You are on page 1of 2

W I K A AT N A S Y O N A L I S M O

NASYONALISMO
-Konserbatibo
-Radikal
-Integral
Ano ang papel ng Wika sa konsepto ng Nasyonalismo? Kailangan ba ang wikang Pilipino upang
umusbong ang nasyonalismo? Sa kasaysayan mahahanap ang sagot.
1800
-umusbong ang nasyonalismo bilang konsepto.
-konseptong hiram at tanim mula sa espanyol.
-wikang kastila ang naging behikulo nito.
1812 Konstitusyong Cadiz
-pagiging pantay ng Pilipinas sa Espanya at pagkakaroon nito ng representasyon sa pamahalaang
kolonyal.
-nagbibigay ng karapatang pantao at karapatang pang-mamamayan sa lahat ng nasasakupan ng
Espanya kabilang ang Pilipinas.
Adhikaing Imperyal
Isapi ang Pilipinas bilang probinsya ng Espanya; isali ang mga Pilipino bilang mamayang kastila.
1815
Nang nabalitaang na pinawalang bisa ang konstitusyong cadiz naghimagsik ang mga Ilokano.
1860
Namulat sila sa katotohanang ang mga Pilipino ay may sariling kabihasnan bago pa dumating ang
Kastila.
Propagandista
gumamit ng peryodiko, literatura at ibp. upang ipagtanggol ang karangalan ng Indio.
Ngunit bakit nanaig parin ang Wikang Kastila?
Edukado sa wikang kastila, ang sariling wika ay ginagamit lamang sa tahanan ay pasyalan; Ang
adhikain ay asimilasyon at hindi kalayaan; Ang ibig nilang gisingin ay mga opisyales at klerikong
kastila, hindi ang kababayan.
Bagaman iyon ang layunin, hindi napigilan ang pagkalat ng mga ituturo ng propagandista sa mga
maliliit na tao: manggagawa, mangbubukid at iba pang kasapi ng masa.
1897 KONSTITUSYON NG BIYAK-NA-BATO
Pagdiklara ng Tagalog bilang wikang opisyal. Palasak na paggamit ng wikang tagalog sa buong
panahon ng rebolusyon. Karaniwang ginagamit ng mga rebolusyonaryo ang wikang tagalog bilang
isang simbolo ng kaisahan ng bagong bansa.
1899 KONSTITUSYON
ginawa ng mga ilustrado; hindi naging wikang opisyal ang tagalog; pansamantalang pinagamit ang
wikang Kastila. Bakit? Mababa ang pagtingin ng mga may pinag-aralan sa mga wika nf kanilang
kababayan, samantalang sa kastila ay mataas. Walang prebilihiyo ang tagalog, samantalang ang
kastila ay tinanggap ng ibang bansa bilang wika ng diplomasya.
1900 DIGMAANG FILIPINO-AMERIKANO
Nagtagumpay ang mga Amerikano
Opisyal at pampaaralan
1934 Batas Tydings-Mc Duffie
Ginawang wikang opisyal ang Ingles at Kastila
1936 Common Wealth Act 570
Ang pambansang wika ang magiging wikang opisyal.
1942 Military Order No. 2
Tagalog ang Wikang Pambansa na dapat ipalaganap
1943 Japanese Occupation
Ginawang wikang opisyal ang Tagalog ngunit ginamit sa paghahasik ang ideolohiyang Hapon.
1959 Idiniklara bilang pambansang wika an tagalog at pinangalanang Filipino.
Magulo ang pagtatakda ng wikang pambansa at wikang opisyal. Nagdulot ng balakid ang multi-
linggualism sa Pilipinas (20 wika, 300 dialekto). Nagkaroon ng pagbubuklod dahil sa paggamit ng
Taglog noong himagsikan.
Sa panahon ng digmaan nagkaroon ng tunay na direksyon ang paghahanap ng nasyonalismo.
Gumamit ng sari-sariling wika ang mga Nasyonalista sa pag papaunlad ng kanikanilang tradisyon.
WIKA ANG BEHIKULO SA PAGHASIK NG NASYONALISMO

You might also like