihood and entrepreneurial activities – kita mula sa negosyo o
pangkabuhayan
1.3.3. Cash or in-kind transfer – kabilang ang mga padala ng kaanak na OFW na nasa ibang
bansa o mga kaanak na nasa Pilipinas. Kasama rin dito ang mga natatanggap na tulong mula
sa gobyerno (Hal: Social Pension, 4Ps, scholarship atbp)
1.3.4. Other Sources – pension, dibidendo, interes, imputed Rental of owner-occupied
dwelling unit atbp.
1.3.5. Income is higher than the official monthly per capita poverty treshold
1.4. Social Security and Access to Financial Institutions
1.4.1. Miyembro ng government social security insurance (GSIS, SSS atbp.)
1.4.2. Miyembro ng private insurances
1.4.3. Akses sa mga financial services gaya ng Bangko, Microfinance o kooperatiba atbp.

2. Social Adequacy
2.1. Health
2.1.1. Pakonsulta sa pangkalusugang pasilidad sa nakalipas na anim na buwan
2.1.2. Wala sa miyembro ng sambahayan ang may sakit o nagkasakit na nangngailangan ng
hospital confinement (pagtukoy sa kondisyong pangkalusugan ng pamilya sa nakalipas
na 6 na buwan)
2.2. Nutrition
2.2.1. Ang pamilya ay nakakakain ng masustansyang pagkain tatlong beses sa isang araw
2.2.2. Ang mga batang may edad 0-5 taong gulang ay may normal na timbang
2.3. Water and Sanitation
2.3.1. Akses ng samabahayan sa ligtas at malinis na inuming tubig
2.3.2. Akses ng sambahayan sa ligtas at maayos na palikuran
2.3.3. Pamamaraan ng sambahayan sa tamang pagtatapon ng basura

2.4. Education
2.4.1. Functional Literacy ng miyembro ng pamilya na may edad 10 taong gulang pataas
2.4.1.1. Mayroong nakatapos ng sekundarya sa pamilya
2.4.1.2. Ang mga batang edad 10-18 taong gulang ay nasa pormal na paaralan
2.4.1.3. Ang miyembro ng pamilya ay nakakabasa, nakakabilang and may kakayahang
umunawa ng mga panuto
2.4.2. School Enrollment / Attendance ng mga batang edad 3-17 taong gulang – ang mga
bata ay kasalukuyang naka-enroll at pumapasok sa eskwelahan at na nakakakumpleto
ng 85% attendance
2.5. Housing
2.5.1. Ang bubong ng bahay ay yari sa matibay na materyales (mixed but predominantly
strong materials, wood but sturdy and durable)
2.5.2. Ang panlabas na dingding ng bahay ay yari sa matibay na materyales (mixed but
predominantly strong materials, bamboo/ sawali/ cogon but sturdy and durable)
2.5.3. Pag-aari ang bahay at lupa (Owns or owner-like possession of house and lot)
2.5.4. May ligtas na akses sa kuryente o lighting facility
2.6. Role Performance of Family
2.6.1. Ang bawat miyembro ng pamilya ay nakikilahok sa ibat-ibang gawain o aktibidad
ng pamilya (sama-samang paghahapunan, pagdalo ng mga magulang sa aktibidad
ng anak sa eskwelahan, sama-samang pagsimba)
2.6.2. Kakayahan ng mga magulang na kilalanin ang problema ng pamilya at makabuo
ng mga solusyon (matukoy kung ang mga anak ay may mga isyu, pagsali sa mga
anak sa paggawa ng desisyon sa pamilya)
2.6.3. Mayroong isa sa miyembro ng pamilya na may kinabibilangan na lehitimong
organisasyon (people’s organization, association, support group sa nakalipas na
anim na buawan)
2.7. Family Awareness
2.7.1. Ang pamilya ay may kaalaman sa hindi bababa sa tatlong karapatan ng mga bata
at may kakayahang ipaliwanag ang mga ito
2.7.2. Ang pamilya ay may kaalaman sa hindi bababa sa tatlong gender-based violence
(karahasang pangkasarian) at may kakayahang ipaliwanag ang mga ito
2.7.3. Ang pamilya ay may kaalaman sa hindi bababa sa tatlong disaster risk reduction
and management protocols/initiative at may kakayahang ipaliwanag ang mga ito

Paalala sa tagapagpadaloy:

Ang tagapagpadaloy ay maaaring gumamit ng iba't ibang mga pamamamaraan upang makuha ang
atensyon mga kalahok sa pagtalakay ng SWDI. Sa pagtatapos ng sesyon, tiyaking ang sumusunod na
pangunahing mensahe ay mabigyang diin:

1. Asahan ng mga kalahok ang pagbisita sa bahay ng kanilang City/Municipal Link upang talakayin at
masuri ang socio-economic na kalagayan ng pamilya gamit ang SWDI.
2. Ang mga benepisyaryo ay inaasahang makikilahok sa pagbibigay-priyoridad sa mga
pangangailangang dapat tugunan batay sa resulta ng SWDI.
3. Ang mga benepisyaryo ay may pangunahing responsibilidad na subaybayan ang pag-unlad ng
kanilang antas ng kagalingang pamumuhay.
4. Upang ipakilala ang susunod na paksa, ipaliwanag sa mga kalahok na ang resulta ng SWDI ay
magsisilbing gabay sa pagbibigay-priyoridad sa kanilang mga pangangailangan na dapat ay unang
matugunan, at ang mga ito ay maaaring magbigay ng klarong pagtahak sa kanilang mga layunin sa
susunod pitong taon, o sa kanilang pananatili sa programa.

AKTIBIDAD 2 – DREAMS, HOPES AND VISION OF MY FAMILY

Tagal ng Aktibidad: 20 minuto

Materyales:
• Cartolina/manila paper
• Meta cards
• Pen markers
• Masking tape
• Audio materials
• Materyales para sa collage making
• Crayons

Pamamaraan:
• Evocative and Interactive Discussion
• Creative Workshop/Collage-making
• Lektura at pagbabahagi
• Use of drawings or music etc.

Paalala sa tagapagpadaloy:

Gawaing paghahanda:
1. Kumuha ng mga materyales na gagamitin sa visioning activity, gaya ng bond papers, cartolinas,
coloring materials, popsicle stick, yarn, glue, lumang dyaryo o magasin and iba pang mga art
supplies na maaaring gamitin
2. Ilagay ang mga materyales sa isang maliit na kahon upang mas madali ang pamamahagi nito.
3. Maaari ding hilingin sa mga kalahok na magdala ng sarili nilang mga materyales para sa
gagawing collage. Ipaalam ito sa kanila nang maaga.

Paghahanda sa Workshop:
1. Sa plenaryo, talakayin ang sitwasyon ng mga kalahok bago magsimula ang aktibidad. Maglaan ng
15 hanggang 20 minuto para sa talakayan. Isulat ang kanilang mga insight/tugon sa pisara o sa
isang piraso ng manila paper. (Ipaalala sa kanila ang naging resulta o output ng Session 1)
2. Iproseso ang mga resulta sa pamamagitan ng pagtatanong ng may paglilinaw o pagsisiyasat.
Maglaan ng hanggang 20 minuto para dito.
3. Ibuod ang talakayan sa plenaryo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang punto sa mga
pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng kanilang naibahagi
4. Pagkatapos, simulang buksan at takalayin ang pagkakaunawa ng mga kalahok sa salitang
PANGARAP, ADHIKAIN o VISION. Upang magkaroon ng pare-parehong pang-unawa ang mga
kalahok.

Isulat sa pisara o manila paper ang napagkasunduang kahulugan upang mabasa at makita ng lahat.
Tiyakin na nauunawaan ng lahat ng kalahok ang kahulugan at konteksto ng konsepto.

Pamamaraan:
1. Bumuo ng limang (5) grupo mula sa mga kalahok. Ipamahagi ang kahon ng art materials sa bawat
grupo
2. Tanungin ang mga kalahok tungkol sa kanilang mga pangarap, mithiin, o mga vision para sa
kanilang pamilya. Hayaang pag-usapan ng bawat grupo ang kanilang mga sagot sa loob ng limang
(5) minuto
3. Pagkatapos, para sa indibidwal na aktibidad, hilingin sa bawat kalahok na magsulat, gumuhit, o
gumawa ng collage ng kanilang vision para sa kanilang pamilya sa isang piraso ng cartolina, manila
paper o bond paper gamit ang mga materyales na ibinigay. Bigyan sila ng 20 minuto upang
kumpletuhin ang aktibidad na ito.

Paalala sa tagapagpadaloy:
Kung sa isang sitwasyon na ang mga kalahok ay walang maisip na VISION o kaya naman ay ayaw gumawa
ng kanilang VISION. Magalang silang tanungin gamit ang mga sumusunod na katanungan - "Ano ang gusto
mo o ang mithiin mo para sa iyong mga anak?" Sa pamamagitan nito, maaari silang makapagsimulang
makapagbahagi ng kanilang mga naiisip, at mahalaga na palawakin ang kanilang naibahagi hanggang sa
magkaroon sila ng pagtatanto or realisasyon na sila ay may vision din pala para sa kanilang pamilya.

4. Matapos na makabuo ang lahat ng mga kalahok ng kanilang vision para sa kanilang pamilya,
hayaan ang bawat grupo na talakayin sa isat-isa ang kani-kanilang VISION para sa kanilang pamilya.
Maaari itong gawin sa loob ng 20 minuto.
5. Pagsama-samahin ang lahat ng grupo para sa talakayan sa plenaryo. Mag-imbita ng dalawa
hanggang tatlong boluntaryo na magbabahagi ng kanilang vision sa buong grupo.
6. Ipagpatuloy ang pagpoproseso sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa mahahalagang punto ng
pagbabahagi at pagbubuod ng mga naging usapan.

TALAKAYAN
1. Paano ninyo naisagawa ang aktibidad? Ano ang naramdaman mo habang gumagawa ka ng isang
vision o mga layunin sa buhay o mga pangarap?
2. May pagkakatulad at pagkakaiba ba ang mga pangarap o mithiin ng mga miyembro ng bawat
grupo habang gumagawa ng collage?
3. Paano mo iuugnay ang aktibidad sa tinatawag nating Family/Household Visioning?
4. Mayroon ka bang plano na gawin rin ito kasama ang iyong buong pamilya?

TALAKAYAN 2 – VISION AND VISIONING

Ano ang Vision at Visioning?


• Ang VISION ay tumutukoy sa kung paano natin tinitingnan at nakikita ang isang magandang
mangyayari sa ating hinaharap. Nagbibigay ito ng kalinawan sa ating hinaharap habang nakatuon
ang ating atensyon sa ating kasalukuyan. Ito ay isang positibong bagay upang magpatuloy sa ating
mga mithiin at mga hangarin sa buhay.
• Ang VISIONING ay tumutukoy sa proseso ng pagtukoy kung ano ang hitsura ng tagumpay sa ating
hinaharap, na kung saan ay pwedeng makabuo ng mga karaniwang layunin, pag-asa, at
pagpapatuloy sa ating mga mithiin. Ito ay nagbubukas ng pintuan para sa pagbabago at nagbibigay
ng kakayahang kontrolin ang ating mga mithiin at hangarin sa buhay. Nagbibigay ito sa grupo o
pamilya ng kakayahang makapagpatuloy at sumulong para sa hinaharap.
• Sa Merriam-Webster Dictionary ito ay nangangahulugang “ability to see: sight or eyesight”. Ang
visioning ay makakatulong sa atin upang makita ang mga ginugusto natin sa ating hinaharap sa
susunod na 5 o 10 taon.
• Ang visioning ay isa sa pinakamahalagang proseso ng social case management dahil ito ang isa sa
mga magsisilbing gabay ng pamilya at ng case manager sa pagpaplano ng mga posibleng
interbensyon na maaaring gawin ng pamilya. Ito ay isang paraan din ng pagsubaybay sa kanilang
pag-unlad at paraan ng pagbibigay ng karagdagang suporta upang makamit ang kanilang vision at
ang kanilang pag-unlad.
• Ang paglikha ng isang vision ay nagbibigay-daan sa iyo upang linawin ang iyong patutunguhan, at
magkaroon ng malinaw na pagtahak nito. Sa case management process, parehong mahalaga ang
proseso ng problem solving at visioning.
• Ang isang vision na walang kaukulang plano ay mananatiling pangarap lamang. Pero ang vision na
may kaakibat na plano ay maaaring makapagbago ng mundo.

MGA DAPAT TANDAAN


• Ang VISIONING ay nagtataguyod ng isang positibong pananaw sa hinaharap sa pamamagitan ng
pagbibigay ng halaga sa kasalukuyan, dahil ang kasalukuyan o ang ngayon ang maaring magdala
sa iyo sa isang magandang bukas
• Ang assessment findings na nakita ay maaaring makapagbukas ng mga pamamaraan o solusyon
upang tugunan ang mga pangangailangan o problema ng pamilya
• Ang pag-alam sa vision ng pamilya ay kinabibilangan ng mga pangmatagalan (long-term) at
panandaliang (short-term) layunin.
• Lahat ng miyembro ng pamilya ay dapat na kasangkot sa proseso ng family visioning. Tungkulin
ng case manager na magpadaloy, mapamahalaan at magabayan ang benepisyaryo sa pagtatasa
mga resulta bilang tuntungan sa pagdidisenyo o pagpaplano ng kanilang nais na kalagayan sa
hinaharap. Ito ay kritikal sapagkat kinakailangang sila mismo ay sumasang-ayon sa vision ng
kanilang pamilya.
• Ang proseso ng family visioning ay maaaring dagdagan gaya ng pagkakaroon ng written vision
statement o pahayag na maaaring maging gabay sa pagbuo ng Household Intervention Plan.

PAGPAPALALIM
1. Himukin ang mga kalahok sa isang quiz bee game upang masukat ang kanilang antas ng pag-unawa
sa SWDI sa pamamagitan ng isang interaktibo at masayang pamamaraan
2. Narito ang mga halimbawa ng mga katanungan: Tukuyin ang antas ng mga sumusunod na
sitwasyon batay sa SWDI Levels 1-3

SITWASYON TAMANG KASAGUTAN (ANSWER KEY)


Ang isa o dalawang miyembro ng pamilya ay may Level 3
trabaho at may permanenteng pinagkukunan ng
pinagkakakitaan
Isang sambahayan na may limang miyembro na Level 3
kumikita ng P20,000 sa loob ng isang buwan
Nagmamay-ari ng sakahang lupa na may Level 3
kakayahang kumita mula sa mga itinanim na mga
pananim
Ang sambahayan ay mayroong savings o ipon sa Level 3
COOP
Walang sinuman sa miyembro ng pamilya ang Level 1
miyembro ng private insurance
Walang malnourished na batang edad 0-5 taong Level 3
gulang sa sambahayan
Ang bawat miyembro ng pamilya ay hindi na Level 2
kinakailangang kumonsulta sa mga health facility
dahil wala namang nagkakasakit sa kanila
Ang sambahayan ay may sariling pinagkukunan ng Level 3
ligtas at malinis na inuming tubig
Ang mga batang pumapasok sa eskwelahan ay Level 3
nakakakumpleto ng 80-100% attendance
Ang sambahayan ay walang akses sa palikuran Level 1
Ang sambahayan ay miyembro ng isang Level 3
akreditadong organisasyon
Walang miyembro ng pamilya ang nagkasakit sa Level 3
nakalipas ng anim na buwan
Ang isa sa mga anak ay nakatapos na ng kolehiyo Level 3

3. Hikayatin ang mga kalahok na ibahagi ang kanilang mga pagninilay at pananaw habang nagsusulat
kanilang vision o layunin para sa kanilang pamilya

Paalala sa tagapagpadaloy:
• Tapusin ang pagpapalalim sa pamamagitan ng pagpaparating sa mga kalahok na ang mga ito ay
halimbawa ng mga kondisyon (10 out of 13 item) na nais ng programa na makamit para sa mga
benepisyaryo ng 4Ps sa loob ng pitong taon, kaya naman lubusang kailangan ang kanilang buong
partisipasyon.
• Magpadaloy ng isang family dialogue upang tulungan ang mga pamilya sa pagbuo ng kanilang
vision statement o pahayag. Maaaring gamitin ang diyalogo ng pamilya upang talakayin ang mga
natuklasan sa mga pagtatasa o assessment. Dapat na maunawaan ng pamilya kung paano
makatutulong ang ginawang pagtatasa o assessment sa kanila sa pagkamit ng mga layunin na
kanilang itinakda para sa kanilang sarili.

SINTESIS
Tapusin ang sesyon sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa mga sumusunod na mensahe:

1. Ang kamalayan sa kasalukuyang kalagayan o sitwasyon at ang kagustuhang baguhin ito ay


maaaring magbukas ng mga oportunidad para sa mas maayos na pamumuhay.
2. Ang 4Ps ang kanilang pangunahing katuwang upang makamit ang kanilang layunin sa pamilya, lalo
na para sa edukasyon at kalusugan ng kanilang mga anak.
3. Ang visioning process ay tutulong sa pamilya upang kanilang makita kung ano ba ang gusto nilang
puntahan, kung nasaan na ba sila ngayon, at kung ano ang nais nila sa hinaharap, partikular na
habang sila ay nasa programa sa loob ng pitong taon. Ang isang vision ay kinakailangang mabuo
para sa isang mas tiyak na layunin sa pagbibigay ng mga interbensyon. At upang matiyak na ang
visioning exercise ay may epekto o impact sa pamilya, ang visioning process ay dapat magkaroon
ng mga kasunod pang mga sesyon sa pamamagitan ng FDS o sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
mga diyalogo ng pamilya.
4. Mahalaga na maiparating ng case manager ang esensya nito at kung gaano ang posibilidad na ang
resulta ng aktibidad na ito ay makakaapekto sa buong proseso ng case management.
5. Tandaan! Ang isang “vision statement” ay hindi kailangang maging konkreto… Ang visioning ay
walang limitasyon!

TAKDANG ARALIN
1. Atasan ang lahat ng mga kalahok na gayahin ang isinagawang visioning activity kasama ang
kanilang buong pamilya. Maaari pa nilang pagandahin at mas pagbutihin ang nauna nilang
ginawang vision.
2. Ang pagkakaroon ng follow-up session on Household Intervention Planning ay maaaring gawin sa
mga susunod na pagbisita sa tahanan ng case manager.

You might also like