You are on page 1of 3

MGA HULWARAN NG TEKSTONG EKSPOSITORI

1.DEPINISYON

Layunin ng tesktong depinisyon ang mabigyang-kahulugan ang iba’t ibang


termino. Ito ay may malaking hawan upang mabigyang-daan ang lubos na
pagkaunawa ng mga mambabasa sa teksto. Ang mga pamamaraang ito, ayon kay
Cassanova (2001), ay napakahalagang sandata sa isang manunulat at maging sa
mga mambabasa. May mga pagkakataong binibigyang-diin ito sa isang sulatin kaya
nangangailangan ito ng mga pansuportang ideya.

Ang depinisyon ay karaniwang nagtataglay ng tatlong bahagi: a) termino o


salitang binibigyang-kahulugan b) ang uri, class o specie kung saan kabilang o
nauuri ang termining binibigyang-kahulugan at c) ang mga natatanging katangian
nito (distinguishing characteristics) o kung paano ito naiiba sa mga katulad na uri.

Sa pagbibigay ng kahulugan, may tatlong paraan na maaaring gamitin ang


isang manunulat, ang una’y ang paggamit ng mga sinonim o mga salitang katulad
ang kahulugan o kaisipan ang pangalawa’y ang intensibong pagbibigay ng
kahulugan at ang pangatlo’y ang ekstensibong pagbibigay ng kahulugan. Sa
intesibong paraan, ginagamit ang tatlong bahaging tinalakay sa naunang talata. Sa
mantala, sa ekstensibong depinisyon , pinalawak ang kahulugang ibinigay o
tinatalakay sa intensibong pagbibigay-kahulugan. Maaaring gamitin dito ang iba’t
ibang metodo sa pagdebelop ng talata tulad ng pag-uuri analohiya, paghahambing,
pagkokontrast , paglalarawan, pagpapaliwanag, pagbibigay-halimbawa, pagbanggit
ng hanguan o awtiridad at iba pa.

Maaari ring mapansin sa isang tekstong depinisyon ang dimensyong


denotasyon (karaniwang kahulugan o kahulugan mula sa diksyonaryo) at ang
dimensyong konotasyon di-tuwirang kahulugan o matalinghagang kahulugan).

2.PAG-IISA-ISA O ENUMERASYON

Ang pag-iisa-isa o enumerasyon ay nauuri sa dalawa. Ang simpleng pag-iisa-


isa ay pagtalakay sa pangunahing paksa at pagbanggit ng mga kaugnay at
mahalagang salita. Ang komplikadong pag-iisa-isa ay pagtalakay sa pamamaraang
pagtatalata ng pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipan na naglilinaw sa
paksa.

3.PAGSUSUNOD-SUNOD O ORDER

Ang pamamaraang ito ay ang pagsusunod-sunod o order ng mga pangyayari


-o ng isang proseso. Mauuri ito sa tatlo. Sikwensyal, kronolohikal at prosidyural.
Sa tekstong Sikwensyal, ang batayan ng order ay ang panahon o pagkakasunod-
sunod na pagkakaganap ng mga pangyayari. Sikwensyal ang isang teksto kung ito
ay kinapapalooban ng serye ng pangyayaring magkakaugnay sa isa’t is ana
humantong sa isang pangyayari na siyang pinapaksa ng teksto. Sa tekstong
Kronolohikal, ang paksa ay tao kung ano pa mang mga bagay na inilalahad sa
isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol tulad ng edad, distansya, tindi,
halaga, lokasyon, posisyon, bilang, dami at iba pa. Ang tekstong Prosidyural, ay
isang uri teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang
hangganan o resulta (Bernales, et al.,2007).

4.PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST

Karaniwang ginagawa na natin ang dalawang prosesong ito sa ating pang-


araw-araw na mga gawain. Kung naghahambing tayo ng dalawang bagay,
ipinapakita natin ang kanilang pagkakatulad; kung pinagkokontrast naman,
ipinapakita ang kanilang kaibahan.

Sa pagsusulat, hindi na iba ang hulwarang nabanggit dahil kung


naghahambing at nagkokontrast ang dalawang bagay nang malinaw ay binibigyan
natin ng pagkakataong humusga ang mambabasa. Layunin ng tekstong ito na
mabigyang linaw ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kaalaman, pangyayari,
tao at iba pa. Sa paggamit ng paglalarawang paglalahad, maipapakita ang mga
pagkakatulad at pagkakaiba ng katangian at mga kalikasan ng mga bagay na
pinaghahambing o pinagkokontrast.

Mayroong dalawang paraan ang hulwarang ito. Maaaring halinhinan


(alternating) ang pagtalakay sa katangian at ikalawa ay ang isahan (block) na ang
ibig sabihin ay magkasunod na pagtataya sa katangian ng dalawang paksang
pinaghahambing at kinokontrast.

HALINHINAN ISAHAN

I.Pagkakatulad ng A at B I.Mga Katangian ng A

A. Pagkakatulad 1 A. Katangian 1

B. Pagkakatulad 2 B. Katangian 2

C. Pagkakatulad 3 C. Katangian 3

II.Pagkakaiba ng A at B II. Mga Katangian ng B

A. Pagkakaiba 1 A. Katangian 1
B. Pagkakaiba 2 B. Katangian 2
C. Pagkakaiba 3 C. Katangian 3

1. PROBLEMA AT SOLUSYON
Ginagamit ang hulwarang ito upang maglahad ng isang suliranin at
pagkatapos ay magtala ng isa o higit pang lunas o suliranin.

2. SANHI AT BUNGA

Madalas na ginagamit ang hulwarang ito sa mga pag-aanalisa ng mga


paksa sapagkat malinaw na naipapahayag ang mga pinagmulan ng mga
pangyayari at mga maaaring maibunga ng mga ito.

You might also like